May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
reading mamaya
Wednesday, June 14, 2006
1.
May reading mamaya, sa Mag:Net Katipunan. Back to school reading; ang may hawak ng programa e si Rayvi "Huwag ka sanang magagalit" Sunico. Daming naka-lineup: Sirs Krip, Jimmy, RayVi, si Gelo, Marie, Joel, Lourd. Naka-lineup din daw ako, sabi ni Gelo. Medyo nakakahiya, kasi tangina mga wazzzak na tao ang kasama ko sa lineup at nakakapanliit, pero mas nakakahiya kung magpapaimportante ako at baback-out. Kaya mamaya, para naman hindi ako masyadong mapahiya, daan naman kayo, para may mga kaibigan akong papalakpak sa akin.
Mag:Net Katipunan; 6 p.m. Punta kayo, a.
2.
At dahil ayaw kitang iwan nang walang "an epols a day:"
"I Love You Sweatheart" Thomas Lux
A man risked his life to write the words. A man hung upside down (an idiot friend holding his legs?) with spray paint to write the words on a girder fifty feet above a highway. And his beloved, the next morning driving to work...? His words are not (meant to be) so unique. Does she recognize the handwriting? Did he hint to her at her doorstep the night before of "something special, darling, tomorrow"? And did he call her at work expecting her to faint with delight at his celebration of her, his passion, his risk? She will know I love her now, the world will know my love for her! A man risked his life to write the words. Love is like this at the bone, we hope, love is like this, Sweetheart, all sore and dumb and dangerous, ignited, blessed-- always, regardless, no exceptions, always in blazing matters like these: blessed.
3.
At tutal e nasa mood na naman tayo para sa mga love poem, at dahil nabanggit ko na rin kanina, heto ang ikalawang epol for a day mo:
Huwag Ka Sanang Magagalit Ramon C. Sunico
Huwag ka sanang magagalit kung sasabihin ko na hanap-hanap ka ng aking mga tula.
Huwag ka sanang maiilang kung tuwing umuulan isip-isip ko ang init ng ating katawan.
Ngayon , butas lamang sa langit ang lahat ng bituin. Ngayon, panukat lamang ang buwan ng layo mo sa akin.
Anumang kuwento ang simulan ko’y sa iyo rin nauuwi. Sa bawat aklat na aking buklatin naroroon ang iyong tingin.
Alam ko: may sarili kang tanong na dapat sagutin; may sarili kang misteryo na dapat harapin.
Huwag magmadali: panahon ngayon ng liwanag at sari-saring dilim; Oras ng lugar at lamig at ng paurong-sulong ng pagpapaumanhin.
Ngunit Tess, Mahal, pinakamatalik kong kaibigan, huwag ka sanang magagalit huwag ka sanang maiilang kung aking sasabihin
na tuwing humihinga ako, naaamoy kita, na tuwing pumipikit ako, ikaw ang nagiging umaga.
para kay Tess vii 1995
4.
Masarap din palang gumising nang maaga, paminsan-minsan, kahit papaano.
tiff: a, 'yung title. sweatheart? ows? tangina ang talas mo, a, di ko na napansin/pinansin 'yun. sige, sisilipin ko mamaya. tangina sweatheart ba talaga? kakahiya. salamat sa pagtimbre. adds a whole new level of irony to the poem. :)
Hindi ba "I love you, sweatheart" ang pamagat ng tulang iyan?
-Tiffany