May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
what it takes
Sunday, February 25, 2007
1.
Kagabi, nagkukuwentuhan kami ni Kumander tungkol Aerosmith. Astig sila, sa tingin ko; nasira lang sa paningin ng karamihan dahil du'n sa kantang nasa soundtrack ng Armageddon, 'yung "Don't Want to Close My Eyes." O siguro hindi dahil sa mismong kantang 'yun, pero dahil ni-remake ni Regine Velasquez 'yung kanta. Basta.
So ayun nga-- kuwentuhan tungkol sa Crying, Crazy, Amazing. Tapos nabanggit ko 'yung Angel at Blind Man at siyempre 'yung Janie's Got a Gun. Pero sabi ko, paborito ko pa rin 'yung "What it Takes."
E hindi alam ni Kumander, kaya ipinakanta niya sa akin. Nakakagulat/nakakatuwa na kabisado ko pa rin ang lyrics ng kantang 'yun.
Ngayon lang, bago ko ito isulat, naisip kong matagal-tagal ko na ring hindi naririnig ang "What it Takes." Inilagay ko sa "All Audio" 'yung Winamp, na nakarandom-play mode. Maraming kanta sa hard drive ko, mga 22-gigabytes worth. Sa halip na kung alinman sa mga limang libong kanta sa loob ng computer ang tumugtog, pag-double-click ko, "What it Takes" ang tumugtog. Tangina ang weirdo, mehn. Kakaiba. Baka may super powers ako. Baka puwede akong mag-audition sa Heroes Season 2.
Ay, artista nga lang pala 'yung mga 'yun.
2.
Natapos nang (medyo) maaga 'yung klase namin sa Panunuring Pampanitikan ng Pilipinas para sa semester na 'to. Nakakapagod 'yung klase, pero nakakatuwa rin; ang dami kong natutunan.
Pangunahin sa mga natutunan ko: hindi talaga akmang magpumilit tayong maglapat ng Western frameworks sa pagsusuri ng mga akdang Pilipino. Sabi ko nga, para kang sumusukat ng tubig gamit ang medida. At huwag na tayong mag-ilusyong may "universal" na paraan ng panunuri. Sabi pa ni Isagani Cruz sa The Other Other: Towards a Post-Colonial Poetics, "Through Western hegemony, eurocentricity perpetuates itself by insuring that non-Western theorists, by thinking like Western theorists, are alienated from their own indigenous critical traditions."
Huling sanaysay na tinalakay namin 'yung kay Lumbera, tungkol sa ideya ng "Dating." Nakalimutan ko na 'yung mismong pamagat nu'ng sanaysay, e. 'Yung tunay na framework na aangkop sa Panitikang Pinoy, sabi niya, may kinalaman sa Dating; sa kung paanong tinatamaan ng akda 'yung mambabasa sa nababasa niya, sa kung paanong tumatawid galing sa may-akda tungo sa mambabasa hindi lang ang dalumat, pero pati rin ang damdamin. Affective. Hindi lang formalist, kasi hindi total adherence to the text. May pagsasaalang-alang sa mambabasa. Malakas ang historical roots, dahil nga sa kasaysayan natin ng oral literature-- parang hinahanap natin ang immediate impact ng isang akda.
Nakakatuwa kasi magmula nang magsimula akong magturo, tuon ko na 'yun. Miski ba bago pa nu'n, nu'ng magsimula akong magsulat. Hinahanap ko na 'yung dating ng tula. Ang galing na nasabi na pala ni Lumbera 'yun, dati pa. Siguro nga Pinoy na Pinoy ang framework na 'yan.
Susubukin kong gamitin 'yang usapin ng Dating (kasama 'yung ideya ng Secrecy ni Vince Rafael) para isulat ang final paper ko dito sa Panunuring Pampanitikan. Hopefully magawa ko siyang malaking bahagi ng magiging thesis ko.
Siyet, ang geeky ko. Nakalimutan ko na hypermasculine nga pala dapat ako, at hindi dapat nagpapakita ng excitement sa mga bagay tulad ng Panitikan.
Tara, wrestling na lang tayo.
3.
What It Takes Aerosmith
There goes my old girlfriend And there's another diamond ring And of all those late night promises I guess they don't mean a thing So baby, what's the story? Did you find another man? Is it easy to sleep in the bed that we made? When you don't look back I guess the feelings start to fade away
I used to feel your fire But now it's cold inside And you're back on the street like you didn't miss a beat, yeah
Tell me what it takes to let you go Tell me how the pain's supposed to go Tell me how it is that you can sleep in the night Without thinking you lost everything that was good in your life to the toss of the dice Tell me what it takes to let you go.
Girl, before I met you I was F-I-N-E Fine But your love made me a prisoner And my heart's been doing time You spent me up like money, Then you hung me out to dry It was easy to keep All your lies in disguise 'Cause you had me in deep with the devil in your eyes
Tell me that you're happy that you're on your own Yeah, yeah, yeah Tell me that it's better when you're all alone Tell me that your body doesn't miss my touch Tell me that my lovin' didn't mean that much Tell me you ain't dyin' when you're cryin' for me
(Chorus)
Tell me what it takes to let you go Tell me how the pain's supposed to go Tell me how it is that you can sleep in the night Without thinking you lost everything that was good In your life to the toss of the dice? Tell me who's to blame for thinkin' twice No no no no 'cause I don't wanna burn in paradise Ooo Let go, let go, let go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go, let it go I don't wanna burn, I don't wanna burn
4.
Naengage sa isa't isa ang dalawa sa pinakamatalik kong kaibigan. Pitong taon na silang magkarelasyon. Ang ganda nu'ng singsing.
Nakakatuwa. Pag nakakaharap ko 'yung ganitong mga pangyayari, 'yung ganu'ng kalawak na pag-ibig, o pag-asa, o anumang di-mapangalanang phainomenon, parang biglang gusto kong maniwala na may mas malaking rockstar na nagpapatakbo sa kosmos, at hindi lang random ang lahat. O, sabi nga ni Levinas, "In the face of the Infinite, the finite becomes transcendent." Parang biglang nabibigyang paliwanag 'yung mga bagay na di maipaliwanag, dahil sa simpleng dahilan ng pagkuyom ng dibdib mo, dahil alam mong totoo, totoo 'yung nararamdaman mong tuwa. O pag-ibig, o pag-asa. Pero ano ba ang alam ko sa mga ganyan? (Hypermasculine ako, di ba?)
Ewan. Marami talagang dapat pagtakahan sa buhay. Pero may mga bagay na wala na akong ibang masabi kundi, "Tangina, basta." Tangina, basta, natutuwa ako, at congratulations sa kanila.
5.
Marami akong inaasikaso. Basta, pagkatapos ng lahat nang 'to, inom tayo, a? At wrestling na rin, dahil hypermasculine ako, e.
sabi ko pa naman sa sarili ko, tagal ko na nagbabasa ng blog ni mike parang di pa niya ko nabanggit kahit minsan pero sige basa lang ako...salamat! mahal kita..alam kong alam mo yun! :)
alam mo, nang malaman ng mga bading kung ano ang hypermasculine, ginaya nila ito. tingnan mo sila: naka-biker costume, nagba-body building, nagsusuot ng mga damit na parang kulambong nilagyan ng kuwelyo, sumasakay sa kabayo at humahabol sa mga baka. sabi nga ni mitch, paano ba talaga maging lalaki ngayon?
'nald: ay oo! at ampopogi pa nu'ng mga mamang nakaharley davidson. yumyumyu... teka, hypermasculine nga pala ako.
melai: sa totoo lang gusto ko sanang banggitin ang pangalan ninyo ni allan, kaya lang 1) may iba akong kakilala na "allan lopez" din ang pangalan, at kilala rin ng karamihan nang nagbabasa nito, kaya baka magkalituhan; at 2) hindi ako sigurado kung okey lang na iannounce ko, o gusto ninyong kayo ang mag-announce sa mga tao. anyway, congrats, at mahal din kita!
yol: hindi nila kayang tigasan sa chicks. di nila magagaya 'yun. pero tangina, di ba, mabuti pa kumain na lang tayong lahat ng tae. tae ng kalabaw, na natuyo sa araw. parang chocolate cake. yumyumyum.
pero seryoso, 'yun nga ang punto ko-- tongue-in-cheekness at sarcasm dito sa mga dichotomies na inihahain ng gender. bagaman lalaki pa rin ako, a. machong-macho. rawr.
I'll take you up on the wrestling though. Tena't magpraktis ng mga arm bar at full mount ground n pound. Mmmmm, pwede!
At ano tong DnD ek? Panumbalik ba yan sa geeky hayskul days o rehabilitation attempt sa Chupacabraz?
Tol, seryoso ako dun sa pagbenta ng Heavy Metal pedal ko. Patulong naman.
-- KARL PS Yes, it's transcendent. Just like me finding this guy last week who makes power boxes for pedals. Solved all my power problems in one fell swooooop. Ang saya saya! Ayoko nang magtrabaho!
Pare, siyempre ang pinakawasak sa Aerosmith eh yung mga videos nila dahil sa dami ng "eye candy" na isinasama nila rito hehehe!