abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

mondays are for abandon
Tuesday, June 24, 2008
Was out with the Monday Club. Drinking, of course, and writing. The barkada's been experiencing a revival of sorts-- away from the admittedly self-conscious affectations of Happy Monday Poetry Readings at Mag:Net Katipunan, and back to the dingy, cheap-beer comfort that had us all looking forward to Mondays in the first place. The past few Mondays have brought back the poetry, the gumption, the intimacy of the original Monday Club from '04. Astig. Buti na lang tinamaan ng nostalgia si Pancho. Siya ang may pakana ng renaissance na ito.

Iba pa rin 'yung pumupunta talaga du'n 'yung mga tao para sa tula, 'yung tropa mo 'yung kasama mo at sigurado kang interesado sila sa isinulat mo, dahil may pakialam sila sa tula at sa iyo, dahil nandu'n kayo talaga para pakinggan ang isa't isa, 'yun, iba 'yun, e. 'Yung respeto na ibinibigay ng mga umiinom sa isa't isa kapag tapos na ang exercise, the hush kapag babasahin na namin sa isa't isa ang mga gawa namin, iba talaga 'yun. Nakakagana lalong magsulat.

Arkaye was there. Missed the guy-- last time I saw him, he was challenging everyone (well, Waps and I) to a bout of arm-wrestling. I think he's the best poet-- bar none-- in the country today. After a couple of rengas (which, if I might say, weren't so bad at all,) we got down to the night's exercise: a variation of the pass-a-line-to-the-left exercise we did at Waps's duende-charged house a week or so ago. It was raffle-a-line tonight, and Pancho the Younger, Heights' Art Editor, picked mine: "To travel that far they had to walk on water." He was a bit reluctant to try his hand at poetry, so he used it as jump-off point for a pen-on-legal-pad artwork instead. Galing din. I hope he does it on a more, uhm, apt medium and he gets to publish/show it somewhere.

I picked Arkaye's line. Medyo matindi-tinding pahirap ang ginawa nu'ng linya sa akin; di ko alam kung seryoso siya o gusto lang pagtripan kung sino man ang makapili nu'ng linya niya, haha. I'd smoked two cigs and was halfway through a bottle of beer when I decided, "Tangina, to hell with it. Sasakyan ko na lang ito. Bahala na kung saan ako dalhin ng ritmo nu'ng mga linya."

So sinakyan ko na nga lang. Di ko naman matapik ang sarili kong likod para sa nasulat ko-- hindi ako sobrang saya dito, e. But it was a fun exercise. I hope everyone posts theirs, especially Joel and Sasha-- kinilabutan ako sa mga gawa nila. Next week ako ang maghohost ng Happy Mondays Poetry Reading sa Mag:Net; daan kayo. Details to be posted in Joel's blog later this week.

*

Kairos

I am a virgin.
I am the solemnity of chapels,
the echoing birdcall at morning,
the bruised sky at twilight,
a bat in solitary flight.
I am a shriek bouncing off stalactites, a song
calling from a shadow-ridden door,
a voice from an attic,
the circular dance of memory
and flame. I am forgetfulness, a wick
flickering and failing like a hundred sorrows.
I am a word, and spoken
I am the bleeding that blossoms
from a lie. I am a petal,
I am the wind stroking a petal,
the sparrow borne of wind.
I am the seed the sparrow feeds on,
the earth calling home the sparrow
after a day of piercing hale.
I am a wound on a palm pressed to earth,
I am the earth's many fingers
carressing its orbit, I am the silence
of flaring suns. I am light
entering a room uninvited.
I am a window. I am you
looking out at me, the kosmos
offering itself, this moment yielding
like a virgin's swollen heart,
my rhythm yours for the taking.
posted by mdlc @ 3:38 AM   3 comments
panawagan para sa kuwentong-buhay (ipasa sa lahat)
Friday, June 20, 2008
Inemail ng isang kaibigan:

Magandang Araw! Ako po si Vlad Gonzales, guro sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, at estudyante ng MA Filipino: Malikhaing Pagsulat. Nasa proseso na po ako ng pagsusulat ng aking thesis, at isang bahagi nito ay ang pangongolekta ng mga maliliit na kuwentong-buhay (totoo man o imbento) mula sa iba't ibang tao. Ang mga kuwentong-buhay na ito ay pagsasama-samahin at ilalapat sa anyong digital. Ifi-feature ang mga maipapasang kuwento (ang mga piyesang orihinal at hindi pa ginagalaw ng inyong lingkod) sa isang seksyon ng thesis, samantalang ang iba'y magiging inspirasyon sa iba pang bahagi ng thesis, partikular sa mga isusulat na fan fiction at mga interactive na kuwento.

Ang ideya po kasi nito'y lahat tayo ay may kuwento. At sa panahong namamayani ang teknolohiya ng computers at Internet, kailangang muli at paulit-ulit na idiin na ang bawat kuwento natin ay mahalaga at may espasyo sa panahong mismong ang ating mga pagkatao ay nilulusaw na o/at binubura.

Hinihiling ko po ang inyong tulong na makapagsulat o/at maibahagi ang panawagang ito sa inyong mga kaibigan, manunulat man o hindi. Kailangan lamang pong sumagot sa tatlong tanong. Ang mga sagot ay inaasahang magiging maiksi at malikhain, hindi lalampas ng 100-300 salita kada tugon. Hindi po kinakailangang sagutan ang lahat ng tanong, pero mas maganda kung lahat ay masasagutan. At dahil po hindi mahalaga kung totoo o imbento ang kuwento ay maaaring sagutin nang ilang ulit ang mga tanong na ito. Kahit anong wika ay pwede (mas oks siyempre kung may salin sa Filipino. Balak kong ipasalin din ang panawagang ito sa iba pang mga wika. Sana ay may mag-volunteer).

Narito ang tatlong tanong:

1. Sino ka (o, ilarawan ang iyong sarili sa loob ng 100-300 salita)?
2. Saan o kanino ka nakaugnay o nakikiugnay (o, pagkukuwento ng mga relasyong napasukan sa loob ng 100-300 salita)?
3. Sa anong mundo ka umiiral (o, paglalarawan ng mga kinalakha at ginagalawang lugar/kaligiran sa loob ng 100-300 salita)?

Bagaman wala naman akong itinakdang deadline (dahil balak naman itong gawing tuloy-tuloy na proyekto), sana'y makatugon kayo sa lalong madaling panahon.

Maaaring ipadala ang mga kuwentong-buhay ninyo sa vlad.gonzales@gmail.com . Dito rin ninyo ipadala ang mga tanong o paglilinaw. Maaari rin akong makausap sa 9244899 (UP DFPP).

Maraming salamat!

Halimbawa ng ilang tugon:

1. Sino ka (o, ilarawan ang iyong sarili sa loob ng 50-100 salita)?

Bading na middle-class. I have the accoutrements—cellphone, i-pod,laptop, cds, books, pa-Ingles-Ingles nang kaunti. Pero wala naman talaga akong pera. Ganito: nagkasakit ang tatay ko kailan lang, halos maloka ako sa paghahanap ng pambayad. Isip ko, hindi naman dapat nangyari yon. Pero nangyari. So, wala. May katangahang consumer lang siguro. Bili nang bili, hindi iniisip ang sarili.

Ang pakiramdam ko minsan parang contestant sa Deal or No Deal. Gusto kong mag-succeed, magbigay ng malaking halaga sa charity PERO tumulong sa pamilya, first and foremost. Pero madalas, gusto ko lang magbasa. Saka doing anything na may kinalaman sa Madonna worship.

2. Saan o kanino ka nakaugnay o nakikiugnay (o, pagkukuwento ng mgarelasyong napasukan sa loob ng 50-100 salita)?

Sa mga kapwa middle-class. Pero dahil minsan feeling ko, ako ay enlightened, minsan sa "masa." Nakakarelate ako at gusto kong magsulat para sa socially and economically deprived and marginalized. Gusto kong maging baklang tagapagmana ng Agos writers. Pero minsan ang feeling ko ang faker ko.

Isang anekdota: si Friend, na-meet niya sina Rafa at Amina Alunan(taga-High Society daw). Sabi niya, ang aarte namin, squatter lang kami kung tutuusin. Sila Rafa lang ang may K. So, kung paniniwalaan ko si Friend at ang general feeling tuwing nanonood ng TV at nakakakitang supposedly beautiful people, yeah, squatter ako of sorts.

3. Sa anong mundo ka umiiral (o, paglalarawan ng mga kinalakha atginagalawang lugar/kaligiran sa loob ng 50-100 salita)?

Feeling ko ang mundo ay show business. At sa industriyang ito, ang pinakataluktok na ng aking mararating ay maging isang character actress na hindi sobrang kagandahan, pero may acting cred at constantly employed naman. So, pag nakikipag-deal ako sa mga tao, nasa framework sila ng showbiz: producers, co-actors, directors, moviereporters, reality show stars, etc.

*
1. Sino ka (o, ilarawan ang iyong sarili sa loob ng 50-100 salita)?

Ako'y isang taong may pagtatangi sa ibat ibang kulturang pilipino; mahilig akong magbasa ng magbasa, bumili ng mga libro, magsulat ng tula at sanaysay kapag nasa ''mood'', mahilig din akong mag-internet, malaman ang mga bagay-bagay sa mundo. May pagkamahiyain ako lalo na sa pakikipagugnayan sa mga malalaking tao-taong nasa korporasyon, institusyon. Ang pagkamahiyain ko ay dala siguro ng tinatawag na inferiority complex sa sarili. Ngunit may pagkakataon ding nawawala ang pagkamahiyain ko sa panahon ng kailangan gong matuto at mabuhay. Dagdag pa dito, may pagpapahalaga ako sa kalikasan; may pagtatatangi ako sa hustisya, pagkakapantay-pantay. Nais ko at pangarap kong mag-aral ng creative writing at abugasya.. Mahirap kilalanin ang sarili pero sa pagtatapos, sa wikang ingles, ako ay enthusiastic, idealistic, hardworking at may sense of humor.

2. Saan o kanino ka nakaugnay o nakikiugnay (o, pagkukuwento ng mgarelasyong napasukan sa loob ng 50-100 salita)?

Nakaugnay ako sa mundo ng pananaliksik, bilang aking trabaho sa private market research at survey company. Nangangalap ako ng impormasyong makakatulong sa pag-unlad ng isang kumpanya o ng lipunan;nakikipagsapalaran din ako sa mas malaki at makapangyarihang korporasyon; nakikipag ugnayan din ako sa mga grupo ng manunulat at nagsisimulang bumuo ng pangalan sa panitikan, (bagaman hindi ko tinapos ang sesyon ng workshop na sinalihan ko dahil mas kailangan ko ang trabaho); nakikiugnay din ako sa mga kaibigan, dating guro na nagpapahalaga sa batas at hustisya, sa lipunang marahas, sa komersyalisado at mabilis na syudad at nakikipag-ugnayan ako sa pamilyang simple ngunit marangal.3.)umiiral ako sa mundo na kung saan sari saring ugali, oryentasyon, pinanggalingan ang aking nakikita, nasasalubong,


3. Sa anong mundo ka umiiral (o, paglalarawan ng mga kinalakha atginagalawang lugar/kaligiran sa loob ng 50-100 salita)?

umiiiral ako sa balintunang buhay(tama ba irony sa ingles)-mayamang syudad, sentro ng komersyo ngunit sangkatutak ang iskwater. Maraming pang-uri para ilarawan ang mundong aking ginagalawan, tulad ng mabilis ang buhay, hindi natutulog. Umiiral ako sa mundong may dahas ngunit may mga taong kimakalaban dito, nakapaligid sa akin ang mga mababait, masasamang tao, at umiiral ako sa mundo ng pakikipagsapalaran- minsan may ligalig, minsan may pag-asa at pananalig. umiiral ako sa mundong nasa pagitan ng iskwater at subdibisyon sa syudad ng makati, saaking pakikipagsapalan sa buhay, ngunit babalik pa rin sa lupang pinanggalingan.

*

1. Sino ka (o, ilarawan ang iyong sarili sa loob ng 50-100 salita)?

Hmm, mahirap na tanong 'yan, kasi ako 'yung tipo ng taong hindi naniniwalang may "ako,"-- o, more accurately, 'yung konsepto ng ako e mahalaga lang naman talaga sa mga taong hindi ako. Gets? Generally, middle-class, may pinag-aralan, may matinong trabaho, sapat ang kinikita, maraming kakilala, nakikisalamuha sa mga tao from all walks of life. Sa ibang tropa, ako 'yung astig na maangas na willing makipagsuntukan. Sa iba, 'yung "matalino," sa iba 'yung relatively mahina ang ulo. Sa iba 'yung responsable, 'yung maaasahan mo. Sa iba 'yung tamad. Sa iba may kiling sa sosyopolitikal na mga bagay; sa iba, apathetic. Ako 'yung kulturado, mahilig sa libro at pelikula at tugtugang kakaiba-- sa iba. Sa iba ako'yung kampeon ng pop culture. Ang totoo, pakiramdam ko ako lahat 'yun at marami pang iba. Sa totoo lang, ang nasisiguro ko lang, sa akin hindi naman mahalaga ang lahat nang ito.

2. Saan o kanino ka nakaugnay o nakikiugnay (o, pagkukuwento ng mgarelasyong napasukan sa loob ng 50-100 salita)?

'Yung pinakamalalapit kong kaibigan, galing sa dalawang grupo: una, tropa ko nu'ng high school, na dahil lingguhan pa rin kami nagbabasketbol e ka-close ko pa rin. Mga scientist at engineer ang mga ito; may ibang nasa sales, may mga nagtuturo. Generally matatalinong tao, analytic. Di naman siguro overkill kung sabihin kong hindi lahat sa kanila 'yung may pagpapahalagang panlipunan, o kaya may masidhing interes sa sining o kultura. (O baka hindi lang halata.) 'Yung isang grupo, mga manunulat. Generally manunulat, pero may mga pintor at filmmaker at musikero rin. So sa arts sila talaga nakatuon. Bale kung may isang tao from either group na makakasali sa inuman ng kabila, sa tingin ko after two minutes tatapikin ako nu'n at bubulungan, "pare, nosebleed na ako dito."

'Yun ang tropa. Ang trabaho ko, sa gobyerno-- well, sa staff ng isang oppositionist na senador. Okey din ang mga tao du'n. Ang common lang sa aming lahat (I think,) naniniwala kami dito sa taong pinagtatrabahuhan namin, na competent siya at may integrity. So may pakikisalamuha din ako sa gobyerno/pulitikal na mga tao, pero bilang communications staffer lang.

Minsan pala lumalabas-labas pa ako dito sa amin, pero di na kasing-dalas nu'ng bata ako. Medyo badlands itong lugar namin, e. Sila yata 'yung "masa" kung tawagin sa TV. So masasabi ring nakikiugnay ako sa kanila.

3. Sa anong mundo ka umiiral (o, paglalarawan ng mga kinalakha atginagalawang lugar/kaligiran sa loob ng 50-100 salita)?

Mundo? Ewan, mehn. Mundo ng plurality, ng maraming-maraming mga mundong nagsasali-salikop para bumuo ng-- ng-- ewan. Nakikita mo naman siguro 'yung conflict sa akin nu'ng pinaliwanag ko kung kanino ako nakikisalamuha. I don't feel compelled na maging hunyango, o sumunod sa expectations ng mga tao-- pero minsan, 'yung definition na inilalapat sa akin ng mga tao, talagang 'yun naman ako, sa kontekstong 'yun. Pag kasama ko 'yung tropa kong nu'ng high school, ako si "artist," na totoo, sa konteksto ng barkada namin. Sa mga writers naman, ako 'yung science major nu'ng college. Sa trabaho ako 'yung medyo slacker; sa bahay, ako 'yung may sense ng responsibility (kahit papaano). Sa lugar na kinalkhan ko, ako 'yung nakapag-aral sa exclusive school. Sa exclusive school na 'yun, ako 'yung jologs na laking Tondo. I guess, going back to question #1, 'yun ako, e, 'no? 'Yung batang maraming mundo, haha.

Labels: ,

posted by mdlc @ 5:01 PM   5 comments
ragin' rondo
Wednesday, June 18, 2008
From TrueHoop:

"Before the game, I was going through a lot, especially not playing well on the road. I talked to Ray [Allen] about 20 minutes before the game. "Just let the frustration go." He told me I could still be a threat."

That was Rajon Rondo, who's been an unsung hero throught this season for the Celtics. I've always thought that a star-laden team wouldn't succeed without an enforcer in the paint and a capable point guard. Today, Rondo was more than capable: 21 points, eight assists, seven rebounds, six steals, and just one turnover.

I know that I predicted the Lakers to take the title in seven, but what can I say. I'm glad I was wrong. Sabi ko nga-- nasa Celtics ang puso ko dito. Medyo nahihiya nga ako that I didn't believe enough.

Isa pa, this is the last straw para sa akin. Naaasar na ako kay Gasol. I've always liked him for his soft touch and his passing skills. Pero hindi ko na talaga masikmurang maging fan ng isang big man na walang puso at walang bayag. Tangina. Hindi lang pala shooting touch ang soft sa kanya.

So there. What I know I've seen from clips and stories on the internet. Can't wait to watch the replay tonight.

*

In other news-- di ko namalayan, napirmahan na pala kahapon 'yung Law Exempting Minimum Wage Earners from income tax. Galing sa kolum ni bosing na lalabas sa Abante bukas:

"Sa kongkretong pagkukunwenta, madaragdagan ng P750 kada buwan ang kita ng ating mga minimum wage earners. May dagdag na P34 kada araw ang isang manggagawa sa Metro Manila na kumikita ng P7,900 kada buwan. Maaari na niya itong gamitin para sa pangangailangan ng kanyang pamilya: pambili ng isang kilo ng baboy kada linggo, gamot, lapis, notebook, libro ng kanyang mga anak, at iba pang pangangailangan.

"Dagdag pa rito, hindi na rin kakaltasan ng buwis ang lahat ng holiday, night differential, hazard at overtime pay. Tinaasan din ng bagong batas ang personal exemptions ng ating mga suwelduhang mga manggagawa. Ang isang empleyado na kumikita ng P455 kada araw o P10,010 kada buwa’y magkakaaroon ng dagdag na take-home pay na P472.59 kada buwan kung wala pa siyang asawa, Umaabot ito ng dagdag na P5,671.01 kada taon.

"Kapag head of the family naman siya, aabot sa P678.50 kada buwan, o P8,142.04 kada taon ang dagdag niyang maiuuwi. At kung may-asawa at may apat na anak naman siya, papatak ng P580.92 kada buwan, o P6,871.02 kada taon ang dagdag niyang sasahurin.

"Ang isang empleyado namang kumikita ng P683 kada araw o P15,026 kada buwa’y magkakaroon din ng dagdag na take-home pay. Kung unmarried siya, ang dagdag ay P545.26 kada buwan, o P6,543.10 kada taon. Kung head of the family, ang dagdag ay P1,307.18 kada buwan, o P15,686.20 kada taon. At kung siya nama’y may-asawa at apat na anak, ang dagdag ay P1,190.52 kada buwan, o P14,286.20 bawat taon."

So astig din 'yan. Sponsor si Sen. Escudero, na head ng Committee on Ways and Means sa senado at principal author naman si Mar Roxas ng batas na ito. Maganda ang omento nitong nakaraang mga buwan-- naipasa ang Affordable Meds, at ngayon, 'etong Minimum Wage Tax Exemption. Sana lang magtuloy-tuloy ito para maipasa na rin ang Suspension of the VAT on Oil bill. At sana, sa pagdating ng panahon, pati ang Educational Reform Agenda. Kaya 'yan. Unti-unti lang, mga bok. Unti-unti.

Labels: ,

posted by mdlc @ 2:16 PM   1 comments
poetrip
Thursday, June 12, 2008
Here's something from our most recent poetry exercise where someone gets a first line he'd rather use for himself, and passes it to the guy to his left. Joel reading his latest poem, first line c/o me.

video


Texture
Joel M. Toledo

A voice emerges from a well
Teeming with swords: this is a riddle,
The same way moss is a riddle,
Coating the walls as if visits are often,
As if overnight the blackness moves
Into morning green. So that I hear
Someone speaking of water, describing it
Like it is colorless and too far away.
Passing by, the blind man, wincing,
Tells me pointedly how thirsty he is.
I lead his hands to feel the moss.
He runs his fingers through it
And trains his eyes on me, saying,
Focusedly, I have grown tired
Of green. So I did what I had to –
I gave him water. He went his way.
And I grabbed the rope and pulled
And pulled until the heavy, brilliant thing
Came into view. I do not remember
What it was: stone, shard, some sharp
Something. And someone is speaking,
Round-mouthedly, as an echo,
Home, home, home.

*

More poems at Waps' and Joel's blogs.
posted by mdlc @ 3:22 AM   0 comments
on political advertising (sorry kung medyo huli)
Wednesday, June 11, 2008
Nitong mga nakaraang linggo, naging mainit ang balita sa political ads, lalo na 'yung mga lumalabas sa TV. Tinamaan ang mga pulitikong kilalang may plano sa 2010-- kesyo raw pangangampanya ito, kesyo di man labag sa batas legal, labag naman sa batas moral ito. 'Yan ang hirit nina de Quiros at Pat Evangelista sa Inquirer. Kay John Nery naman, isa raw itong "necessary evil"-- para masustain ang awareness ng taumbayan sa darating na 2010, at masiguro (at least indirectly) na bababa nga si GMA para bigyang-daan ang mga bagong kandidato. Sa madaling sabi-- may mali raw sa political ads na ito.

Ang sa akin: walang mali dito.

Natural na proseso ito sa isang market system. E ano kung politiko sila na may hangarin sa 2010? Hindi sila nangampanya; nagsabi sila ng opinyon ukol sa isang produkto, o nagtulak ng isang adbokasya. Malaki raw ang maitutulong ng mga naturang ad sa kanilang kampanya, sa "awareness" ng tao sa mukha at tinig nila. Ano ang mali doon? Ano ang ikinaiba nila sa lahat ng ibang celebrity na nagtutulak ng produkto-- na, sa totoo lang, e makakatulong din sa awareness ng publiko sa mga artistang ito, sa "kampanya" para tangkilikin ng tao ang susunod nilang pelikula? O kunwari may isang artista ngayon na maraming ads sa TV-- si Piolo, kunwari. Paano kung bigla niyang maisipang tumakbo sa 2010? Unfair advantage din 'yun, di ba? Iba na ba ang standards na gagamitin natin para sa mga pulitikong lumalabas sa ads, mga pulitikong nababalitang kakandidato sa 2010, balitang media lang din naman ang nagpapakalat? Nasaan ang mali du'n?

Hindi pera ng taumbayan ang ginamit para sa mga ad na ito. (O, sana nga hindi. Pero 'yung ibang ad nakakapanghinala rin.) Katunayan, 'yung perang dapat kikitain ng mga pulitiko, (sa pagkakaalam ko) dumiretso sa donasyon sa mga adbokasya nila. Alam kong 'yung dito sa boss namin sa opis, dinala sa pagpapatayo ng isang pre-school building sa isang depressed area sa Baseco, Tondo. Hindi kinarga ng mga pahayagan 'yun, pero 'yun ang totoo.

Ang kaba ni Pat sa column niya, baka nga naman sakaling mapunta sa poder ang mga pulitikong ito, kailangan nilang "magbayad" sa mga kumpanyang tumulong sa kanila. Baka paglingkuran nila ang interes ng mga kumpanyang ito sa ibabaw ng interes ng mamamayan. Di ba slippery slope ang argumentong 'yun? Kung may integridad ang mga pulitikong ito, hindi sila gagawa ng kagaguhan pag nasa poder sila. At 'yung integridad na 'yun, hindi mahuhusgahan sa pamamagitan ng pagpayag nilang gumawa ng ad o hindi. Hiwalay na usapan 'yun. Nasa mga ginagawa nila 'yun sa Senado o sa iba pang opisina ng gobyerno. Nasa pagtupad nila ng tungkulin nila, ngayon.

Hindi ko talaga makita kung ano ang mali sa ads na ito. Kung awareness ang usapan, di ba nagkaka-awareness din ang tao tuwing lumalabas ang mga pulitiko sa balita? "E at least du'n issues ang usapan, at hindi produkto." Ows? E 'yung kasal lang ng anak ni Bong Revilla, lumabas naman sa balita, a. Isa pa, I know for a fact na may mga magagandang ginagawa dito sa opis na hindi naman nakocover ng media. So ano ang magiging avenue nila sa para sa adbokasya? Baka may mali sa market system-- mas mahabang usapan 'yun-- pero sa loob ng lohika ng sistemang 'yun, wala akong mas nakikitang mali sa mga ads na ito. Ginagamit nila ang "kapital" nila-- tiwala ng tao (earned o hindi)-- para makakuha ng bagay na ninananais nila: awareness ng tao. Na hindi naman pangangampanya, pero makakatulong pagsisiwalat ng adbokasya. Na kasali naman talaga sa trabaho nila, di ba? Di ba?
posted by mdlc @ 1:09 PM   3 comments
finals na naman
Sunday, June 01, 2008
Pop quiz: who said this?--

"Is his attitude going to allow him to take a back seat and let Lamar Odom shine and let Caron Butler have his nights and bring those big guys along with him?"

and this?--

"He's going to be very selfish... And he feels like he needs to show this league and the people in this country that he is better without Shaq. He can win championships without Shaq. So offensively, he's going to jump out and say, 'I can average 30 points. I can still carry the load on this team.'

Obviously, it was a dig at Kobe Bryant. What everyone keeps on forgetting, though, is that it was then-Seattle Supersonic Ray Allen who said it. That, I think, is going to be one of the more interesting subplots of the NBA Finals.

It's been a long-running feud between these two. Hasn't really had a chance to boil over, though-- Ray Allen's a bit too low-key for these kinds of intrigues, plus he'd had to spend the better part of his career playing for non-contenders. No real spice in individual rivalries kung hindi naman nag-aabot sa playoffs 'yung mga protagonist. At siyempre, we've seen how Kobe's elevated his game since those comments by Allen. Baka naman bati na sila.



Ayun. I'm a bit torn here, sa totoo lang-- I'm a big Pau Gasol fan, but I'm also a big Paul Pierce fan. I don't like to Kobe, though-- masyadong contrived ang kanyang quest for greatness. But I also don't like how Garnett shrinks from the big moments. Sa bench, I've been rooting for Rondo ever since the season started, and I've always liked Luke Walton's basketball smarts. Sa Boston: James Posey is one of the best perimeter players in the league. Sa L.A.: I've always thought that Lamar Odom is one of the most complete players in the game. If only he had heart.

If someone put a gun to my head though, I'd put my money on the Lakers, in seven. Kung pera ang usapan, a. Sabi nga ni Bill Simmons, "Nobody is beating the Lakers this season. Not Boston, not Detroit, not anybody. They have the best team, the best player and a Hall of Fame coach. It's really that simple."

Pero kung tamang puso lang, sa Celtics ako. Another subplot: Paul Pierce, the consummate professional, sticking it out with the Celtics, quietly doing his best to keep the time afloat during the pre-Allen, pre-Garnett era. Kaya talagang gusto kong manalo ang celtics, para ma-vindicate si Pierce.

Anyway. 'Yun muna. Will post more after Game 1 on Wednesday.
posted by mdlc @ 3:35 PM   2 comments
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto