May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
'Yun lang. 'Yung hypermasculine na ako gustong sabihin na Fight Club ni Chuck Palahniuk ang gumawang ganito sa akin, kaso, 1) hindi naman hypermasculine ang pagbabasa ng libro, kaya self-defeating ang hirit na 'yun; at 2) bading si Palahniuk.
Kaya siguro babalikan ko na lang 'yung binili ko noong freshman ako: noon, nagkakahalaga 'yun ng P315. May 300 pa sa ATM ko, natitira galing sa stipend; may P50 sa wallet ko. Sa SM North ko nabili 'yun, at hindi ko na mahanap ang kopya ko ngayon, leche. 'Yun 'yung Veinte Poemas de Amor y Una Cancion Desesperada ni Pablo Neruda. Dahil lahat tayo dumaan sa pagkabata.
2. One book you have read more than once.
Hmm. Pag libro kasi ng tula, paulit-ulit ko talagang binabasa para ma-internalize 'yung estilo ng makata. Ang unang tumatatak sa isip ko e 'yung Human Wishes ni Robert Hass. Sabi niya, sa tulang Natural Theology:
"...exactly the half-moon holds, and the city twinkles in particular windows, throbs in its accumulated glow which is also and more blindingly the imagination of need from which the sun keeps rising into morning light, because desires do not split themselves up, there is one desire touching many things, and it is continuous."
3. One book you would want on a desert island.
Ang ibig sabihin nito, ano 'yung isang librong gusto mong mamemorize. Kasi kung wala kang kasama, wala kang kausap kundi halaman at mga mailap na ibon, siguro, siguro lang gugustuhin mong may isang librong bibigkasin mo nang paulit-ulit. Para siguro marinig mo ang sarili mong tinig, para hindi mo makalimutan ang boses mo. O para ituro sa mga halaman at ibon ang tunog ng salita.
Teka, ang hirap naman.
Siguro 'yung Etsa Puwera ni Amang Jun Cruz Reyes. Wala lang. Kasi mahaba 'yun, e, kaya siguradong matagal-tagal bago maka-isang round ako ng pagbasa sa kanya. At dahil kung napunta ako sa isang isla nang walang kasama, na-etsa-puwera na rin ako.
4. One book that made you laugh.
'Yung huli kong nabasa na nagawa ito, 'yung Long Way Down ni Nick Hornby.
5. One book that made you cry.
'Yun lang. Hmm. Nangilid ang luha ko sa Book of Illusions ni Paul Auster at sa My Sad Republic ni Gamalinda at sa The Sicilian din ni Mario Puzo. Pero Umatungal-baka ako sa The Little Prince ni Antoine de Saint-Exupery. Dahil nga lahat naman tayo e dumaan sa pagkabata.
6. One book you wish had been written.
Ang astig siguro kung mayroon pang pagpapatuloy 'yung His Dark Materials Trilogy ni Philip Pullman.
7. One book you wish had never been written.
Ewan. Naknamputa, wala ngang pakialaman, di ba?
8. One book you are currently reading.
'Yung How We Are Hungry ni Dave Eggers. Kaya lang putangina hiniram kagabi ni Joel, e. Siguro lasing ako, o na-hypnotize, kaya ako pumayag na ipahiram.
9. One book you have been meaning to read.
Ngyehehe. Marami, mga kailangan ko para sa klase ko sa Kritisismo at sa Pelikula. Sabi ko sa sarili ko, maglalaan ako ng panahon-- siguro anim na buwan hanggang isang taon-- para basahin 'yung Norton Anthology of Literary Theory and Criticism. Pero bago 'yun, kailangan ko muna ng pambili, di ba?
10. Tag five people for this meme. I won't be upset if you don't do the meme. But I'll be really happy if you do!
Sige. Dahil na-tag na Maita sina Yol at Naya, si Cholo, si Joel, si Waps, si Carl, at si Kumander na lang.