abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

diyahe, hindi biyahe
Monday, March 24, 2008
1.

Hello, world. I need a roadtrip.

2.

Obvious bang hindi ako makasulat? Haha. Ha.

3.

Dapat bibiyahe ako ngayong Holy Week, e. Tungo saan, ewan. Mag-isa lang. Kaya lang nagkasakit ako. Gastritis, mehn. Diyahe. Aba okey 'yun, a-- diyahe, hindi biyahe.


4.

Okey ba 'yun? Walang biyahe, at dahil nga sira ang tiyan, walang alak, walang maaanghang na pagkain, walang tsokolate, walang sopdrinks, walang juice, walang kahit na anong inuming may lasa nitong nakaraang linggo. Wala ngang gatas, e. Hindi naman sa mahilig ako sa gatas, pero ang punto... ewan. Ang punto walang gatas.


5.

Ang punto sa totoo lang marami naman akong kuwento pero hindi ko alam kung paanong ikuwento 'yung mga kuwentong 'yun. Siguro unang hakbang ito-- sabihin ko sa iyong may kuwento pero di ko na alam kung paanong ikuwento, kung paanong magkuwento dito. Tapos baka maawa ka sa akin tapos ibili mo ako ng ice cream. Baka pag may ice cream ako maalala ko na kung paanong magkuwento.

6.

Ayun, panahon na para mag-- ano'ng tawag du'n? Mag-recharge. Road trip nga siguro. Mag-eermitanyo muna ulit ako (as if naman hindi ako naglaho at nag-ermitanyo mode sa blog na ito, di ba.) Pagbalik ko, sana, mas masigla na ako.

At panahon na para sa bagong blog skin. Patulong naman, bok, o.

7.

Ayun. Dumaan lang naman ako dito para testingin kung naaalala ko pa 'yung password ng blog ko, na pareho lang naman pala ng password ng gmail, na nagpapatunay lang na kita ninyo nakalimutan ko na nga, ehehehe, anlabo pards. At hindi ako lasing, a, di nga makainom dahil sira ang tiyan di ba.

At ayun, gusto ko lang ding sumigaw ng isang matinding "Tangina mo, world!" at sabihin sa iyong okey lang na sumigaw ka rin niyan paminsan-minsan, kahit papaano.

Rakenrol, bok. Dahil mahal kita, iiwan ko sa iyo ang litrato ng isang dambuhalang donat:

posted by mdlc @ 2:18 AM  
6 Comments:
  • At 1:12 PM, Blogger dreyers said…

    bawal nga gatas eh, ice cream pa kaya. hehe.

     
  • At 11:13 AM, Blogger cheLot said…

    madalas ring nangyayari sa 'kin ang #5 nitong mga nakaraan... dalawang linggo na 'kong nag-a-ice cream.

    wala akong napansing improvement sa pagkukwento. pero ok lang, masarap mag-ice cream araw-araw :D

     
  • At 2:36 AM, Anonymous Anonymous said…

    gusto mo ng road trip? kayo magplano. ngayong mayo, kahit ilang araw lang. sama ako. :) --naya

     
  • At 5:19 AM, Blogger mdlc said…

    drey: o nga, 'no.

    chelot: nakarami na rin ako ng ice cream matapos i-post ito. pansin ko rin, wala naman ngang epekto.

    naya: potah, ibig bang sabihin nito surebol na? rakenrol! sige, magpaplano ako. sa'n mo trip? simpleng layo lang sa maynila? bundok? baguio, nostalgia trip? di ako ma-beach, pero kung du'n mo trip okey lang ako.

     
  • At 9:53 PM, Anonymous Anonymous said…

    surebol na! may 3 to 24, andyan ako. woohoo! i'd be happy wherever there's a beach or a view of mountains (as long as i'm not forced to hike, bwahaha). maybe the weekend of the 10th or the 17th would be best, depending on who's available and where we're going. batangas, baguio, tagaytay, game! syet, nae-excite ako. ok, back to work. :p

     
  • At 4:35 PM, Anonymous Anonymous said…

    kael, ngayon lang ulit ako nadalaw dito. hinahanap ko rin yang roadtrip na yan. kung ano ang sinulat mo, yun na yun ang iniisip ko.

    sana ok ka naman. belated happy birthday; tinxt kita pero di ko alam kung natanggap mo hehe.

    - twinkle

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto