10:59: Norman "Iwa" Wilwayco poetics presentation to start in a few minutes. Moderated by Amang Jun Cruz Reyes. Mukhang interesante ang trip nila-- imbis na power point, mukhang dialogue/interview ang gagawin nila.
11:02: Amang Jun: "Iwa = I: Intelligent; W: Writer; A: Altered Consciousness." I'd say W = Wasaaaaaaak.
11:04: Gelo nudges me, says, "He put the 'iwa' in 'diwa'"
11:05: Amang Jun: First question posed, quite vague: "Ano ang poetics ayon sa isang rockstar?"
11:06: Iwa: "Bakit ko nasulat ang mga sinusulat ko? Kailangan ko siyang purgahin para hindi ko na iniisip palagi."
11:08: On (upcoming novel) Pinoy Bastos: "'Yung mga uso ngayon, mga FHM, panay pictures. Gusto ko 'yung may kuwento, 'yung madadala sa banyo. Gusto kong ilabas lahat ng kabastusan ko, lahat ng namimiss ko sa mga magasin dati."
11:10: Iwa: "Di ko kayang i-break-it-down intellectually. Di ko alam kung bakit ang galing kong magsulat, ganu'n lang." Tangina wasak ang tawanan dito.
11:11: "Grabe na-starstruck ako sa inyong lahat. Jing is the man, pare... Ay si Ichi pala, Ichi is the man." Vim Nadera asks: "Si Cris, paano?" Iwa: "Sino si Cris?" Hahahahahaaha.
11:12: I think that's about it. Mukhang magbubukas na sa tanong. May tanong kayo para kay Iwa? Iwan sa comments box, plis.
11:15: I ask, gaano ka kasipag? Gaano ka kadisiplinado? Iwa answers: "Habang dinaranas ko ang isang bagay, iniisip ko na, 'Kung ikukuwento ko ito, paano?"
11:17: Butch Dalisay asks about the erotica that he reads. Iwa answers: "Wala na ako sa age na nagbabasa ako ng erotika, e. Ba't ka pa magbabasa, puwede ka namang mag-experimento na aktuwal, di ba?"
11:20: Vim Nadera: "1. Hanggang kailan mo gagawin ito? 2. 'Yun bang mga karkter, hinango sa totoong tao? 2. Isyu ng publikasyon."
11:21: On character: "Dito sa Pinoy Bastos, kalakhang bahagi ng mga karakter, inimagine ko lang." On publication: "Nagtataka 'ko kasi ni isang publisher walang kumontak sa amin. Kaya kami na lang ang naglalabas."
11:23: Amang Jun: "Mayroon ka bang mga inspirasyon sa text?" Iwa: "Idol ko siyempre talaga si George Estregan, walang duda... Idol ko rin ang sarili ko siyempre."
11:25: Ichi Batacan talks about her own experience, about trying to publish "brave work." Hindi nakikita iyon sa karamihan ng mga lumalabas ngayon.
11:27: Sex/ violence in the work is only the packaging. "It's an extreme reaction to the death we see all around us," says Ichi. I guess in-articulate na niya 'yung transgressive poetics ni Iwa.
11:28: Iwa: "Alam mo pare, in the end, sex ang magse-save sa lahat ng peeps."
11:30: Iwa now talking about transgressive fiction. Check out wikipedia. "Parang ayaw ko ring sabihin transgressive, kasi marketing shit lang 'yun, e."
11:31: Iwa: "Masyadong maingat ang lipunan."
11:32: Dean: "In the case of your treatment of sex, if you have a line you want to cross-- hanggang saan ka tatakbo doon sa kabila?" In other words, I think, gaano kalayo ang transgression. Dean: "How do you balance the sense of the erotic and outright hardcore porn? Or is that even a concern?"
11:36: Iwa: "Pare nasa atay 'yan... kani-kaniyang diskarte. Hanggang saan ko ginagawa? Hanggang puwede. Pero in this case (Pinoy Bastos,) mahirap ding sabihin, e."
11:40: Jing Hidalgo: "Do you also do erotica that is not comic?" Iwa: "Actually, seryoso ako dito. Hindi ko intensyon na patawanin kayo. Pero yes, Ma'am, nagsusulat in ako ng ibang klase."
11:42: Butch Dalisay says, "Pinoy homeboy. Bayaw." Hindi ko mapigilang bumingisngis sa term.
11:46: A few minutes on the use of flashback and motivation. Minsan sinisisi ang nanay kapag sira ang ulo ng karakter.
11:50: Gelo brings up crafting, asks: "Deliberate ba ang inconsistencies, sa grammar, kunwari. Bahagi ba ito ng function ng akda bilang transgression?"
11:51: Iwa: "Pare ang point ng communication is understanding. Kung nagets mo, ba't natin pag-uusapan 'yung grammar. Cool na 'yun."
11:54: Hehe, medyo nagbukas ng usapan ang hirit ni Iwa tungkol sa grammar.
11:57: Surreal kapag humihirit si Iwa ng "Digs mo?" kay Ma'am Jing Hidalgo.
11:59: Iwa: "Ngayon lang may magsasalita na National Artist tungkol sa gawa ko. Rio Alma in the house!"
12:03: Rio Alma: "Nakakasawa minsan (kung panay transgression.)" Cites Laro sa Baga ni Edgardo M. Reyes-- "pinakaseksi na nobela na walang bulgar na lengguwahe."
12:09: Iwa: "Dude, salamat sa lahat ng shit. Mag-eenjoy kayo dito talaga (kapag natapos.) Di ba ngayon pa lang enjoy na kayo sa sex scene?" Lunch. Labels: iwa, liveblogging, norman wilwayco, up national writers workshop 2009 |