abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

tangina tangina tangina
Wednesday, June 14, 2006
Naks, una 'to, a-- dalawang post sa isang araw. Napilitan lang. Talo kasi ang Dallas kanina.

Tangina, tangina, tangina. Up by 13 nang 4th quarter. Natalo pa. A lot of questionable calls by the refs, pero ganu'n talaga, e. Breaks of the game. Sabi nga ni Pat Riley, "The basketball gods were good to us tonight." Dirk misses a crucial free throw. Shaq makes two crucial free throws. Dwayne Wade somehow wills the Heat to a win, even though Shaq basically (accidentally) crushed his knee on a play by Josh Howard-- all 340 pounds going down on Dwayne's left knee. Nu'ng final play: libre si Stackhouse for a potential game-winning three sa corner-- but even I wouldn't trust him after he went 1-for-9 from the field. Sumablay nga ng dakdak si gago, e!

Dahil talo ang Dallas, heto ang parusa ko sa buong sambayanang blogger.

Mananalo ang Mavs sa Game 4. I just feel it. Pag hindi, magpapainom si Leopoldong Libag, kilabot ng Misericordia.
posted by mdlc @ 6:36 PM  
3 Comments:
  • At 2:41 PM, Blogger fanboy420 said…

    Bayaw. Hindi ako bading, pero... miss na kita. Next next week, inom tayo! Bawi ako sa pag-indyan ko nung Sabado.

     
  • At 6:00 AM, Blogger mdlc said…

    o nga, di ko na nga binabanggit sa iyo 'yung pang-iindiyan mo, e. si doug gumawa pa ng paraan para tumakas sa erpats niya, nagtaxi pa 'yun. tapos nu'ng isang araw, bago ako mag-chinese class, nag-text ako sa 'yo, may tinatanong, apat na oras bago ka sumagot. e siyempre ano pa, di ba? aanhin pa ang damo kung wala nang rolling paper? tsk, tsk.

    hindeeeeeee, biro lang. siyempre oks lang. basta teks ka lang kung hindi ka pa rin bading tapos naghahanap ka ng kainuman tapos hindi mo kailangang mag-aral, o kailangang mong mag-aral pero naisip mong mas masarap mag-aral kung may kaharap kang isang bote ng happy horse tsaka maraming kaibigan tapos background sawnds mo e 'yung kuskos ng bolpen sa papel na sinusulatan ng renga ng tropa. hindi ako bading, pero... galingan mo sa pag-aabogado. sige, bayaw.

     
  • At 3:03 PM, Blogger fanboy420 said…

    ahehehehe, apat na oras akong hindi nagtext dahil apat na oras yung klase ko nun, 6-10 ng gabi, at hanggang ngayon nag-aaral pa rin. sige bayaw. ingat.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto