abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

kapag gusto mong pumatay ng oras at wala kang kalaro ng chess...
Tuesday, June 20, 2006
1.

Puwede mo akong painumin. Kung gusto mo ng kuwento, puwede mo rin akong i-text, at painumin. O puwede ring KKB muna tayo, kung gipit ka rin. Bibigyan pa kita ng yosi, kung gusto mo. Sabi nga sa isang kanta, "Basta't tayo'y... magkasama..."

Pero sa ngayon, habang naghahagilap ka pa ng load na pantext sa akin, ito muna:
.
.
.
salamisimx: huyssssst.

mimi: yobba
mimi: musta

salamisimx: yobba?
salamisimx: yawba!

mimi: yebba
mimi: :D

salamisimx: heto, oks lang.
salamisimx: mukhang may kailangan akong patulan na nangungulit sa tagboard.
salamisimx: 'yung gelpren nu'ng inangasan ko na tabulas blog.
salamisimx: kuleeeeet, e.

mimi: ano ba yan

salamisimx: pakiramdam ko tuloy ako 'yung si morpheus, 'yung

mimi: ano ba pinag-awayan nyo niung taga tabulas

salamisimx: may naligaw na kalaban sa realm niya,
salamisimx: tapos hiniritan niya ng "huwag kang gaganyan-ganyan,
salamisimx: nasa teritoryo kita.""
salamisimx: ano nga ba? hmm.
salamisimx: inangasan ko siya, kasi ang olats ng mga tikada niya, pero di naman personal.
salamisimx: talagang pa-kyut lang, papogi.
salamisimx: so siguro mainit ulo ko nu'n, na-highblood ako,
salamisimx: pinatulan ko. nagcomment ako sa blog niya.
salamisimx: pinagsisisihan ko nga, e.
salamisimx: sumagot siya.
salamisimx: tapos nag-tag din gf niya sa abosadila.

mimi: dapat kasi di mo na pinapatulan ang mga yan e. kanya-kanya nang angas sa blog. :p

salamisimx: oo nga; well, nandiyan na, e.
salamisimx: so ang ginawa ko, bumalik ako sa blog niya,
salamisimx: sinagot ko sagot niya in a more, paano ba,
salamisimx: mas kalmado at mas bukas at mas sibilisadong paraan.
salamisimx: nag-sorry ako.
salamisimx: tapos, may hinirit siya tungkol sa poetics ni gelo.

mimi: tapos ano sagot nya?

salamisimx: hindi, bago pala ako mag-sorry, may sinabvi siya tungkol sa poetics ng dada, ni gelo.
salamisimx: na talagang olats. pero di ko binara; sinabi ko lang ang tingin ko, bilang paglalatag ng diskurso.
salamisimx: that was two days ago.
salamisimx: di pa siya sumasagot;
salamisimx: pero yung gelpren niyang ***... ***,
salamisimx: hirit nang hirit sa tagboard ko.
salamisimx: una, sabi ko:
salamisimx: camz: pumunta ako sa blog ng boypren mo; nilinaw ko at ipinaliwanag ang mga sinabi ko; i even apologized. i posted an invitation for discourse. that was two days ago. nag-aabang pa ako.

mimi: hay. :-<

salamisimx: camz: du'n ang venue, hindi rito. walang historical background ang mga taong nagbabasa dito. ngayon kung hindi ka lulubay, i'd have to warn you. you're crossing a line that shouldn't be crossed.
salamisimx: camz: tumahimik na ang boypren mo. or i guess iniisip niya ang mga isasagot niya sa diskursong inilatag ko. i suggest you do the same.
salamisimx: e ayaw tumahimik. heto sagot niya:
salamisimx: my boyfriend's sick. kaya hindi sya nakakareply. now, mikael, i have nothing against you too. i am simply, as you said, stating what i'm thinking.
salamisimx: learn to take what you can dish out. ganun lang yon. kung offensive ako, my sincerest apologies. katulad mo, may sariling angas din ako.
salamisimx: sabi mo nga, web to. you have a tagboard, i used it. simple diba? just like you using the comment box. ganun lang rin yon. again, no offense meant.

mimi: well, kung ganun, theoretically, may point sya. :p

salamisimx: oo, meron.
salamisimx: pero 'yung hirit niya sa tagboard,
salamisimx: sa tingin ko,
salamisimx: uncalled for dahil ang usapan e ang balitaktakan ukol sa mga isinulat ng boyfriend niya--
salamisimx: so dapat 'yun ang kadikit ng mga hirit niya.
salamisimx: (mas matino na 'yang sagot na 'yan. nag-iingat na.)
salamisimx: 'yung mga una niyang tag, may anghang.
salamisimx: (although mas maanghang ang comment ko sa blog ng bf niya.)
salamisimx: anyway.
salamisimx: ang punto ko siguro,
salamisimx: hindi siya nagkocomment ukol sa kahit anong isinulat ko sa abosadila--
salamisimx: dapat comments field ang inokupa niya kung gayon.
salamisimx: nagkocomment siya sa balitaktakan sa kabila--
salamisimx: and her comments, actually, have nothing to do with the real arguments.
salamisimx: panay ad hominem ang banat niya,
salamisimx: habang sa totoo e 1. dada; at 2. blogs as public domain na ang usapan.
salamisimx: so iniisip ko kung papatulan ko pa,

mimi: so nakiki-angas lang sya to defend her boyfriend.

salamisimx: kung sino sa amin ang mas magmumukhang tanga.

mimi: hwag mo nang patulan.

salamisimx: hmm. sa tingin mo?

mimi: dyan naman kasi nagsimula yan e :p
mimi: yep.
mimi: lalabas kang mababaw at defensive.
mimi: (kahet may point ka)

salamisimx: at pag hindi ko siya pinansin, lalabas na hindi ko kayang panindigan ang sinimulan ko.

mimi: no.

salamisimx: hmm. why not?

mimi: unless gusto mong humirit sa entry na hindi mo na lang papansinin/papatulan ang mga nakiki-epal sa blog mo.

salamisimx: iniisip ko nga. pero di ba, ang magiging effect nu'n,
salamisimx: patuloy siyang hihirit?

mimi: after mo humirit ng ganun na general na hindi mo na papansinin yung mga ganun, hindi.

salamisimx: at kung, on the other hand, ilatag ko nang matino ang argumento, at saka ko ihirit 'yan,

mimi: o hihirit sya at mapapagod lang.

salamisimx: then i'd have the choice of ignoring her,

mimi: kasi alam mo namang walang katapusan ang hiritang ganyan e.

salamisimx: or keeping at it kung may punto.

mimi: ikaw bahala.

salamisimx: actually,

mimi: kayo naman ang kapwa mapapagod e.

salamisimx: iniisip ko nga na baka matapos kung mapagmukha ko siyang tanga, e.
salamisimx: pero 'yun nga. lalaki lang, 'no?

mimi: yep. war freaks. must have the last word. :p

salamisimx: may bahagi sa akin, 'yung ma-pride at maangas at warfreak na bahagi,

mimi: trust me, lalaki yan pag ipagmukha mo syang tanga.
mimi: hihirit pa yung bf nya in full force.

salamisimx: gusto talagang durugin sa argumento ang taong 'to.

mimi: oo nga. meron nga.
mimi: anong mapapala mo dun?
mimi: kung mapagmukha mo syang tanga?
mimi: a short-lived sense of victory?
mimi: triumph of principle/logic over ad hominem arguments?

salamisimx: hmm. i guess may bahagi sa aking gustong manalo. ayaw kumain ng pride.
salamisimx: yup.
salamisimx: kung hindi ko naman hiritan, ano ang mawawala?

mimi: wala.
mimi: hindi naman nakasabit dyan ang pride mo e.

salamisimx: iniisip ko kung kaya kong tanggapin na mahiritan ng,
salamisimx: "tangina, magsisimula ka ng away, di mo naman pala kayang panindigan."
salamisimx: alam ko na!
salamisimx: tanong mo naman kung ano 'yung alam ko na.

mimi: sasabihin mo rin naman e ;)
mimi: sige na nga
mimi: ano alam mo na?

salamisimx: hahahaha.
salamisimx: anyway,
salamisimx: kung magpopost man ako, tungkol dito sa usapan nating ito.
salamisimx: 'yung conflict ko sa loob ng sarili ko,
salamisimx: (period dapat 'yun.)
salamisimx: hindi comma.

mimi: ;))

salamisimx: hahahaha.
salamisimx: pero seryoso.

mimi: pwede.
mimi: ikaw.
mimi: you'll be giving her the satisfaction of knowing that this bothers you, though.

salamisimx: wel, it does.
salamisimx: i'll have to admit that it does.
salamisimx: kasi, bakit ba,
salamisimx: kasi sinimulan ko, e. i mean, dapat nanahimik na lang ako. pero somehow,
salamisimx: nu'ng araw na 'yun,
salamisimx: highblood ako. tapos naligaw ako sa blog ni ***,
salamisimx: tapos may link,
salamisimx: ikinlick ko,
salamisimx: at tumambad sa akin e 'yun nga, sobrang, basta.

mimi: control yourself next time! :))

salamisimx: oo nga, i will.

mimi: natutunan mo na rin before na hindi ideal place ang internet sa malalim at reasonable na diskurso e.

salamisimx: unless kaibigan mo ang kausap mo.
salamisimx: tama, e.

mimi: oo.

salamisimx: levinas, 'no? iba pa rin pag kaharap mo 'yung mukha.
salamisimx: anyway, ikaw diyan? kumusta? nagkuwento na si ***** tungkol sa

mimi: mahalaga pa rin ang venue. tamang lugar, lang.
mimi: cr lang ako ha

salamisimx: *** episode?
salamisimx: sige go.

mimi: pakwento ka sa kanya ;)

salamisimx: oks. banyo ka muna.
salamisimx: teka, puwede ko bang i-post itong conversation na 'to, sa blog? o would you rather that i not? or at least not use your name?

mimi: don't use my name. :)
mimi: ok lang i-post if you want.

salamisimx: okay.
salamisimx: sige, ano gusto mong screen namen?
salamisimx: inday?
salamisimx: gretchen?

mimi: mimi

mimi: :))

salamisimx: hahahaha. sige, mimi. hanggang dito, puwede, i-post ko sa blog?

2.

Galing kay Sir Krip:

Invite to party briefly with Mom Edith:

On Thursday, June 22, Dr. Edith L. Tiempo, National Artist for Literature
and Mom E. to us all, will receive the Gatpuno Antonio Villegas award from
the Manila Mayor as part of the Gabi ng Parangal for the Patnubay ng
Sining at Kalinangan awardees at Manila City Hall.

Mario Miclat is the Literature or Panitikan awardee this year, while
Elynia Ruth Mabanglo is the Tanging Pagkilala awardee. Mom Edith's award
is one of the three special awards other than the regular Patnubay awards
that go to winners for each genre.

The invitational Parangal starts at 6pm and will likely end by 8pm, at
which time Mom's special entourage or cordon sanitaire — composed of her
official escort Atty Ernesto Superal Yee, together with Dr. Marjorie
Evasco, Susan Lara and Danny Reyes, and security agents Dr. Jimmy Abad and
Col. Krip Yuson — shall convoy to Penguin Gallery Cafe on Remedios St.,
off Remedios Circle, in Malate.

KKB dinner and drinks will follow, with Mom possibly holding court to
receive your felicitations should you wish to join the merrymaking. It may
be brief, however, with Mom Edith's presence possibly lasting only until
10:30pm, as she and Atty. Yee have to take the dawn flight back to
Dumaguete on Friday.

Mom Edith and Ernie are arriving on Wednesday, June 21, and will be
staying for two nights at the Angelo King Hotel which is part of St.
Benilde, right across Taft Avenue from De La Salle University. Workshop
Batch 2006 is tendering a dinner for her that first evening, at the hotel
rooftop venue.

They and other Dumaguete workshop fellows of all batches and ages are
still most welcome to join the Penguin get-together the following night.

Kindly pass on. Come one come all.

3.

Bukas na pala ulit ang Purple Haze, mga dalawang linggo na ang nakakalipas. At ngayon mas madali nang puntahan. Malapit sa kanto ng Morato at E. Rodriguez. Mas maluwang ang puwesto. Suwabe. Wasak!

Sa June 30 ang una naming salang. Nood kayo.
posted by mdlc @ 4:26 PM  
4 Comments:
  • At 10:58 AM, Blogger isea said…

    ngee, nakakapanggigil. ang akin naman, hindi niya laban yun kahit sabihin pa niyang siya ang gelpren. asus.

    punta ka ba bukas sa penguin? niyayaya ko pa ang asawa ko.

     
  • At 12:45 PM, Blogger mdlc said…

    pero isipin rin natin: kung biglang dumating si shaquille o'neal at kinutya si sigh, baka rin mawala ako sa sarili ko at hamunin siya ng hampasan ng haloblak sa mukha. pero, 'yun nga, di naman ako si shaq, at mukha namang kayang ipagtanggol ng boypren ang sarili niya laban sa akin. may sakit lang daw, pero sumagot na, at okey na naman, tahimik na kami pareho.

    tsaka pupunta ako bukas, malamang sa alamang. may sulit na inumin daw du'n, cocktail na ibinebenta by the pitcher. nalimot ko kung ano. basta. wasakang reunion 'yan; bihirang pumunta si mom edith sa maynila. teks na lang.

     
  • At 5:49 AM, Anonymous Anonymous said…

    wow, bukas ulit? malapit pa sa asylum. hayop.

    orayt, tugtugan ulit.

     
  • At 5:09 PM, Anonymous Anonymous said…

    Actually, mehn, kakasali lang niya sa e-group namin. And knowing ang angas ng mga ibang member namin, nakupow, fireworks na ito.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto