abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

mga simpleng bagay
Thursday, June 29, 2006
1.

Ganito 'yung mga simpleng bagay na ikinatutuwa mo: Kagabi, papunta ka sa Kittens para makipag-inuman sa mga taga-TWG. Bumaba ka sa Tayuman para sumakay ng dyip na pa-UST. Wala na pala, wala nang bumibiyahe kapag ganu'ng oras.

Kaya ang sinakyan mo na lang e 'yung pa-Lardizabal na dyip; napag-isipan mong lakarin mulang Vicente Cruz hanggang GeliƱos. Hindi pa umuusad ang dyip, nagpupuno pa. Sa harap ka umupo; may isa pang taong sumakay, pero sabi, "Manong, pa-save lang, a. Bibili lang po ako ng yosi."

Tapos 'yung driver, tinanong ka, "Ikaw, meron ka bang yosi?" E wala. Inabutan ka niya ng isang stick, ayaw magpabayad. Ngumiti ka naman, at tinanggap ang alok niyang sigarilyo.

Habang hinihitit at ibinubugang papalabas ang usok, naisip mo: Ganu'n siguro talaga. May mga ganitong bagay, na nagpapaalala sa iyong kahit papaano, kahit minsan, o madalas, may problema, kahit kupal ang mundo, may ganitong mga bagay na ipinapaalala pa rin sa iyong masarap, masarap mabuhay.

2.

Isa pa: noong minsan kayong nagkita ng isang kaibigan, sa isang poetry reading, binigyan mo siya ng isang libro, libro ng isang surrealist na hindi naman masyadong sikat, pero astig, at mas astig dahil nabili mo 'yung libro nang kinse pesos. Naisip mong ibigay na lang sa tropa mong 'yun dahil, una, medyo nahihirapan ka nang maghanap ng paglalagyan ng libro sa bahay, at pangalawa, siya talaga ang nagsusubsob sa mga surrealista noong mga panahong iyon.

Kagabi, sa Kittens nga, inabutan ka niya ng isang libro. "Di ba ipinangako ko sa iyo?" sabi niya. Extrang kopya, e. Malamang nga ipinangako niya sa iyo, pero siguro lasing na kayong pareho nang ipangako niya, kaya hindi mo maalala-- bihira naman kung nag-iinuman kayo na una kang nalalasing sa kanya. Siguro siya 'yung tipo ng taong kahit lasing e nakakaalala ng mga pangako sa kaibigan.

"Morning Poems" nga pala ang pamagat ng libro. Si Robert Bly ang nagsulat.

3.

Puwede rin ito:

The Playful Deeds of the Wind
Robert Bly

Sometimes there's the wind. Sometimes the wind
Takes a certain scrap of paper, and blows
It back into the Bible. Then your family line
Is whole, and your great-great-grandparents
Stretch out in the coffin, and rest. That's something
Wind can do. Sometimes wind blows
A skirt up an inch or two, and the body
Signs a contract for its novel; then babies
Come, and people sit at breakfast, and the old
Words get spoken. Or the wind blows an ash
Into the anarchist's eye, and he pulls
the trigger too soon, and kills the King instead of
The fat factory owner, and then
A lot of men get on motorcycles. They
Dig trenches, and the wind blows the gas
Here and there, and you and I get nothing
Out of that wind except blind uncles
And a boy at the table who can't say "Please."

4.

Pero mas gusto mo yata ito:

When Threshing Time Ends
Robert Bly

There is a time. Things end.
The fields are clean.
Belts are put away.
And the horses go home.

What is left endures
In the minds of boys
Who wanted this joy
Never to end.

The splashing of hands,
Jokes and oats:
It was a music
Touching and fervent.

The Bible was right.
Presences come and go.
Wash in cold water.
The fire has moved.

5.

O kaya babangon ka nang may sinaing na, may ulam na, luto na ang lahat, at ang hinihintay na lang ay ikaw na yuyuko sandali at magpapasalamat bago sumubo.

At uupo ka nga, magpapasalamat, at susubo habang tumitingin sa maliwanag, sa maliwanag na maliwanag na mundo.
posted by mdlc @ 2:07 PM  
6 Comments:
  • At 11:06 AM, Blogger kontra-diction said…

    pay it forward, pre. gumaan naman ang araw ko dito :-)

     
  • At 12:00 PM, Anonymous Anonymous said…

    wow. ang sarap lang.

     
  • At 2:18 PM, Blogger mdlc said…

    imo: naks. gumaan din ang araw ko sa comment mo. inom?

    anonymous: hindi ako bading, pero sino ka? (hindi, biro lang. inom.)

     
  • At 10:54 AM, Anonymous Anonymous said…

    mikael, maraming salamat sa post mong ito. :)

     
  • At 11:16 PM, Anonymous Anonymous said…

    oo nga sarap. hmmmmm. sabay ngiti. :)

     
  • At 8:33 AM, Anonymous Anonymous said…

    oo parekoy, may magagandang bagay pa rin sa paligid at may mabubuting tao pa rin, sa kabila ng lahat. Sana may mag-abot din sa kin ng yosi...kahit di ako naninigarilyo :) --Kiko

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto