abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

gigz
Thursday, January 25, 2007
Saka na ang kuwento. Gig sked muna, pards.

Friday, 26 January - Green Papaya Art Gallery. Sa may U.P. Village ito, e, malapit sa Bayantel du'n. Mga 9 daw ang set namin; siguro mga 8, 8:30 ang simula. Para sa RockEd yata ito; di ko naman alam kung kaninong kontak ang nagline-up sa amin dito. Acoustic set lang 'to.

Saturday, 27 January - Aksyon Edukasyon with Kax and Jen Productions present: "A Good Start: A Benefit Concert for the Kids of Mayamot Elementary School." Purple Haze, Tomas Morato, 8pm. Performances by Agape, Ang Bandang Shirley, Bobby Balingit, Death by Stereo, Degage, Gapos, Los Chupacabras, Marf Creature, kilometer64 and more. Tickets at PhP150 with two free beers.

Wala si Joel sa mga gig na 'yan; magpapabirthday party siya kay Moira (bunso niya,) sa Cavite. Si Cholo ng TWG ang magpepercussions sa Green Papaya, at rock-out naman si Oshti ng Gapos sa Purple Haze.

Babawi na lang si Joel sa Monday, 29 January - Mag:Net Katipunan. The Thomasian Writers Guild, Gapos, and Los Chupacabras. Tickets at PhP150, one free beer. 8:30 ang simula ng rakrakan dito.

Meron din sa Friday, 9 February. Si Carl ang may kontak dito; ang timbre sa akin, sa Park 9 basketball court yata 'to. Kasama daw yata ang Locomotive? Di nga? At tama ba ang spelling ko sa ngalan ng banda nila? Hardcore kung matuloy 'to. Basta ititimbre ko na lang ulit dito pag tuloy na.

At kung may raket kang maipapasa sa akin-- sana, sana. Pabato naman. Medyo hilahod sa gastusin ngayon, e. Iwan ka lang ng email address, mehn, send ko sa 'yo CV ko.

Salamat, a.
posted by mdlc @ 6:30 PM   2 comments
wala lang, gusto ko lang i-share
Monday, January 15, 2007
1.

Ang sabi ni Kumander, magpatingin na raw ako sa doktor. Masama na raw ang lagay ng insomnia ko.

(Kanina pa ako inaantok. Matapos humiga't pumikit nang halos dalawang oras, napagpasyahan kong walang patutunguhan kung magpapanggap akong tulog. Wala namang nagbabantay sa akin, at di ko na naman kailangang matulog para tumangkad. Putangina kailangan kong matulog dahil inaantok ako. Pero di talaga makatulog, di talaga. Kaya nga naisip kong pagurin na lang ang sarili ko, baka sakaling makatulong. Kaya heto.)

Nasaan na nga ba ako? Ayun-- sabi ni Kumander, ipatingin ko na 'to, kahit sa infirmary lang. Eputanginaanonamananggagawinkodun, 'ka ko. Sasabihin lang nu'n na magpatingin ako sa doktor ng utak, baka nababaliw na ako. Tangna kaya ko pa namang maggupit ng kuko, magbigay ng limos, magbilang ng pera-- di pa ako nababaliw. Wala naman akong problema, masaya naman ako. (At putangina mo rin kung iniisip mong in denial ako, di ba.) Putcha, ewan ko ba.

Siguro dahil sa napaparegular kong pag-inom ng kape. O siguro dahil, sabi nga ng iba, "malungkot ka talaga, di mo lang alam."

O siguro, tama, baka dahil sobrang bihira ko nang uminom ng erbi. May Heineken si Erpats sa fridge, inalok ako kanina, pero tinanggihan ko. 'Yun, o, 'yun, o. Baka puwede na akong pumunta sa heaven dahil tumanggi ako sa libreng beer.

Tangina ewan. Siyet. Huy. Huyssst. Tulungan mo naman ako, gusto ko nang makatulog.

2.

Share ko lang, a:

Knowledge
Stephen Dunn

Some things like stones yield
only their opacity,
remain inscrutably themselves.
To the trained eye they offer age,
some small planetary news.

Which suggests the world
becomes more mysterious, not less,
the more we know.

God knows is how we begin a sentence
when we refuse to acknowledge what we know.

Gravitas is what Newton must have felt
when gravity became clear to him.

Presto, said the clown as he pulled
a quarter from behind my ear
when I was five. The very same ear in fact
that pressed itself to a snail's vacant house
and found an ocean.

The problem is how to look intelligent
with our mouths agape,
how to be delighted, not stupefied
when the caterpillar shrugs
and becomes a butterfly.

Its on a clear surface we can best see
the signs point many ways.

God knows nothing we don't know.
We gave him every word he ever said.

3.

Wasaaak, di ba? Gusto mo pa?

(Kung hindi:) Wushuuu, gusto mo pa, e. Di nga?

(Kung oo:)

A Chance for the Soul
Carl Dennis

Am I leading the life that my soul,
Mortal or not, wants me to lead is a question
That seems at least as meaningful as the question
Am I leading the life I want to live,
Given the vagueness of the pronoun "I,"
The number of things it wants at any moment.

Fictive or not, the soul asks for a few things only,
If not just one. So life would be clearer
If it weren’t so silent, inaudible
Even here in the yard an hour past sundown
When the pair of cardinals and crowd of starlings
Have settled down for the night in the poplars.

Have I planted the seed of my talent in fertile soil?
Have I watered and trimmed the sapling?
Do birds nest in my canopy? Do I throw a shade
Others might find inviting? These are some handy metaphors
The soul is free to use if it finds itself
Unwilling to speak directly for reasons beyond me,
Assuming it’s eager to be of service.

Now the moon, rising above the branches,
Offers itself to my soul as a double,
Its scarred face an image of the disappointment
I’m ready to say I’ve caused if the soul
Names the particulars and suggests amendments.

So fine are the threads that the moon
Uses to tug at the ocean that Galileo himself
Couldn’t imagine them. He tried to explain the tides
By the earth’s momentum as yesterday
I tried to explain my early waking
Three hours before dawn by street noise.

Now I’m ready to posit a tug
Or nudge from the soul. Some insight
Too important to be put off till morning
Might have been mine if I’d opened myself
To the occasion as now I do.

Here’s a chance for the soul to fit its truth
To a world of yards, moons, poplars, and starlings,
To resist the fear that to talk my language
Means to be shoehorned into my perspective
Till it thinks as I do, narrowly.

"Be brave, Soul," I want to say to encourage it.
"Your student, however slow, is willing,
The only student you’ll ever have."

4.

Pinanood namin ni Kumander kanina 'yung Blood Diamond. Ang kapal pala ng kilay ni Jennifer Connely. At di naman pink 'yung diamond, at di naman sinlaki ng itlog. Pero nakakatuwa rin 'yung pelikula, a. Cathartic.

Speaking of pelikula, kailangan ko pang gawin 'yung mga nakabinbin kong paper sa klase ko sa film. Tangina. Kita mo. Dapat 'yun ang ginagawa ko, e, dapat 'yun kaysa itong kagaguhang 'to. Sabi nga ng mga kakilala kong kikay, "But nooooo..."

Ayun. Malakas ka sa akin, e.

5.

Mehn, nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. At ang bilis mag-init ng ulo ko. Binalibag ko sa labas ng kuwarto 'yung pusa dahil kanina pa sampa nang sampa sa hita ko, e.

Kape nga siguro ang promotor nito. Sabi nila nasasanay din ang katawan mo sa kape, pero puta ganu'n pa rin, e-- sa limang patak ng kape, dalawang buwan yata akong di makatulog.

Tangina, ang sarap kasi ng kape sa Pancake House. At mura pa, kumpara sa iba-- singkuwenta isang tasa, sampung piso 'yung refill; bale seisenta. (Siyempre gusto kong sulitin 'yung refill kaya inuubos ko 'yung dalawang tasa. Gago rin ako, 'no?) Sa Sweet Inspi, kuwarenta y singko 'yung isang tasang may refill. Pramis, malaki 'yung diperensiya sa lasa at timpla nu'ng kinse pesos na idaragdag mo kung sa Pancake House ka na lang magkakape.

6.

Ayan, nagising na si Erpats at inabutan ako ng yosi. Ang bait ng tatay ko, 'no? Astig 'yan.

7.

Huy, nakikinig ka pa ba? Tinulugan mo na 'yata ako, e. Tangina, huy, gising. May ikukuwento ako. Pero sisimulan ko lang, a, di ko tatapusin. Wag kang makulit mamaya, baka asahan mong tatapusin ko 'to, kukutusan kita. Heto:

Naramdaman mo na ba 'yung pakiramdam na parang wala na ring saysay ang pakikipaglaban, kasi siguradong matatalo ka rin naman? 'Yung ayaw mo nang pumalag? Kung baga sa basketbol, lumaban ka na ba sa liga tapos sobrang lakas ng kalaban mo na pinagbubulungan na ninyong magkakampi na "Pare, ang goal natin ngayong laro e hindi matambakan ng singkuwenta, a"? 'Yung ayaw mo nang sumipot, pero may mga umaasa sa 'yo kaya kailangan mong sumipot; 'yung ayaw mo nang lumaban, pero magkukulang ng player kapag wala ka, kaya sabi mo na lang sa sarili mo, "Wat da pak, sige, tangina, wala namang mawawala, e"? Naramdaman mo na ba? Dehins okey, di ba? Bad trip?

O, di ba, nakakabitin talaga ang simula ng kuwento ko. Siguro iniisip mo, madrama 'no? 'No? Di nga?

Gagu, dehin. Bastaaa. Itutuloy ko 'yan, neks time, neks entry. Pramis. Ambigat na ng balikat ko, e. Tulog na ako.

p.s.

Tangina ugaling aso, e, 'no? Pagkatapos kang puyatin, siya rin pala ang matutulog nang una? Huwag ganu'n, Mikael, huwag ganu'n.

p.p.s.

Kung trip mo rin pala si Carl Dennis, mayroon din ako ritong mangilan-ngilan. Email ko sa 'yo?

p.p.p.s

Liham

1.

Kaninang madaling-araw,
dumungaw ako sa bintana at buong-lakas na isinigaw
ang iyong pangalan. Nangatal ang mga dahon.
Patuloy na nagsayaw ang nag-iisang gamugamo
sa paligid ng umaandap-andap na ilaw-poste.
Umusad ang mga ulap. Nagkubli ang buwan.
Ngunit walang sinumang lumingon.

2.

Gusto kong ipaalam sa iyo
kung gaano nang kahirap ang dumilat,
kung gaano nang kadilim ang mga araw
mula nang pumanaw ka.

Nagdurugo ang kalawakan
sa bawat kong pagtingala, nagiging simbigat ng tingga,
at wala na akong magawa kundi abangan
ang marahas nitong pagbulusok.

Ilang milyong taon nang uso
ang kamatayan
, sabi ng isang makata, at oo,
ilang milyong taon na nga tayong binabagabag
ng mga hangganan, ngunit iyon at iyon pa rin

ang katahimikang sumasakop sa ating mga lalamunan
sa tuwing napagtatantong di na babalik ang lumisan.
Iyon pa rin ang mga pagnanasang
alam nating di kailanman makakamtan:

Gusto kong isiping naririnig mo ako,
nababasa mo ito, at sa gilid ng papel,
napapansin mo ang isang linya, nangungulila,
walang mapagsingitan: Nasaan ka na?

Kayhirap magtanong nang walang tumutugon
.
Kayhirap pumikit nang nalalamang
kadiliman din lamang ang sasalubong
sa aking pagdilat.

3.

Kailangan kong magpatuloy.
Sapagkat may mga bagay na hindi mo nagawa.

4.

Iniisip mo sigurong kailangan nito
ng mga imahen. Heto: dalawang talukap,
kalahating kabang langib, isang tabong dugo.

Sa pader ng kusina, sintaas ng tuhod,
may sampulgadang linya. Iginuhit mo iyon, dati,
gamit ang pulang krayola. Hanggang dito
ang inabot ng huling baha
. Sandakot ng abo.

Singsing, kupas na salamin. Pitak
sa marmol na sahig. Sa ibabaw ng aparador,
may bukbuking kahon, puno
ng mga luma mong liham. Paminsan-minsan,
ibinababa ko pa rin iyon, hinaharaya
ang tinig mong binibigkas ang mga linya.
Hindi mo kailangang magpaliwanag.
Naiintindihan kita
. Butas-butas na maleta.

May-lamat na kopita. Kalawanging kuwadra
ng mga ibon. Sa tokador: Ilang aklat. Kuwaderno,
listahan ng mga ipamimili. Huwag
kalilimutan!
Tinitigan ko nang masinsin
ang lahat nang ito, isinilid sa isang baul,

pilit pinagkasya sa bukbukin kong puso.
Sa hardin, nakaukit sa sandalan ng bangko,
isa ring puso, pangalan mo, pangalan ko,
Mayroon pa bang kulang? Mayroon
pa bang naiwan? Sapagkat
kailangan kong sunugin
ang lahat nang natira.

5.

GAMUGAMONG NAGSASAYAW:
Kaylapit nang magliwanag,
ngunit di ko matiis na lumapit sa iyong init.

UMAANDAP-ANDAP NA ILAW-POSTE:
May hanggan ang halat.

GAMUGAMONG NAGSASAYAW:
Alam kong kapag lumapit ako nang tuluyan,
masusunog ako.

UMAANDAP-ANDAP NA ILAW-POSTE:
May mga pagkakataong kailangan nating magpasya.

GAMUGAMONG NAGSASAYAW:
Ngunit kaydilim ng lungsod! Kaylamig!
Kailangan ko ng kapirasong liwanag.
Iyon lamang, at maaari na akong pumanaw.

UMAANDAP-ANDAP NA ILAW-POSTE:
Huwag nating pag-usapan ang kamatayan.

6.

Kailangan kong magpatuloy.
Sapagkat malapit nang magliwanag.

7.

Gusto kong pagkasyahin sa iilang saknong
itong dambuhalang kadilimang dumaragan
sa kumikipot at kumikipot kong sulok ng lungsod.

Ngunit paano? Kung bukas, may maalala ako,
isusulat ko na lamang iyon sa lumang diyaryo,
sa likod ng kalendaryo, ibubulong sa mga ibon,

iguguhit sa hangin, at saka ko hihipan.
Aasa na lamang na babalik sa akin ito
bilang hininga, o ulan. Aasa na lamang

na naririnig mo ako. Gusto kong isigaw,
paulit-ulit, buong-lakas, ang iyong pangalan.
Gusto kong bulungan ako ng bintana

gamit ang nangangatal mong tinig.
Kayrami ko pang gustong sabihin,
ngunit sadya nga sigurong tungkol ito

sa mga hangganan. Gusto kong maglaho
ang lahat ng hangganan. Gusto kong
ipagbawal ang kamatayan.

Gusto ko nang pumikit, at dumilat
nang hindi nangungulila, nakaantabay
sa muling pagliwanag ng kalawakan,

...............................nagmamahal.
posted by mdlc @ 4:57 AM   7 comments
mami, mahal mo pa ba ako?
Wednesday, January 10, 2007
May magbabalut na nagdaan dito sa kalye namin. Nasa itaas na ako, sa kuwarto, nakatahimik, pero hindi ko mapigilan, e. Hindi ko talaga kaya. Gutom ako.

Kakakain ko lang ng dalawang balut. Hinihintay ko na lang ang sipa ng altapresyon. Sana lang, di ba, sana wala akong mabasa na nakakabuwisit na kahit-ano. Nang huling nangyari 'yun (lechong kawali naman ang sinabakan ko nu'n,) sumakit ang batok ko at namintig ang kaliwang braso ko. Bata pa ako. Babaguhin ko pa ang mundo. Hindi pa man lang sumisikat ang banda namin, at ayokong maunahan ako ng puso ko, gaya nang nangyari kay Ely Buendia.

Natulog ako nu'ng hapon (luxury naming mga "freelancer"/ masteral student/ palamunin) at alas seis na rin ako ng gabi nagising. Nang maghalungkat ako sa kusina, may tirang corned beef at kaunting kanin. Puwede na rin 'yun. Hindi naman mapili ang bituka ko, e.

Nanonood ako ng ikalawa kong episode ng Sopranos (season 5 na ako) nang katukin ako sa kuwarto ng pamangkin ko. "Tito, kain na raw." Minabuti ko namang tapusin ang episode na pinapanood ko bago ako bumaba. Piniritong manok, gravy, itlog na pula't kamatis. Samahan mo pa ng dalawang timbang kanin. Solb.

Umakyat ulit ako para magyosi at mag-check ng mail nang naramdaman kong parang may kulang. Matapos magyosi, bumaba ulit ako para sa leche flan. Isa, dalawa, tatlong kutsara. Sa ikaanim na subo, masama na ang tingin sa akin ng nanay ko.

Ang sabi niya, "Anak, hindi na yata maganda 'yan."

Ang sabi ko, "Bakit, 'mi, mataba na ba ako? Pangit na ba?"

Ang sabi niya, "Anak, oo."

Ang sabi ko, "Naknantokwa naman sa bahay na 'to, di ka makakain nang walang nakabantay sa 'yo."

Tapos umakyat ako at nagmuni-muni tungkol sa kamatayan: atake kaya sa puso ang ikamamatay ko? Lung cancer? Sakit sa atay? Lahat nang iyan habang pinapanood ang ikatlo kong episode ng Sopranos para sa araw na 'to. Nag-iihaw ng steak si Tony Soprano nang marinig ko ang pamilyar na tawag ng gabi: "Baluuuuuut! Baluuuuuut!"

Kaya nga bumaba ako at binuksan ang pinto. Narinig ni Ermats ang mga kalabog.

Ang sabi niya, "Ano 'yun?"

Ang sabi ko, "Balut."

Ang sabi niya, "Anak, kakakain mo lang, a."

Hindi na ako sumagot. Binilisan ko na lang ang pagbabayad, kumuha ng ilang kurot na asin sa kusina, at ipinagpatuloy ang panonood ko ng Sopranos.

Hinabol ako ng pangaral ng nanay ko. "Anak, hindi na healthy."

Ang sabi ko, "O, sige, tag-isa tayo dito sa balut, kung gusto mo."

Hindi na yata alam ng nanay ko kung matatawa siya, o maiiyak, o maggagayak ng pampaospital sa anak niyang matakaw.

Ang sabi ko, "'Mi, sa tingin ko withdrawal symptom lang 'to. Ilang linggo na rin akong hindi nakikipag-inuman."

Ang sabi niya, "Anak, ang galing mo talagang mag-isip ng mga hirit na nakakakunsumi."

Ang sabi ko, "Siyempre naman. Bagay sa beer 'tong balut, alam mo?"

Ang sabi niya, "Ang laki mo na kasi, e. Kung maliit ka pa sana, ang dali mong buntalin."

Sabay na lang kaming tumawa. Sa monitor ng kompyuter, tumatawa rin si Tony Soprano. Ang sabi pa niya, "Pak dat siyet."
posted by mdlc @ 1:21 AM   1 comments
kung gising ka pa
Friday, January 05, 2007
1.

"In the best poetry of our time-- but only the best-- one is aware of a moral pressure being exerted on the medium on the very act of creation. By "moral" I mean a testing of existence at its highest pitch-- what does it feel like to be totally oneself?; an awareness of others beyond the self; a concern with values and meaning rather than in effects; an efort to tap the spontaneity that hides in the depths rather than what forms on the surface; a conviction about the possibility of making right and wrong choices. Lacking this pressure, we are left with nothing but a vacuum occupied by technique."

- Stanley Kunitz

Ipinadala sa akin 'yan ng isang kinapipitaganang guro; 'yan ang una kong nabasa paggising noong unang umaga ng 2007. Wala na lang akong nagawa kundi mapatango.

2.

Naging mabait sa akin ang 2006. Pero sino ba ang niloko ko? Sa totoo lang, tuwing sasapit ang bagong taon, 'yan ang sinasabi ko sa sarili ko: Naging mabait sa akin ang nakaraang taon. Magmula nang natuto akong mag-isip para sa sarili ko, ginagawa ko na iyan: naglalakad tungong kanto ng Laguna at Makata, inaabangan ang unang pagsikat ng araw para sa taon, yumuyuko, at nagpapasalamat.

3.

O sige na nga, oo, oo. Naging mabait nga sa akin ang 2006. Para ngang ayaw pang bumitaw nang walang huling regalo; humabol pa ng ilang tula na di ko naman akalaing maisusulat ko, dahil na rin sa dami ng ibang dapat gawin, pero mas dahil sa ingay dito sa kapirasong sulok ko ng Maynila.

Sa totoo lang, hindi ko binalak na magbagong-taon dito sa amin. 'Ka ko sa sarili, gusto ko namang makaramdam ng bagong taon na hindi maingay. Gusto kong mag-isip, manahimik.

Pero noong hatinggabi ng a-trenta-y-uno ng Disyembre, lumabas ako ng bahay, di bale na ang usok at ingay. At nakita ko ang buong Makata na nakatingala. At pati ako, napatingala na rin nga. At di napigilang ngumiti.

4.

Kilala mo ba si Dean Young? Kung ipalilista sa akin ang limang paboritong makata ko, siguradong nandu'n siya. Kung hindi mo pa siya kilala, hayaan mong ipakilala ko siya sa iyo:

Sky Dive
Dean Young

In school it had been important to learn
the names of battleships, diseases, museums,
kings, the internal scheme of the squid
which is called taxonomy but outside, in the fields,
it seemed most important to know the names
of sex organs: vulva, Mount Olympus,
anadromous pod and that was called soccer practice.
Beside me in Earth Science sat Debbie
until she was killed by a Volkswagen
so the rest of the year I did the experiments
alone. Say crack my fingers backwards, she whispered
while I tried to organize plastic seashells.
The earth had folded into itself many times.
Ann, Jill, Brenda, Elizabeth. Kinesis,
the golgi apparatus, the ellipsis. Give up,
go to bed, dream. Then to wake up twenty years later
after a party knowing you behaved perfectly
shamefully, the brain is threatened sea life,
astronomers predict discs of dust hold clues
to the birth of the universe and then to make tea
and telephone apologies. What was her name,
the one by the door? Expostulations of orange juice.
Purple clouds. Twice I jumped from an airplane
to forget a beautiful woman who was sleeping
with some guy instead of me who made guitars
from scratch. Handprints on an aquarium,
tissue paper. Irregular envelopes. To begin,
each player selected a game piece. She was
beautiful and drunk but not as drunk
as her dress which kept hailing cabs
even at the party. Beneath the clothing
is the skin and beneath the skin, viscera, bones
but beneath that there is just the skin
of the other side so clearly something
is unaccounted for. Green river,
lobelia, lightbulb shaped like a flame,
a chair shaped like a shoe. The last time
I landed, I forgot all I learned
throwing myself from a practice flight of stairs.
It drove me crazy, the way she smiled
at strangers and I could never be
a stranger. A thousand feet above the earth,
hanging from a handkerchief.

Tingnan mo ang style niya, pag-aralan mo. 'Yung laro ng statement at image, 'yung husay niya sa pagpipinta, sa pagpapakawala ng mga imahen, tapos sa pagkambyo gamit ang utterance. Nakita mo na? Kung nalilito ka, pag-usapan natin minsan.

Kung trip mo siya, mag-iwan ka lang ng email sa comments. Papadalhan kita ng kopya ng mga tula niya, 'yung mga mahahanap sa internet, na kinolekta ko.

5.

Siguro iniisip mo, Bakit ka ba post nang post ng mga tula mo rito? May bahagi sa aking gustong sabihing dahil gusto ko, paki mo ba. Pero 'yun 'yung bahaging ayaw kong ipakilala sa iyo.

Kaya: Bakit nga ba? Siguro dahil walang ibang paraang maipabasa sa mga tao 'to, kundi sa pagpapaskil dito. Hindi naman lahat magkakaroon ng kopya nu'ng mga antolohiya o magasin kung sa'n ko ipapublish 'yan, kung mapapublish nga. Siguro dahil naniniwala ako sa sarili ko. Oo, tama-- isa 'yan sa mga biyaya sa akin ng 2006-- alam ko na ang gusto kong sabihin, kaya ko nang sabihin 'yun, naniniwala ako sa tula ko. At kung di pa rin sapat sa iyo ang paliwanag na iyon-- Kung di mo trip, tsaka ko na lang sasabihing, Dahil gusto ko, paki mo ba. O siguro-- isa na namang leksiyon ng 2006-- sasabihin ko na lang na, Okey lang. Okey lang.


6.

Nu'ng bakasyon, nagpunta ako sa Tagaytay, para sa inuman/reunion-na-rin-sigurong-tatawagin ng barkada ko nu'ng high school.

Papunta sa paradahan, galing sa Leslie's, nakasabay kong maglakad ang isang kaibigan. Siya 'yung tipong tinitingala ng barkada-- achiever kasi, e. Cum laude, kung hindi man magna, nu'ng college. Sa isang Multinational nagtatrabaho ngayon. Malamang malaki ang suweldo, di ba. Sa Singapore siya nakabase, at umuwi lang para magpasko't magbagong-taon dito.

E di kumustahan nang kaunti, ganu'n. Nalaman niyang nag-e-M.A. ako. Itinanong niya kung ano ang balak ko matapos ang M.A., kung ano ang plano ko sa buhay.

Wala naman akong maisagot kundi ewan. Siguro, sa akademya na nga, sabi ko. O maghahanap ng trabahong mapaggagamitan ng mga skills ko. Basta, sa ngayon, ang goal ko e ang matapos ang M.A. Beyond that, ewan.

Tapos, sumagot siya, Ngye. E bakit ka nandiyan? 'ka niya.

Natameme ako, at bahagyang nahiya. Heto 'yung pinaka-achiever sa isang barkada ng mga achievers (walang biro; ako lang ang napag-iwanan, ako at iilan pang iba,) sinasabihan ako na, oo nga, Ba't ko nga ba ginagawa ito? Para saan? Ano ang lugar nito sa kalakhang iskema ng kinabukasan ko?

Nag-iisip pa ako nang hinugot siya ng iba pang kabarkada. Naiwan akong naglalakad nang mag-isa, nakayuko. At nito-nito ko lang naisip ang isasagot ko sa kanya, sakaling magkaharap uli kami.

Kailan pa ba kinailangan ng dahilan ng edukasyon? Nag-aaral ako dahil gusto kong matuto. Dahil mahal ko 'tong inaaral ko. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong aralin 'to nang masinsinan nu'ng undergrad. Nag-aaral ako dahil gusto ko ng kaalaman, at 'yun na 'yun. End in itself ang pagpapakadalubhasa ko sa Panitikan.

Hindi ko alam kung matatanggap niya 'yung sagot na 'yun. Mulat naman akong hindi lahat e sasang-ayon sa akin kapag sinabi kong hindi laki ng suweldo ang sukatan ng success. Ewan.

Basta, sa madaling sabi, masaya ako. At kung ikaw siya, kung ikaw 'yung kaibigan kong tinutukoy, sakaling maligaw ka dito at mabasa ito, heto: Sana masaya ka rin, pero mukhang hindi pareho ang style natin, hindi pareho ang atake sa buhay. Sabi nga nila, good luck na lang.

7.

'Yung huling tula-- tula ko-- na ipinaskil ko rito, may epigraph galing kay Robert Hass (na isa rin sa mga paborito kong makata.) May astig na trivia siya, e, tungkol sa Novgorod:

"But Mandelstam, who wasn't a political thinker, loved the idea of the city-state. One of the emblems in his poetry of the politics he imagined, over and against the universalizing politics of Marx, was the medieval city of Novgorod, which had in its center a public well where the water was free to everyone. That became for him a figure of justice."

Astig talaga si Hass. Alam mo pa ang sabi niya? Heto:

"Poetry, when it takes sides, when it proposes solutions, isn't any smarter than anybody else."

Nang mabasa ko iyan, muli, wala na akong nagawa kundi tumango.

8.

Babatiin pa ba kita? Madaling-araw ngayon, alam mo? Madaling-araw ngayon at naisip ko lang ipaalam sa iyo na huwag ka munang dumilat, madilim pa rin. Gusto kong sabihin sa iyong huwag kang bibitaw. Umuusad pa, umuusad pa.
posted by mdlc @ 4:14 AM   3 comments
Proposal
Wednesday, January 03, 2007
"Poetry proposes no solutions: it says justice is the well water of the city of Novgorod, black and sweet."
- Robert Hass

I propose that everyone point a finger at the moon. I propose that everyone cut a finger off, and toss it into a sea of fingers, and watch the fingers grow into hands, many hands, held. I propose that everyone jump into this sea of fingers and search for their own finger, search for their brother’s finger, or God’s, or a murderer’s, or the finger of that one baker whom one asked for bread, who gave one bread, or at least flour and fire, and water; I propose that everyone keep that finger in a lacquered box and say, Thank you, look, the moon. I propose that all rings found be turned over to the government, and that the government—- no, no. I propose that no one mention the word government again. Nor anarchy. I propose that all rings found be given to bakers. I propose that no solutions be offered, only flour and fire and water, and silence, and maps. I propose that everyone search for Novgorod and cup its sweet black water in one’s hands, and drink. And if the water slips through, that everyone lower their heads and stare at the well-water. That everyone say, Beautiful, thank you, look, the moon.
posted by mdlc @ 1:37 AM   0 comments
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto