May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
salin
Thursday, September 13, 2007
1.
May bago akong hobby. Sa totoo lang, matagal na akong pumipitik-pitik ng mga proyekto nito, pero lately pinag-aaralan ko na ang teorya sa likod niya at naglulublob na rin ako at seryosong nagsasalin para sa kung sinun-sino.
Isa sa mga malalaking bentahe ng pagiging hybrid ng kultura natin ito-- ang kakayahang magsalin. Alam ko si Sem may pinoproyektong pagsasalin ng mga kontemporanyong tulang Amerikano sa Bikol. Kahapon, binasa ni Yol sa isang salu-salo para kay Ma'am Beni ang salin ni Badong Biglaen ng tulang "Schoolville" ni Billy Collins. Nariyan din ang sikat na salin ni Mark Angeles ng ikadalawampung tula ni Pablo Neruda sa Veinte Poemas de Amor y Una Cancion Desesperada. Marami pang iba.
2.
Pero mas interesado ako sa kabaliktaran-- ang pagsasalin ng mga akdang Filipino sa Ingles. Ilang linggo pa lang ang nakakaraan, nakatsamba akong makabili ng kopya ng Ploughshares kung saan lumitaw ang salin ni Jose Edmundo Ocampo Reyes ng "Pasyong Mahal ni San Jose" ni Pete Lacaba. Naisip ko, bangis di ba?
Kasi, isipin ninyo: kaya lang sumikat (globally) sina Milosz, Szymborska, at Zagajewski e dahil sa mga salin ng tula nila mula sa Polish. (Kailangang pag-usapan sa ibang entry ito-- kung paanong mas parallel ang mga karanasang Silangang-Europeo sa karanasan natin, at dapat naglulublob tayo sa panulaan nila, at hindi maya't maya kung humugot ng estilo mula sa Amerika. Pinag-usapan namin ni Larry ito habang nagyoyosi noong isang araw, pati na ang mga ideya ni Kundera tungkol sa fiction.)
3.
Kung hindi pala kayo pamilyar sa gawa ni Zagajewski, heto ang isang halimbawa:
Fever Adam Zagajewski
Poland like a dry fever on the lips of an émigré. Poland, a map pressed by the steam irons of long-distance trains. Don't forget the taste of the first strawberry, rain, the scent of wet lindens in the evening; heed the metallic sound of curses; take notes on hatred, the sheared coat of alienation; remember what links and what divides. A land of people so innocent that they cannot be saved. A sheep praised by a lion for its right conduct, a poet who always suffers. Land without sting, confession with no mortal sins. Be alone. Listen to the song of an unchristened blackbird. The raw scent of spring is flowing, a cruel sign.
trans. Renata Gorczynski
Tang-ina, di ba?
4.
At ang galing, galing talagang proyektuhin ang pagsasalin, kasi hindi naman kailangang eksakto ang translation. May ibang mga teorya na nagsasabing anumang tangkang pagsasalin e, essentially, isang act of reinvention. Kunwari, ganito. Ang galing niyan, bok. Parang binalot ng tinik ang dibdib ko nang binabasa ko.
Pero siyempre hindi naman puwedeng lahat tayo maging ganyang kawasak. May paraan din ng pagsasalin na naghahabol ng katapatan sa akda. Kani-kaniyang trip din, bok.
5.
Anyway, ayun-- kaya sumikat ang mga non-English-speaking poets e dahil sa translation. E ang daming magaling tumula na exclusively sa Tagalog lang tumutula; gayundin sa iba pang rehiyonal na mga panulaan. So ayan-- inaanyayahan ko ang lahat na magsalin nang magsalin nang magsalin ng mga akdang Filipino-- alinman sa mga rehiyunal na wika-- sa Ingles, tapos ipakalat natin sa kung saan-saan, ipasa natin sa mga journals sa Ingles, at simulan nating sakupin ang mundo.
ang galing ng timing. may natangap akong ilonggo-english dictionary nung kelan lang. plano ko sa december, maghahanap ako sa archives ng UP Iloilo at susubikang magtranslate. yun lang po. bow.
kilala mo si darwin? anyway, may sybject syang translation sa MFA sa DLSU. pero from a foreign lang to a dialect. tinulungan ko sya sa ilonggo translations nya, sarap din. parang ang sarap magtula sa ilonggo kasi malambing kaagad. hahaha. pero i lack the vocabulary. hehehe
ang galing ng timing. may natangap akong ilonggo-english dictionary nung kelan lang. plano ko sa december, maghahanap ako sa archives ng UP Iloilo at susubikang magtranslate. yun lang po. bow.
kilala mo si darwin? anyway, may sybject syang translation sa MFA sa DLSU. pero from a foreign lang to a dialect. tinulungan ko sya sa ilonggo translations nya, sarap din. parang ang sarap magtula sa ilonggo kasi malambing kaagad. hahaha. pero i lack the vocabulary. hehehe