May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
huli man daw at magaling, umuutot pa rin (o: sige na nga, pahabol)
Friday, April 06, 2007
Anyaya
Kung nais mong tanganan ang liwanag, subukin mo. Pigilan ka kaya ng batong nagmumukmok sa sulok? Naiinggit kaya ito? Kung nais mong tanungin ang mga talulot, Saan nagtutungo ang kulay ng inyong dugo tuwing umaga?, kung nais mong pumikit sa tuwing masusugatan, kung nais mong humuni nang parang ibong humampas sa nakapinid na bintana, bakit hindi? Subukin mo. Sapagkat ang hangin, malawak at ligtas, ay malalakbay mo pa rin. Sapagkat ang bato, kung nagkukubli sa anino, ay payapa sa pagkakakubli nito; sapagkat ang mga talulot ay hindi nagdurugo kundi nakikisalo sa pagtatampisaw ng madaling-araw. Sapagkat ang liwanag ay naaangkin sa pagtitig lamang.
bayaw, wasak talaga. isa sa pinapakagusto ko 'to. ganda ng bagsak ng "Sapagkat ang bato, kung nagkukubli sa anino,/ ay payapa sa pagkakakubli nito;". tama 'yan pala. intpowrimo talaga kung nasa pilipino yung tula. salamat sa pagsali dito.
bayaw, wasak talaga. isa sa pinapakagusto ko 'to. ganda ng bagsak ng "Sapagkat ang bato, kung nagkukubli sa anino,/
ay payapa sa pagkakakubli nito;". tama 'yan pala. intpowrimo talaga kung nasa pilipino yung tula. salamat sa pagsali dito.