abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

wala lang, gusto ko lang i-share
Monday, January 15, 2007
1.

Ang sabi ni Kumander, magpatingin na raw ako sa doktor. Masama na raw ang lagay ng insomnia ko.

(Kanina pa ako inaantok. Matapos humiga't pumikit nang halos dalawang oras, napagpasyahan kong walang patutunguhan kung magpapanggap akong tulog. Wala namang nagbabantay sa akin, at di ko na naman kailangang matulog para tumangkad. Putangina kailangan kong matulog dahil inaantok ako. Pero di talaga makatulog, di talaga. Kaya nga naisip kong pagurin na lang ang sarili ko, baka sakaling makatulong. Kaya heto.)

Nasaan na nga ba ako? Ayun-- sabi ni Kumander, ipatingin ko na 'to, kahit sa infirmary lang. Eputanginaanonamananggagawinkodun, 'ka ko. Sasabihin lang nu'n na magpatingin ako sa doktor ng utak, baka nababaliw na ako. Tangna kaya ko pa namang maggupit ng kuko, magbigay ng limos, magbilang ng pera-- di pa ako nababaliw. Wala naman akong problema, masaya naman ako. (At putangina mo rin kung iniisip mong in denial ako, di ba.) Putcha, ewan ko ba.

Siguro dahil sa napaparegular kong pag-inom ng kape. O siguro dahil, sabi nga ng iba, "malungkot ka talaga, di mo lang alam."

O siguro, tama, baka dahil sobrang bihira ko nang uminom ng erbi. May Heineken si Erpats sa fridge, inalok ako kanina, pero tinanggihan ko. 'Yun, o, 'yun, o. Baka puwede na akong pumunta sa heaven dahil tumanggi ako sa libreng beer.

Tangina ewan. Siyet. Huy. Huyssst. Tulungan mo naman ako, gusto ko nang makatulog.

2.

Share ko lang, a:

Knowledge
Stephen Dunn

Some things like stones yield
only their opacity,
remain inscrutably themselves.
To the trained eye they offer age,
some small planetary news.

Which suggests the world
becomes more mysterious, not less,
the more we know.

God knows is how we begin a sentence
when we refuse to acknowledge what we know.

Gravitas is what Newton must have felt
when gravity became clear to him.

Presto, said the clown as he pulled
a quarter from behind my ear
when I was five. The very same ear in fact
that pressed itself to a snail's vacant house
and found an ocean.

The problem is how to look intelligent
with our mouths agape,
how to be delighted, not stupefied
when the caterpillar shrugs
and becomes a butterfly.

Its on a clear surface we can best see
the signs point many ways.

God knows nothing we don't know.
We gave him every word he ever said.

3.

Wasaaak, di ba? Gusto mo pa?

(Kung hindi:) Wushuuu, gusto mo pa, e. Di nga?

(Kung oo:)

A Chance for the Soul
Carl Dennis

Am I leading the life that my soul,
Mortal or not, wants me to lead is a question
That seems at least as meaningful as the question
Am I leading the life I want to live,
Given the vagueness of the pronoun "I,"
The number of things it wants at any moment.

Fictive or not, the soul asks for a few things only,
If not just one. So life would be clearer
If it weren’t so silent, inaudible
Even here in the yard an hour past sundown
When the pair of cardinals and crowd of starlings
Have settled down for the night in the poplars.

Have I planted the seed of my talent in fertile soil?
Have I watered and trimmed the sapling?
Do birds nest in my canopy? Do I throw a shade
Others might find inviting? These are some handy metaphors
The soul is free to use if it finds itself
Unwilling to speak directly for reasons beyond me,
Assuming it’s eager to be of service.

Now the moon, rising above the branches,
Offers itself to my soul as a double,
Its scarred face an image of the disappointment
I’m ready to say I’ve caused if the soul
Names the particulars and suggests amendments.

So fine are the threads that the moon
Uses to tug at the ocean that Galileo himself
Couldn’t imagine them. He tried to explain the tides
By the earth’s momentum as yesterday
I tried to explain my early waking
Three hours before dawn by street noise.

Now I’m ready to posit a tug
Or nudge from the soul. Some insight
Too important to be put off till morning
Might have been mine if I’d opened myself
To the occasion as now I do.

Here’s a chance for the soul to fit its truth
To a world of yards, moons, poplars, and starlings,
To resist the fear that to talk my language
Means to be shoehorned into my perspective
Till it thinks as I do, narrowly.

"Be brave, Soul," I want to say to encourage it.
"Your student, however slow, is willing,
The only student you’ll ever have."

4.

Pinanood namin ni Kumander kanina 'yung Blood Diamond. Ang kapal pala ng kilay ni Jennifer Connely. At di naman pink 'yung diamond, at di naman sinlaki ng itlog. Pero nakakatuwa rin 'yung pelikula, a. Cathartic.

Speaking of pelikula, kailangan ko pang gawin 'yung mga nakabinbin kong paper sa klase ko sa film. Tangina. Kita mo. Dapat 'yun ang ginagawa ko, e, dapat 'yun kaysa itong kagaguhang 'to. Sabi nga ng mga kakilala kong kikay, "But nooooo..."

Ayun. Malakas ka sa akin, e.

5.

Mehn, nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. At ang bilis mag-init ng ulo ko. Binalibag ko sa labas ng kuwarto 'yung pusa dahil kanina pa sampa nang sampa sa hita ko, e.

Kape nga siguro ang promotor nito. Sabi nila nasasanay din ang katawan mo sa kape, pero puta ganu'n pa rin, e-- sa limang patak ng kape, dalawang buwan yata akong di makatulog.

Tangina, ang sarap kasi ng kape sa Pancake House. At mura pa, kumpara sa iba-- singkuwenta isang tasa, sampung piso 'yung refill; bale seisenta. (Siyempre gusto kong sulitin 'yung refill kaya inuubos ko 'yung dalawang tasa. Gago rin ako, 'no?) Sa Sweet Inspi, kuwarenta y singko 'yung isang tasang may refill. Pramis, malaki 'yung diperensiya sa lasa at timpla nu'ng kinse pesos na idaragdag mo kung sa Pancake House ka na lang magkakape.

6.

Ayan, nagising na si Erpats at inabutan ako ng yosi. Ang bait ng tatay ko, 'no? Astig 'yan.

7.

Huy, nakikinig ka pa ba? Tinulugan mo na 'yata ako, e. Tangina, huy, gising. May ikukuwento ako. Pero sisimulan ko lang, a, di ko tatapusin. Wag kang makulit mamaya, baka asahan mong tatapusin ko 'to, kukutusan kita. Heto:

Naramdaman mo na ba 'yung pakiramdam na parang wala na ring saysay ang pakikipaglaban, kasi siguradong matatalo ka rin naman? 'Yung ayaw mo nang pumalag? Kung baga sa basketbol, lumaban ka na ba sa liga tapos sobrang lakas ng kalaban mo na pinagbubulungan na ninyong magkakampi na "Pare, ang goal natin ngayong laro e hindi matambakan ng singkuwenta, a"? 'Yung ayaw mo nang sumipot, pero may mga umaasa sa 'yo kaya kailangan mong sumipot; 'yung ayaw mo nang lumaban, pero magkukulang ng player kapag wala ka, kaya sabi mo na lang sa sarili mo, "Wat da pak, sige, tangina, wala namang mawawala, e"? Naramdaman mo na ba? Dehins okey, di ba? Bad trip?

O, di ba, nakakabitin talaga ang simula ng kuwento ko. Siguro iniisip mo, madrama 'no? 'No? Di nga?

Gagu, dehin. Bastaaa. Itutuloy ko 'yan, neks time, neks entry. Pramis. Ambigat na ng balikat ko, e. Tulog na ako.

p.s.

Tangina ugaling aso, e, 'no? Pagkatapos kang puyatin, siya rin pala ang matutulog nang una? Huwag ganu'n, Mikael, huwag ganu'n.

p.p.s.

Kung trip mo rin pala si Carl Dennis, mayroon din ako ritong mangilan-ngilan. Email ko sa 'yo?

p.p.p.s

Liham

1.

Kaninang madaling-araw,
dumungaw ako sa bintana at buong-lakas na isinigaw
ang iyong pangalan. Nangatal ang mga dahon.
Patuloy na nagsayaw ang nag-iisang gamugamo
sa paligid ng umaandap-andap na ilaw-poste.
Umusad ang mga ulap. Nagkubli ang buwan.
Ngunit walang sinumang lumingon.

2.

Gusto kong ipaalam sa iyo
kung gaano nang kahirap ang dumilat,
kung gaano nang kadilim ang mga araw
mula nang pumanaw ka.

Nagdurugo ang kalawakan
sa bawat kong pagtingala, nagiging simbigat ng tingga,
at wala na akong magawa kundi abangan
ang marahas nitong pagbulusok.

Ilang milyong taon nang uso
ang kamatayan
, sabi ng isang makata, at oo,
ilang milyong taon na nga tayong binabagabag
ng mga hangganan, ngunit iyon at iyon pa rin

ang katahimikang sumasakop sa ating mga lalamunan
sa tuwing napagtatantong di na babalik ang lumisan.
Iyon pa rin ang mga pagnanasang
alam nating di kailanman makakamtan:

Gusto kong isiping naririnig mo ako,
nababasa mo ito, at sa gilid ng papel,
napapansin mo ang isang linya, nangungulila,
walang mapagsingitan: Nasaan ka na?

Kayhirap magtanong nang walang tumutugon
.
Kayhirap pumikit nang nalalamang
kadiliman din lamang ang sasalubong
sa aking pagdilat.

3.

Kailangan kong magpatuloy.
Sapagkat may mga bagay na hindi mo nagawa.

4.

Iniisip mo sigurong kailangan nito
ng mga imahen. Heto: dalawang talukap,
kalahating kabang langib, isang tabong dugo.

Sa pader ng kusina, sintaas ng tuhod,
may sampulgadang linya. Iginuhit mo iyon, dati,
gamit ang pulang krayola. Hanggang dito
ang inabot ng huling baha
. Sandakot ng abo.

Singsing, kupas na salamin. Pitak
sa marmol na sahig. Sa ibabaw ng aparador,
may bukbuking kahon, puno
ng mga luma mong liham. Paminsan-minsan,
ibinababa ko pa rin iyon, hinaharaya
ang tinig mong binibigkas ang mga linya.
Hindi mo kailangang magpaliwanag.
Naiintindihan kita
. Butas-butas na maleta.

May-lamat na kopita. Kalawanging kuwadra
ng mga ibon. Sa tokador: Ilang aklat. Kuwaderno,
listahan ng mga ipamimili. Huwag
kalilimutan!
Tinitigan ko nang masinsin
ang lahat nang ito, isinilid sa isang baul,

pilit pinagkasya sa bukbukin kong puso.
Sa hardin, nakaukit sa sandalan ng bangko,
isa ring puso, pangalan mo, pangalan ko,
Mayroon pa bang kulang? Mayroon
pa bang naiwan? Sapagkat
kailangan kong sunugin
ang lahat nang natira.

5.

GAMUGAMONG NAGSASAYAW:
Kaylapit nang magliwanag,
ngunit di ko matiis na lumapit sa iyong init.

UMAANDAP-ANDAP NA ILAW-POSTE:
May hanggan ang halat.

GAMUGAMONG NAGSASAYAW:
Alam kong kapag lumapit ako nang tuluyan,
masusunog ako.

UMAANDAP-ANDAP NA ILAW-POSTE:
May mga pagkakataong kailangan nating magpasya.

GAMUGAMONG NAGSASAYAW:
Ngunit kaydilim ng lungsod! Kaylamig!
Kailangan ko ng kapirasong liwanag.
Iyon lamang, at maaari na akong pumanaw.

UMAANDAP-ANDAP NA ILAW-POSTE:
Huwag nating pag-usapan ang kamatayan.

6.

Kailangan kong magpatuloy.
Sapagkat malapit nang magliwanag.

7.

Gusto kong pagkasyahin sa iilang saknong
itong dambuhalang kadilimang dumaragan
sa kumikipot at kumikipot kong sulok ng lungsod.

Ngunit paano? Kung bukas, may maalala ako,
isusulat ko na lamang iyon sa lumang diyaryo,
sa likod ng kalendaryo, ibubulong sa mga ibon,

iguguhit sa hangin, at saka ko hihipan.
Aasa na lamang na babalik sa akin ito
bilang hininga, o ulan. Aasa na lamang

na naririnig mo ako. Gusto kong isigaw,
paulit-ulit, buong-lakas, ang iyong pangalan.
Gusto kong bulungan ako ng bintana

gamit ang nangangatal mong tinig.
Kayrami ko pang gustong sabihin,
ngunit sadya nga sigurong tungkol ito

sa mga hangganan. Gusto kong maglaho
ang lahat ng hangganan. Gusto kong
ipagbawal ang kamatayan.

Gusto ko nang pumikit, at dumilat
nang hindi nangungulila, nakaantabay
sa muling pagliwanag ng kalawakan,

...............................nagmamahal.
posted by mdlc @ 4:57 AM  
7 Comments:
  • At 10:26 PM, Blogger HALIK NG HIGAD said…

    ang kulet. ang kulet-kulet. adik!

     
  • At 7:00 PM, Anonymous Anonymous said…

    ako nmn dahil sa highblood nabalibag ko yung binili kong waffledog sa tindera..

     
  • At 8:37 PM, Blogger mdlc said…

    ned: dehins ako adik, mehn!

    makoy: wow, bilib talaga ako sa simpatiya mo sa working class.

     
  • At 2:45 PM, Blogger fanboy420 said…

    Nakakainggit ka. Ang haba ng tula mo. Ox lang. Mahaba naman ang kuwan ko e. Galing bayaw!

     
  • At 6:14 PM, Anonymous Anonymous said…

    kapag nakita ni joseph ang dunn poem na pinost mo, aasarin ka ulit nun kay god. hehe. -nikka

     
  • At 8:32 PM, Blogger mdlc said…

    waps: kung sa pahabaan lang ng kuwan, wala talagang tatalo sa iyo.

    nikka: di na nga, e, kawawa na nga si god sa tulang 'yan, hehe.

     
  • At 6:39 PM, Anonymous Anonymous said…

    pakshet naman 'yong huli.

    at oo ok yung kape sa pancake. kung yun yung parang nasa tea bag, testingin mo yung decaf. kasi masarap din :D

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto