May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
'ika nga ni carl: hide your daughters!!!
Sunday, May 06, 2007
Tutugtog ang Los Chupacabras bukas sa Mag:Net Katipunan. Pero bago nu'n, mga 9 siguro magsisimula na ang Happy Mondays Poetry Reading. Heto raw ang mga magbabasa, rakenrol cast na naman:
1. Marne Kilates 2. Lourd De Veyra 3. Adam David 4. Corin Arenas 5. Jonar Sabilano 6. Kris Lacaba 7. Allan Pastrana 8. Waps San Diego 9. Kash Avena 10. Khavn Dela Cruz 11. Mikael De Lara Co 12. Israfel Fagela
Tutugtog rin nga pala ang Tabloid Lite, banda nina Karl de Mesa, Poldo, at Lope. Di ko kilala ang drummer nila, e. Di ko pa sila naririnig tumugtog. Pero dahil magkakaibigan tayo, panonoorin at susuportahan natin sila.
Nga pala, para sa mga na-publish sa Dapitan folio at sa Dapitan Prose, darating din ang mga bayaw galing sa UST na may dalang mga kopya ng mga librong 'to. Kung UP- o Ateneo-based ka, o simpleng mas malapit lang ang tirahan sa Katipunan, nood ka na para makuha ang kopya mo.
Bayaw musta? Sira ba cell mo? Anywey am selling the Danelectro Echo for 1k. Baka kako gusto mo ng first dibs?
KARL