abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

sa 'yo ang inuman, sa 'yo ang pulutan
Monday, April 02, 2007
1.

Twenty-Four Years
Dylan Thomas

Twenty-four years remind the tears of my eyes.
(Bury the dead for fear they walk to the grave in labour.)
In the groin of the natural doorway I crouched like a tailor
Sewing a shroud for a journey
By the light of the meat-eating sun.
Dressed to die, the sensual strut begun,
With my red veins full of money,
In the final direction of the elementary town
I advance for as long as forever is.

2.

Salamat kung bumati ka sa teks o sa prenster. Pero tangina mo pa rin kung bumati ka tapos di ka makakarating mamaya sa Mag:Net.

Hindeee, biro lang. Alam ko namang kung kaya mo e makakarating ka. Di ba?

3.

May nagpasa sa akin ng isa pang raket, pero naisip kong huwag na lang siyang gawing raket; naisip kong magkawang-gawa na lang, para sa bayan. (Kung meron man nu'n). At tutulungan mo ako, mehn.

Ganito: kinontak ako ng isang kaibigang tumutulong sa kampanya ni Chiz Escudero. Ngayon, sa listahan ko ng mga iboboto para sa Senado, silang dalawa pa lang ni Sonia Roco ang sureball na iboboto ko, kaya siyempre payag naman ako kaagad. At may budget daw ito, may bayad dapat, pero naisip ko, hindi na ako hihingi ng bayad, kasi nga naniniwala talaga ako du'n sa kandidato. At hindi ako sigurado kung magagawa ko siya nang mabilisan, gaya nang hinihingi nila.

Ganito: naghahanap sila ng mga parang "jokes." Kahit medyo corny, basta catchy, 'yung may recall. Ikakalat nila ito, siguro via text, kaya hindi puwedeng sobrang haba. Eksampol:

Q: Bakit nakasimangot ang lahat ng kandidato ng Team Unity?

A: Kasi they forgot to say Chiz!


Ayan, gets? So hinihingan ako ng mga singkuwentang ganyan. Kung may maisip ka, pakiemail na lang sa kael.co@gmail.com.

Uulitin ko, hindi ko pagkakaperahan ito. Kilala mo naman ako, e; di naman ako aswang o suwitik pagdating sa mga ganitong bagay. Basta't tutulungan mo ako, olrayt?

Da bes ka talaga, mehn.
posted by mdlc @ 12:03 PM  
2 Comments:
  • At 8:25 PM, Anonymous Anonymous said…

    Bayaw,

    We both know di ako nakapunta. sensya na, workday yung kinabukasan. Di mo din naman ako hahanapin sa tipar mo e hehe.

    But I do have a gift for you. Sana magustuhan mo muthafucker. Hope you're getting to use the distortion pedal. Haberday uli : )

    -- KARL
    PS Am glad you're all gigging again.

     
  • At 9:00 PM, Blogger mdlc said…

    karl: di ko pa magamit 'yung pedal, di ko pa matipa ang timpla, e. may mga sinisilip akong overdrive o blues driver; kapag maganda ang deal nu'n, baka ipasa ko rin sa iba 'yung pedal mo, p're. di ko rin masusulit kasi di sobrang bagay sa sound namin, e.

    at potah ano summer na mag-dm ka na kasi para makapag-dnd na tayo! at sige aabangan ko 'yang regalo.

    teka, porn ba 'yan?

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto