May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
dear diary
Sunday, December 10, 2006
1.
Nakabili ako kanina sa Booksale ng The Best American Poetry 1994, 160 pesos lang, sa maniwala kayo o sa hindi. Bilang patunay:
Myrtle John Ashbery
How funny your name would be if you could follow it back to where the first person thought of saying it, naming himself that, or maybe some other persons thought of it and named that person. It would be like following a river to its source, which would be impossible. Rivers have no source. They just automatically appear at a place where they get wider, and soon a real river comes along, with fish and debris, regal as you please, and someone has already given it a name: St. Benno (saints are popular for this purpose) or, or some other name, the name of his long-lost girlfriend, who comes at long last to impersonate that river, on a stage, her voice clanking like its bed, her clothing of sand and pasted paper, a piece of real technology, while all along she is thinking, I can do what I want to do. But I want to stay here.
Gusto ko sanang ipaskil 'yung mas paborito kong sina Brigit Pegeen Kelly at Dean Young, pero mahaba masyado ang mga tula nila, at medyo pagod na rin ako, kaya sa susunod na lang siguro.
2.
Mayroon na rin akong kopya, sa wakas, ng "The Phenomenon of Man" ni Teilhard de Chardin. Bungi-bunging photocopy lang kasi ang mayroon ako dati. Nabili ko siya nang murang-mura sa isang kaibigang magma-migrate na sa Enero kaya't nagdi-dispose na ng mga libro. Bilang patunay:
"Thenceforward, it may be added, it is easy to decide where to look in all the biosphere to see signs of what is to be expected. We already knew that everywhere the active phyletic lines grow warm with consciousness towards the summit. But in one well-marked region at the heart of the mammals, where the most powerful brains ever made by nature are to be found, they become red hot. And right at the heart of that glow burns a point of incandescence.
"We must not lose sight of that line crimsoned by the dawn. After thousands of years rising below the horizon, a flame burns forth at a strictly localised point.
"Thought is born."
3.
Napanood ko na pala kanina 'yung Casino Royale. Nga lang, wala akong puwedeng patunay na napanood ko nga.
Nagustuhan ko siya, sa totoo lang. Pero sana tinodo-wasak na lang 'yung character nu'ng babae. Sana hindi na lang siya may boypren na kinidnap, sana hindi na lang siya nagkaroon ng sariling dilemma. Sana masama na lang siya, para mas nabuo (nawasak?) ang mito ni James Bond. Ewan lang, a, sa akin lang.
4.
Ang sarap mag-aral ulit, sa totoo lang. Hardcore.
5.
Sa gitna ng pagbabasa ng mga readings at pagsusulat ng mga paper at paggagayak ng report at pagtula at pagtugtog sa mga gig at pagjajakol at panonood ng Sopranos at pagpapakain sa mga pusa ko, may naisingit akong isang mini-proyekto.
Ipinagawa lang sa akin ni kumander 'yun: mayroon kasi siyang kaklase nu'ng high school na hindi na nakakapagbasa ng mga kontemporanyong makata. Sayang 'yung interes nu'ng tao kung hindi siya makakapagbasa nu'ng mga bagu-bagong makata.'Yung buhay pa, kumbaga.
Kaya pinag-assemble ako ni kumander ng mga kontemporanyong tula na siya niyang ipinrint (sa opisina, para libre,) at ipinabind (sa U.P. Shopping Center, para mura). Ibinigay niya ito sa kaibigan niyang nag-birthday noong December 4.
Siyempre hindi naman karamihan 'yung nandu'n sa koleksiyon, pero mayroon din sigurong mahigit apatnapung tula doon, 'yung madaling sakyan kung ang habol mo e 'yung kislot sa dibdib matapos magbasa ng tula. Malamang kilala mo na 'yung mga makatang nandu'n, at malamang may kopya ka na ng mga tula, dahil pawang sa internet ko lang din napulot ang halos lahat nang iyon. Pero kung gusto mo ng soft copy ng "The Happy Birthday Shelley Anthology of Contemporary Poetry," mag-iwan ka lang ng email address sa comments, sa ibaba. Sabi nga ng Keso, di ba, "If you've got the ganja, then pass it, my friend."
Astig men. Nakabili ako dati sa booksale ng 2 northon anthology of American Lit. Kasing kapal siya ng Norton Antho of Crit kaso hindi hardbound. 150 lang bwahahaha! Panalo talaga booksale, men.
nakuha ko na ang kopya ko ng wasakvol2. salamat. oo nga, sana wasak na lang yung babae para mas madaling maunawaan ngayon kung bakit wasak si james bond sa ibang mga pelikula. ilang wasak ang nakasulat sa comment na ito? apat.
ron: wasak talaga ang booksale. kahapon nakabili din ako ng 3-in-1 na nobela ni richard brautigan, at "the contemporary reader," mga readings sa pop culture.
yol: oo nga, wasak. ayan, may ideya na ako para sa salita ng taon sa susunod na sawikaan.
wah! saang booksale yan? kasi gusto kong mag-BookSale hopping. uy kael salamat talaga sa wasak collection na yan. plano ko dagdagan ng iba kong paborito at papa-bind ko para may huhugutin ako parati sa bookshelf ko na magandang tula. hihi. salamat ulit! - twinkle
twinkle: sa booksale sa may gateway, 'yung sa may kfc sa labas. at wasak talaga ang wasak na 'yun, wasak na wasak. gawa ka rin ng wasak na collection tas paemail din!
sa wakas tagal kong hinitay na makita ang hilatsa ng mukha mo at nabanaagan ko na rin sa lamay ng anak ni Sir Vim, gusto sana kitang kamayan, nahiya lang po ako. Pero natutuwa na ako na nakita kita. --Kiko
Astig men. Nakabili ako dati sa booksale ng 2 northon anthology of American Lit. Kasing kapal siya ng Norton Antho of Crit kaso hindi hardbound. 150 lang bwahahaha! Panalo talaga booksale, men.