abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

kung gising ka pa
Friday, January 05, 2007
1.

"In the best poetry of our time-- but only the best-- one is aware of a moral pressure being exerted on the medium on the very act of creation. By "moral" I mean a testing of existence at its highest pitch-- what does it feel like to be totally oneself?; an awareness of others beyond the self; a concern with values and meaning rather than in effects; an efort to tap the spontaneity that hides in the depths rather than what forms on the surface; a conviction about the possibility of making right and wrong choices. Lacking this pressure, we are left with nothing but a vacuum occupied by technique."

- Stanley Kunitz

Ipinadala sa akin 'yan ng isang kinapipitaganang guro; 'yan ang una kong nabasa paggising noong unang umaga ng 2007. Wala na lang akong nagawa kundi mapatango.

2.

Naging mabait sa akin ang 2006. Pero sino ba ang niloko ko? Sa totoo lang, tuwing sasapit ang bagong taon, 'yan ang sinasabi ko sa sarili ko: Naging mabait sa akin ang nakaraang taon. Magmula nang natuto akong mag-isip para sa sarili ko, ginagawa ko na iyan: naglalakad tungong kanto ng Laguna at Makata, inaabangan ang unang pagsikat ng araw para sa taon, yumuyuko, at nagpapasalamat.

3.

O sige na nga, oo, oo. Naging mabait nga sa akin ang 2006. Para ngang ayaw pang bumitaw nang walang huling regalo; humabol pa ng ilang tula na di ko naman akalaing maisusulat ko, dahil na rin sa dami ng ibang dapat gawin, pero mas dahil sa ingay dito sa kapirasong sulok ko ng Maynila.

Sa totoo lang, hindi ko binalak na magbagong-taon dito sa amin. 'Ka ko sa sarili, gusto ko namang makaramdam ng bagong taon na hindi maingay. Gusto kong mag-isip, manahimik.

Pero noong hatinggabi ng a-trenta-y-uno ng Disyembre, lumabas ako ng bahay, di bale na ang usok at ingay. At nakita ko ang buong Makata na nakatingala. At pati ako, napatingala na rin nga. At di napigilang ngumiti.

4.

Kilala mo ba si Dean Young? Kung ipalilista sa akin ang limang paboritong makata ko, siguradong nandu'n siya. Kung hindi mo pa siya kilala, hayaan mong ipakilala ko siya sa iyo:

Sky Dive
Dean Young

In school it had been important to learn
the names of battleships, diseases, museums,
kings, the internal scheme of the squid
which is called taxonomy but outside, in the fields,
it seemed most important to know the names
of sex organs: vulva, Mount Olympus,
anadromous pod and that was called soccer practice.
Beside me in Earth Science sat Debbie
until she was killed by a Volkswagen
so the rest of the year I did the experiments
alone. Say crack my fingers backwards, she whispered
while I tried to organize plastic seashells.
The earth had folded into itself many times.
Ann, Jill, Brenda, Elizabeth. Kinesis,
the golgi apparatus, the ellipsis. Give up,
go to bed, dream. Then to wake up twenty years later
after a party knowing you behaved perfectly
shamefully, the brain is threatened sea life,
astronomers predict discs of dust hold clues
to the birth of the universe and then to make tea
and telephone apologies. What was her name,
the one by the door? Expostulations of orange juice.
Purple clouds. Twice I jumped from an airplane
to forget a beautiful woman who was sleeping
with some guy instead of me who made guitars
from scratch. Handprints on an aquarium,
tissue paper. Irregular envelopes. To begin,
each player selected a game piece. She was
beautiful and drunk but not as drunk
as her dress which kept hailing cabs
even at the party. Beneath the clothing
is the skin and beneath the skin, viscera, bones
but beneath that there is just the skin
of the other side so clearly something
is unaccounted for. Green river,
lobelia, lightbulb shaped like a flame,
a chair shaped like a shoe. The last time
I landed, I forgot all I learned
throwing myself from a practice flight of stairs.
It drove me crazy, the way she smiled
at strangers and I could never be
a stranger. A thousand feet above the earth,
hanging from a handkerchief.

Tingnan mo ang style niya, pag-aralan mo. 'Yung laro ng statement at image, 'yung husay niya sa pagpipinta, sa pagpapakawala ng mga imahen, tapos sa pagkambyo gamit ang utterance. Nakita mo na? Kung nalilito ka, pag-usapan natin minsan.

Kung trip mo siya, mag-iwan ka lang ng email sa comments. Papadalhan kita ng kopya ng mga tula niya, 'yung mga mahahanap sa internet, na kinolekta ko.

5.

Siguro iniisip mo, Bakit ka ba post nang post ng mga tula mo rito? May bahagi sa aking gustong sabihing dahil gusto ko, paki mo ba. Pero 'yun 'yung bahaging ayaw kong ipakilala sa iyo.

Kaya: Bakit nga ba? Siguro dahil walang ibang paraang maipabasa sa mga tao 'to, kundi sa pagpapaskil dito. Hindi naman lahat magkakaroon ng kopya nu'ng mga antolohiya o magasin kung sa'n ko ipapublish 'yan, kung mapapublish nga. Siguro dahil naniniwala ako sa sarili ko. Oo, tama-- isa 'yan sa mga biyaya sa akin ng 2006-- alam ko na ang gusto kong sabihin, kaya ko nang sabihin 'yun, naniniwala ako sa tula ko. At kung di pa rin sapat sa iyo ang paliwanag na iyon-- Kung di mo trip, tsaka ko na lang sasabihing, Dahil gusto ko, paki mo ba. O siguro-- isa na namang leksiyon ng 2006-- sasabihin ko na lang na, Okey lang. Okey lang.


6.

Nu'ng bakasyon, nagpunta ako sa Tagaytay, para sa inuman/reunion-na-rin-sigurong-tatawagin ng barkada ko nu'ng high school.

Papunta sa paradahan, galing sa Leslie's, nakasabay kong maglakad ang isang kaibigan. Siya 'yung tipong tinitingala ng barkada-- achiever kasi, e. Cum laude, kung hindi man magna, nu'ng college. Sa isang Multinational nagtatrabaho ngayon. Malamang malaki ang suweldo, di ba. Sa Singapore siya nakabase, at umuwi lang para magpasko't magbagong-taon dito.

E di kumustahan nang kaunti, ganu'n. Nalaman niyang nag-e-M.A. ako. Itinanong niya kung ano ang balak ko matapos ang M.A., kung ano ang plano ko sa buhay.

Wala naman akong maisagot kundi ewan. Siguro, sa akademya na nga, sabi ko. O maghahanap ng trabahong mapaggagamitan ng mga skills ko. Basta, sa ngayon, ang goal ko e ang matapos ang M.A. Beyond that, ewan.

Tapos, sumagot siya, Ngye. E bakit ka nandiyan? 'ka niya.

Natameme ako, at bahagyang nahiya. Heto 'yung pinaka-achiever sa isang barkada ng mga achievers (walang biro; ako lang ang napag-iwanan, ako at iilan pang iba,) sinasabihan ako na, oo nga, Ba't ko nga ba ginagawa ito? Para saan? Ano ang lugar nito sa kalakhang iskema ng kinabukasan ko?

Nag-iisip pa ako nang hinugot siya ng iba pang kabarkada. Naiwan akong naglalakad nang mag-isa, nakayuko. At nito-nito ko lang naisip ang isasagot ko sa kanya, sakaling magkaharap uli kami.

Kailan pa ba kinailangan ng dahilan ng edukasyon? Nag-aaral ako dahil gusto kong matuto. Dahil mahal ko 'tong inaaral ko. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong aralin 'to nang masinsinan nu'ng undergrad. Nag-aaral ako dahil gusto ko ng kaalaman, at 'yun na 'yun. End in itself ang pagpapakadalubhasa ko sa Panitikan.

Hindi ko alam kung matatanggap niya 'yung sagot na 'yun. Mulat naman akong hindi lahat e sasang-ayon sa akin kapag sinabi kong hindi laki ng suweldo ang sukatan ng success. Ewan.

Basta, sa madaling sabi, masaya ako. At kung ikaw siya, kung ikaw 'yung kaibigan kong tinutukoy, sakaling maligaw ka dito at mabasa ito, heto: Sana masaya ka rin, pero mukhang hindi pareho ang style natin, hindi pareho ang atake sa buhay. Sabi nga nila, good luck na lang.

7.

'Yung huling tula-- tula ko-- na ipinaskil ko rito, may epigraph galing kay Robert Hass (na isa rin sa mga paborito kong makata.) May astig na trivia siya, e, tungkol sa Novgorod:

"But Mandelstam, who wasn't a political thinker, loved the idea of the city-state. One of the emblems in his poetry of the politics he imagined, over and against the universalizing politics of Marx, was the medieval city of Novgorod, which had in its center a public well where the water was free to everyone. That became for him a figure of justice."

Astig talaga si Hass. Alam mo pa ang sabi niya? Heto:

"Poetry, when it takes sides, when it proposes solutions, isn't any smarter than anybody else."

Nang mabasa ko iyan, muli, wala na akong nagawa kundi tumango.

8.

Babatiin pa ba kita? Madaling-araw ngayon, alam mo? Madaling-araw ngayon at naisip ko lang ipaalam sa iyo na huwag ka munang dumilat, madilim pa rin. Gusto kong sabihin sa iyong huwag kang bibitaw. Umuusad pa, umuusad pa.
posted by mdlc @ 4:14 AM  
4 Comments:
  • At 12:53 PM, Anonymous Anonymous said…

    #6
    "Pagkatapos, ano na?" Yan din yung parating tanong sa akin ng mga magulang ko saka ibang kaibigan sa tuwing nababanggit ko na gusto kong mag-MA pagka-graduate ko. At yung sinulat mo, yan lang din ang parati kong sagot, sa kanila at sa sarili ko.

    Salamat, Kael ha.

     
  • At 6:43 PM, Anonymous Anonymous said…

    paano ba malalaman ng isang tao kung ano talaga nagpapasaya sa kanya?yun ba yung sinasabi nila na bigla ka na lang kikilabutan tapos yun na yun? eh hindi ko pa yun nararamdaman.hanggang kailan ako dapat maghintay?

     
  • At 11:08 PM, Blogger Unknown said…

    i love this post. and i sympathise. people always ask -- why do you like studying so much -- as if it's an accusation, na 'laro-laro lang 'to'. it's frustrating. but we don't have to justify ourselves, especially if we're doing what we love.

    and i love the poems you posted. yes please can you send me some poems? i can send you stuff in turn, maybe music? will post more later.

    yun lang. just wanted to say thanks.

     
  • At 9:11 AM, Anonymous Skylight Contractors Thornton said…

    Awesomme blog you have here

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto