May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
sakit ng ulo
Sunday, August 20, 2006
Minsan, kapag nangyayaring nakaupo ko sa inidoro, humihitit ng unang yosi mo para sa araw, o simpleng naglalakad lang, tumatawid sa kalsada nang hindi tumitingin sa kanan o kaliwa, minsan, iniisip mo kung ano bang mga bagay ang hilig mo, gusto mo; ano ang sana mayroon ka, sana marami, sana maganda. Tapos matatawa ka na lang sa sarili mo, dahil lumalabas yatang mahilig ka sa sakit ng ulo.
Mahilig ka sa mga bagay na nagpapasakit ng ulo mo: chess, mga larong kailangang may isipan; kahit papaano, sa mga tulang hindi sobrang daling pasukin; mahilig ka sa pagkaing mamantika-- nakupo, sinigang na baboy na melts-in-your mouth ang taba, litsong kawali.
Mahilig kang umalma sa mga bagay na dapat pinag-iisipan muna kung dapat bang umalma: kanina, nanood ka ng laro sa Araneta, nang maeject sa Buyco ng U.P. dahil sa pagsiko kay Macky Escalona, nang dumaan si Buyco sa harap mo, ayun, minura mo, solid, "Putangina mo! Putangina mo, kalbo! Pangit!" sabi mo, tapos tsaka mo na lang naisip na baka lumingon siya at akyatin ka sa stands at pirasuhin sa apat tapos ikalat sa malalayong isla 'yung mga parte ng katawan mo, saka mo na lang naisip 'yun, na putcha, siyet, muntik na yata akong mamatay du'n, a.
Mahilig ka sa beer. Kagabi uminom ka, ang dami mong nainom, Colt tapos San Mig Light tapos Jack Daniels na may Coke tapos Light ulit, di ka naman nalasing nang todo, natatandaan mo pa naman ang nangyari, o siguro sa tingin mo natatandaan mo, tapos iniisip mo na putcha may mga sinabi ka bang mali, nakasakit ka ba ng kapwa kagabi? Hindi mo alam, sana hindi, naaalala mo ang naaalala mo pero malabo 'yun, malabo sa puntong hindi mo na alam kung lahat nga ba natatandaan mo, malabo ang mga sulok at kanto. Iniisip mo ang lahat nang ito kanina habang parang may dalawang kunehong nagyayarian sa loob ng ulo mo, may dalawang kuneho at isang bulldozer at animnapung holen sa loob ng isang supot na umaalog-alog sa tuwing hahakbang ka.
Minsan naiisip mo, baka sadyang pinanganak kang ganyan, mahilig gumawa ng mga bagay na pagsisisihan mo rin sa dulo, salamat sa paalala pero putangina oo nga ano hindi ko pala namalayan na ginawa ko 'yun o sinabi ko 'yun, oo, 'yan ang naiisip mo minsan, ilang relasyon na bang sinimulan mo na nauwi lang sa wala, ilang bagay ang pinasok na di naman natapos, ilan ang hinawakan na binitawan din? Gusto mong sabihing marami pero lahat naman siguro ng tao marami ring ganu'n, at oo, sinasabi mo nga 'yun sa sarili mo, pero hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo mo, ang bigat ng dibdib na parang lumolobo, parang may tinik, parang may tinik na nanganganak ng tinik pa at tinik pa ulit.
Oo, tama, minsan kapag naiisip mong parang bukod sa mga problemang pinangsho-shoryuken sa iyo ng mundo e may mga problemang ikaw na lang din ang gumagawa, natatawa ka na nga lang, hindi 'yung tawang tahimik, a, hindi 'yung tawang sa isip lang. Ito 'yung tawang medyo mapapailing ka pa, parang tawang galing sa lalamunan, ngising may tunog, 'yung tawang kapag may kasalubong ka habang naglalakad at nakita ka e iiling din, o mapapatawa, iisiping ang weirdo naman, iisiping sana okey lang siya kasi ako rin minsan nagagawa ko 'yun, iisiping siguro problemado lang 'yung taong 'yun.
Bayaw, subukan mong gumupit ng bulbul. Nakakatanggal ng sakit ng ulo. Seryoso. O ako lang ba ang natutuwa na makitang naka-crew-cut ang shornaks ko? Seryoso, nakakatanggal siya ng stress.
'Tangina pag may angst, magtanggal ng buhok sa katawan! Minsan ang ginagawa ko pa binubunot ko bulbul ko tapos itataas ko ang kamao ko at ipagkakait si world dahil ang lupit niya. Tapos bibitiwan ko ang mga kulot at panonoorin silang unti-unting sumasama sa daloy ng hangin. Tapos, *poof*, wala na si Angst. Sumama na sa bulbol. Hindi, bayaw. Joke lang. Hindi naman ako ganung kasira-ulo. Hindi ko naman binubunot.
Kanina, Bayaw, may dalawang babaeng nagyarian sa loob ng isang bulldozer sa loob ng ulo ko. Masakit sa ulo pero masarap sa isa pang ulo. Bayaw, hindi ako lasing, pero ikaw, may kendi ka ba?
pare, pa'no ba yan? hindi na kita papapanoorin sa araneta.
hehe. nakita ko nga kayo sa tv eh. di man malinaw ang mga mukha niyo, sabi ko: teka, kilala ko yung mga tiyan na yun ah. oo, asawa ko nga at si bayaw.