May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
pagbati
Friday, September 28, 2007
Isang taimtim na pagbati kina Twinkle at Emong sa pagkakapanalo nila sa Maningning! Ano, mga bok, ihahanda na ba namin ang mga atay namin?
At, nga pala, kung gusto ninyong malaman kung paanong hindi dapat umasta ang talunan, silipin ninyo ito. (Pakiusap lang.) May comment ako diyan, na maganda ring mabasa ninyo. 'Yung hirit tungkol sa pormalistang nakababad sa pormalin, nanggaling sa isa sa mga hirit nu'ng may-ari ng blog.
Ayan. Muli, congrats kina Twinkle de los Reyes at Emong de Borja. Rakenrol.
Wow ang tindi ng palitan nyo ng comment. Pakibati na lang ako ke ginoong Emong de Borja at pakisabing isa ako sa mga natalo niya. Ha ha ha ha. Pero di ako naniniwala na ang literary contest is a contest of skill. Alignment lang ng tastes yan. Kung nanalo ka ibig sabihin me constellation lang ng opinyon at poetics na namuo sa mga judges para manalo ka. Basta ako naniniwala ko kahit talunan ako magaling ako. Kayo na bahalang maniwala. Ha ha ha ha. Sayang, Maningning, sayang. Mananalo ako sa contest mo sa ibang buhay ko na lang. Kung natalo kayo at di pa kayo 28 wag kayo mag sourgrape. Tangina nyo wala kayong karapatan.
glen: tangina kayo ang di dumating sa painum ko, e, potah. pag natapos ang mga raket, pare, inum tayo. generoso at mountain dew.
ken: mismo. pareho kayo ng sinabi ni egay sa wordpress niya-- sa totoo lang, tsambahan 'yan. gusto kong maglagay ng mahabang post tungkol sa giitan ng pansariling poetika ng judges sa mga kontes-- a politics of taste-- pero naisip ko wala naman akong bagong masasabi ukol du'n. tsambahan talaga, dahil hindi naman tayo sumasali sa contest nang (/kapag) alam natin kung sino ang judge.
wala akong problema sa sourgraping. entitled naman ang lahat nang tao sa kani-kanilang pasakit. ang problema ko kapag nananakit siya ng kapwa dahil dun. PUTANGINA kasi ken, e, ang bad trip, 'yung paraan ng pananalita. parang passive aggressive ang dating (kunwari wala lang sa kanya,) at reckless, at simpleng walang respeto sa kapwa.
'yun ang problema ko. ang problema niya, nitong sourgraper na ito: kaibigan ko, mga nirerespeto kong *tao* ang kinupal niya. ang problema niya, kaya kong basagin ang mukha niya nang parang naggugupit lang ako ng kuko. ang problema niya, galit ako sa kanya, as in, pare. solid.
Wala naman talaga siyang respeto. Si Ma'm Beni pa natira nya. Kahit premyado si Ma'm Beni, di naman kinailangan ni Ma'm ang mga contests na yan. Manahimik ka lang at magbasa.
Bumalong ang dagta ng hiniwang kaimito...
at dun ako naiwan sa mga susunod na linya. Ang problema kasi ng iba, inuuna ang pulitika bago ang tao. Mamaya na teorya.
seriously, anseryoso niyo masyado. pakontest lang 'yan! ang tunay na sukatan ng kahusayan at "suckses" sa panitikan ay kung binabasa ba tayo ng mga taong labas sa maliit at incestual na eksena natin, at kung naiintindihan ba tayo ng mga taong 'yun (o ng mga kasabayan natin), hindi ang pagaapila sa "taste" ng mga taong tingin ko ay matagal nang hiwalay sa kontemporaryong kalagayan ng literatura at pagsusulat, na interesado lang na ipamana at ipagpatuloy ang sarili nilang diskarte.
ngayon, kung sumasali ako ng contests at natatalo, sourgraping 'to. pero hindi kasi ako natatalo, kasi hindi ako sumasali, kasi mayabang na'ko, bilib na sa sarili, at 'yun lang ang kailangan ko. kung meron mang tao na may opinyon tungkol sa pagsusulat ko na papakinggan ko (o kung ano man na ganun), well, mga kasabayan ko lang 'yun (ie, kayo), at hindi ang mga "pormalistang nakababad sa pormalin" (sarap lang gamitin, e (magamit nga sa sinusulat)), kasi, simply, hindi para sa kanila ang mga sinusulat ko (paikut-ikot na lang ako, kaya titigil na dito).
at any rate, kentotero: nageMail na'ko sa'yo ng erotika. ikaw na ang bahala.
Yosh! Init ng ulo natin a. Inuman na lang tayo. Asa na ba si Emong at hindi pa nagpapainom?(",)