1:19: Will be liveblogging Jing Panganiban's workshop of her work-in-progress. Starts at 1:30. Need to plug this in, medyo paubos na ang baterya. Ang problema parang walang outlet. Hmm.
1:20: Jing's essay "Literary Social Butterfly" up for workshop, moderated by Vim Nadera. Post kayo ng questions sa comments box kung trip ninyo.
1:32: Starting. Vim Nadera begins by harking back to Jing's poetics of "Akology." Cites rootedness in tradition of Abadilla-- siyempre ang daling maalala nu'ng "Ako ang Daigdig," di ba.
1:34: "Lalung-lalo na ng talaba..." sounds so funny coming from Vim Nadera.
1:38: Vim: Akology not really akology but "nanayology," "tatayology," etc-- cites "paglabas sa sarili," bilang "sign of maturity." Medyo inulit 'yung quote ni Rica Bolipata-Santos from last year's workshop: "I believe that the search for truth is dignified." All writing-- even seemingly "akological" ones-- is a search for answers, for truth.
1:42: The challenge is to achieve irony of an impersonal personal essay.
1:44: Medyo controversial ang essay ni Jing, e. Vim doing a nice job of trying to bring up matters outside of the essay's subject matter. For now.
1:46: Isa sa mga tanong na dapat sagutin, I think-- personally malabo sa akin, e-- bakit mo gugustuhing magsulat tungkol sa manunulat at sa mga ginagalawan nilang circles? "Hindi ito gossip column... at hindi ko intensyong manira ng sinumang tao," she says in her poetics paper. Kung ano talaga ang proyekto, hindi ko yata makita du'n sa paper. Mukhang kailangang dito i-flesh-out sa workshop 'yun.
1:50: Jun Cruz Reyes says structure is "postmodern." I disagree, and I think so would some of the people here.
1:52: Iwa: "Nabibitin ako na hindi siya nagpapangalan. Di ko ma-gets kung bakit 'yung iba pinapangalanan mo, 'yung iba, hindi."
1:54: Neil Garcia is extremely pleased. "Necessary labor at this time in our literary history... The underlying message seems to be this (literary) world seems pathetic... and yet she persists in this world." The question, to him, then, (or the missing part,) is why she persists.
1:59: Suggestion of "stating the thesis" somewhere, and answer the question of why she would want to stay in this world.
2:05: Comparisons with Kitty Go, although explicitly stated sa poetics paper ni Jing na hindi na proyekto na maging ganu'n. Question persists: so ano ang proyekto?
2:06: Quote from Gluck (sorry di ko makita ang umlaut): Art begins with the real, but in ends in illumination or truth. Or something like that.
2:09: Heto na. Jing Hidalgo: Fairness: When people who are not alluded to feel alluded to, because they are not named, they cannot defend themselves. But, Neil: But how else could it have been done? Ma'am Jing: Maybe Investigative Journalism.
2:14: Mainit na. Nagsalita ako, sabi ko, parang madaling isipan na malisyoso dahil hindi malinaw ang proyekto. At self-indulgent. Hinihintay natin ang tugon ng mga tao.
2:16: Vlad Gonzales: Hindi na yata dapat iproblematize kung bakit walang tiyak na pangalan ang mga persons alluded-to. Isa pa: Kailangan bang i-articulate ito? Oo, kasi experience natin ito, e. "From time to time, para umusad 'yung institution, irereasses mo 'yung merits niya." On masa: Part naman tayo ng masa, e. Siguro nasa ideya rin ng target audience.
2:18: Carl Javier: What do we consider fair? Where do we draw the lines of fairness and how rigid must the non-fiction writer be in terms of abiding by these lines?
2:21: Jun Cruz Reyes: How could you question the author, e construct niya nga 'yan, appraisal niya nga 'yan-- not yours? Ang tanong ng manunulat dito, "Is my truth fiction then?"
2:23: Kailangang linawin ang internal framework mo para malinaw kung saan ka nanggagaling. You're telling me something, ang tanong ko, why are you telling it to me?
2:25: JCR: Hindi ako interested sa who's who. Interested ako sa why.
2:27: Ichi Batacan: Bilang reader, may sari-sarili tayong bagahe. Pero 'yung desisyon palagi nang kung ano ang sasabihin, nasa manunulat. Gusto lang na linawin kung paano nakararating sa mga desisyon na 'yun.
2:29: Jimmy Abad talks about satire; "Any generalization, even if well-thought, may hold water, but not the ocean."
2:31: Back to issue of responsibility. Jing Hidalgo: There is a tremendous amount of responsibility in creative non-fiction that goes beyond talking about your personal life.
2:35: Jing Hidalgo: Western non-fictionists problematizing responsibility. The point is you can't wash your hands when you're actually talking about real people and presenting it in the non-fiction form.
2:37: Jing Panganiban, final word: Sa lahat ng nasulat ko, ito lang ang nasulat ko na alam ko kung sino ang magbabasa, at kayo (writers) iyon. Ang proyekto: "Ang papel ng pakikitalamitam." Ano ang role ng socialization? Gusto ring talakayin din: May vicious cycle, at gusto kong tingnan itong vicious cycle na ito. Hindi ko layunin na manuligsa; kung ilalagay ko 'yung mga pangalan, e di du'n na lang napunta ang core ng sanaysay, who's who na lang. Isa pang gustong gawin: matutunan kung paanong magbalanse. Kung pangalanan sila, makabubuti ba sa sanaysay? Sa ngayon, sa akin, ito ang pagtataya. Ang ayaw kong mangyari, 'yung paingayin ko ang akda sa paggamit ng pangalan. 'Yun ang malisyoso...
Certain ambivalence here: "Things I hate are the things I love." Addresses self-mockery: kita ninyo, ako 'yung Literary Social Butterfly. Labels: jing panganiban-mendoza, liveblogging, up national writers workshop 2009 |