May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
balita
Wednesday, August 02, 2006
1.
Sa wakas:
Isa siyang Ibanez AFS175T, Artcore Series. Sa totoo lang, hindi ko inasahang magiging ganito siya ka-playable, pero manipis pala ang neck. At pati ang sustain, puta ang ganda. Maliwanag ang tunog, bilog na bilog, pero may kagat ng lutong. Mahal ko na siya.
2.
May gig nga pala kami sa Sabado, ika-5 ng Agosto, sa Mayrics. 100 yata ang entrans, may beer. Sa Lunes naman, ika-7, sa Mag:Net Katipunan ang tugtog namin; 150 naman du'n. Sana makapunta kayo. Alam kong hindi pinipitas sa puno ang pera, pero, astig sana kung mapapanood ninyo ulit ang Chupacabraz, pati ang poetry reading bago nu'n, pati kung paano ko lambingin itong Ibanez.
3.
Congrats kay Michael Co, na nanalo du'n sa Fiction Contest ng Fully Booked. Hindi ako 'yun, a. Marami kasing nagtetext, akala ako. Congrats sa kanya, at congrats din kay Ian Casocot. Husay.
Anak ng.. ang bilis nyan ah. Bat kaya nagmamadaling binenta sa yo yan? May drugs ba sa lining ng case? Ginawa ba sa mga kuko ng kanyang namatay na asawa ang mga details nyan?
thad: hindi nagmamadaling ibenta sa akin 'yan. medyo ako yata ang nagmadaling makuha, hehehe. baka kasi maunahan, e, ang bilis ng bentahan sa philmusic. tangina 'yung kursonada kong greco na may dalawang gibson p-94's, di ko lang napuntahan kaagad, naibenta na. di ko na 'to binitawan nu'ng na-testing ko, hehe.
den: astig 'no? nood kayo ni javier sa lunes, a, sureball na 'yan. hawak ko na ang tickets ninyo.
mel: teyngs. dehins sa pollock 'yan. sa bahay nu'ng previous owner 'yan, kinuha ko lang sa kung-saan 'yung picture niya. 22 frets lang; wala pang cut-away. hirap umabot sa matataas na nota. medyo jazzbox talaga ang dating nu'ng design. pero rakenrol pa rin, bayaw.
karl: sustain, di sobra-- semi-hollow, e. kaya nga les paul hanap ko noong nagkacnavas ako, e. tangina punta ka sa philmusic.com, sa buy and sell thread! mga two weeks ago may arc100 du'n na 11k lang ibinebenta!
darwin: tangina alam ko 'yan. may kaibigan na nga akong nagcomment na diyan, parang "mahiya ka naman sa balat mo" in a nice way, hehe. pero binura ng mokong na 'yan ang comment. favor naman, pa-research kung sino siya. matagal-tagal na rin akong hindi nakakapanakit, e.
Anak ng.. ang bilis nyan ah. Bat kaya nagmamadaling binenta sa yo yan? May drugs ba sa lining ng case? Ginawa ba sa mga kuko ng kanyang namatay na asawa ang mga details nyan?