abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

eksena
Tuesday, November 21, 2006
Hindi ako nakaiwas nang inabutan ako ng tagay. Hindi rin ako nakaiwas sa kasunod nitong pangungusap.

"Magbati na kasi kayo." Hindi ko alam kung bakit 'yan ang unang hirit ng kainuman niya. Ang una ko lang naisip, A, ganu'n, ikinukuwento mo pala, laman pala tayo ng mga usapan.

"Hindi naman kami magkaaway, e," sagot ko, nakangiti.

Wala siyang imik. Ramdam ng mga taong nakapalibot sa mesa na ito na ang punto kung kailan maaaring may mangyaring maganda, o hindi maganda. Kara, o krus. Tihaya o taob.

Sa wakas, nagsalita siya. "O, magso-sorry ka na ba?" sabi niya.

Nakangiti pa rin ako. "Ikaw ba, magso-sorry ka na?" sagot ko.

"O sige. Sorry sa mga ginawa ko. Wala ako sa sarili ko nu'n."

"Okey. Apology accepted." Walang nagsasalita, para bang hinihintay na may sabihin pa ako. Naisip ko, hindi ko yata kayang sagutin ng katahimikan lang din katahimikang ito, ang ganitong katinding katahimikan.

Wala na akong masabi pa. Napilitan akong sumagot. "Kung inaasahan mong magsosorry rin ako, pasensiya na. I meant what I said. Gusto kitang mamatay. In fact, I wanted to kill you myself. At hindi ko pinagsisisihang naisip ko iyon." Hindi ko alam kung gulat o pangamba ang ibig sabihin ng pagbagsak ng mga panga nila.

Pero walang isang buntong-hininga nang sumagot siya. "Ngayon ba, gusto mo pa rin akong patayin?" sagot niya. Uminom siya mula sa bote ng Red Horse. Isa, dalawang lagok. Hindi niya binitawan ang bote. Parang 'yung pader ang kausap niya habang nagsasalita.

"Hindi," sagot ko, nang para bang hindi pinag-isipan ang sinabi. "Why would I want to kill a stranger?"
posted by mdlc @ 1:30 AM  
3 Comments:
  • At 12:32 PM, Anonymous Anonymous said…

    ang bigat naman ng istorya, panalo ang ending statement "paano mo papatayin ang isang estranghero", bigla parang may gumitaw na alaala sa aking ankaraan :)

     
  • At 4:04 PM, Anonymous Anonymous said…

    Ito ba 'yung napag-usapan natin minsan?

     
  • At 12:57 AM, Anonymous Anonymous said…

    di ba mas madaling patayin ang isang estranghero kaysa sa hindi?

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto