May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
para sa akin
Monday, September 10, 2007
1.
Hindi mo naman siguro ako masisisi kung matagal tayong hindi nakapag-usap. Marami lang talaga akong inasikaso, maraming ginawa, maraming nangyari; siguro nabalitaan mo na 'yung iba du'n.
Ang totoo, marami na akong dapat ikuwento sa iyo, pero hindi ko lang mahanap ang panahon para magkuwento. O siguro mas pinili kong gumawa ng ilang bagay, pag-isipan ang ibang mga bagay na parang wala naman talagang katuturan, pero hayun, sabi ko sa sarili ko, paminsan-minsan dapat naman pinagbibigyan ko ang sarili kong gawin at isipin 'yun. Bago ang awarding inisip ko kung ano ang isusuot ko, pagkatapos ng awarding, madalis kong silipin ang medalya para tiyaking pangalan ko nga ang nakaukit sa likod nu'n. Walang biro, at mahaba ang paliwanag (siguro para sa ibang usapan na ang kuwento tungkol dito,) pero naniniwala talaga akong tsamba ito. Ilang linggo naman matapos ng awarding, may kabiguan ding dumating, at siyempre nilubluban ko rin 'yun nang kaunti. (Sabi ko sa iyo, tsamba talaga, e.) Kaunti lang, seryoso. Ewan. Siguro sadyang hindi lang ako malungkuting tao.
2.
Ang tagal na rin pala nating magkakilala, 'no? Alam mo, isa ka sa mga una kong kinuwentuhan noong napaaway kami sa Select. Naaalala mo pa 'yun?
Setyembre 'yun ng nakaraang taon. Sabi pa namin dati, babawi kami; kapag lumipas ang anim na buwan at galit pa rin kami, gagawa kami ng paraan para makabawi. Alam namin ang plaka ng auto nila. Hahanapin namin sila at durukutin ang mga mata at babasagin ang mga tuhod.
Setyembre na ulit. Hindi ko alam kung duwag kami, o sadyang mapagpatawad lang.
3.
Salamat pala sa pagbati. Ang totoo matagal din akong hindi nakasulat-- sabi ko nga, medyo marami ring ibang inisip at inasikaso. Pero kagabi, sa wakas, nakapagsalita akong muli. Mamaya, ipababasa ko sa iyo, pero sa atin lang muna, a. Nahihiya rin kasi akong magpabasa sa hindi kaibigan.
May mga gusto talaga akong ikuwento sa iyo, pero hindi yata ito ang tamang lugar para du'n. Sana sumapat na ang tula, at ma-gets mo na rin. 'Yung nasulat kong 'yun, ang totoo, dala na rin siguro nu'ng bahagyang kalungkutang nabanggit ko kanina.
4.
At ng bahagya ring kasiyahan: kagabi, habang nagchecheck ng email, nakarinig ako ng mahinang "ngew! ngew!" sa may paanan ko. Hininaan ko ang speakers at nakita: nanganak na pala si Egay, at dito niya ipinuwesto sa likod ng subwoofers ang mga kuting niya. Tatlo, lahat kamukha niya. Si Kitchie ang ama.
Naaalala ko pa dati: si Egay, uwi ni Ate dati mula sa isa sa mga pasyente niyang sa La Vista nakatira. Si Kitchie naman, napulot ko lang dito sa kalsada. Pang-telenovela ang buhay nilang dalawa, di ba? Heto pala ang litrato nila noong bata pa sila; pasensiya na, phone cam lang ang pinangkuha diyan.
Hindi ko makuhanan ng litrato ang mga kuting dahil nasa madilim sila, at nagagalit si Egay kapag ginalaw ko ang mga anak niya.
Mahaba-haba ring ligawan ang nangyari sa kanila ni Kitchie. Noong una, tangkang-gahasa pa ang ginagawa ni Kitchie. Siguro may isang gabing taglibog rin itong si Egay. Pumatol. Kaya ayan, ngayon, may anak na sila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin sa mga bata-- mahirap ring maglinis ng tae ng pusa, sa totoo lang. Siguro isang araw ipakakapon ko si Kitchie, o sisingitan ng contraceptive pills ang pagkain ni Egay. Sa ngayon, okey muna sigurong sabihing ang kyut, kyut, kyuuuut ng mga kuting nila.
5.
Ay, yung tula ko pala:
Liriko: Isang Pagpapakilala
Marahil ipinagtataka mo kung ano ang ginagawa natin dito. Hindi ko rin nasisiguro kung paanong nangyaring
ganito: Kausap kita, ngunit walang paraan upang makatugon ka. Pagtutuos sigurong maituturing ito. O pagtatapat,
itim na sugat sa papel na maghihilom lamang kung bubulong ka nang gamit ang aking tinig.
Hayaan mo akong magpakilala sa iyo: kapangalan ko ang pinakamatalik mong kaibigan, at kung minsan, ang pinakamarahas
na halimaw ng iyong pagkabata. Kung minsan, ikaw. Hilig kong pag-usapan ang kamatayan
at kasalanan, at kung tatanungin mo ako ukol sa pananalig, titingin ako sa malayo at hihinga nang malalim at sasabihing “Oo.”
O kung minsan, “Hindi,” depende marahil sa hihip ng hangin o sa kulay ng nagdaang takipsilim.
Paborito kong kulay ang abo, sapagkat minsan nanaginip akong naglulunoy sa isang ilog ng tuyong dahon
at may isang batong kumausap sa akin, naninimdim sa pagkakabilad sa init ng araw. Mahilig rin ako sa pusa, at sa ahas, lalo na
iyong mga kahuhunos lamang. Paminsan-minsan kung may dadapong bato -bato o maya sa kalawanging bubungan
ng aking kapitbahay, iniisip ko na lamang na uwak ito at sa wakas ay nakamtan ko na ang pinakamasidhi kong pangarap. Oo, hindi
pa kailanman ako nakakikita ng uwak. Sa isang nakaraang buhay maaaring bulag na pulubi ako,
nakahandusay sa harap ng simbahan, sa isa, maaaring usa o salagubang, maaaring insektong isinilang
at yumaong nakaipit sa pakpak ng isang tagak. Paminsan-minsan ay kaya ko rin namang magsalita
sa isang paraang mauunawaan mo, ngunit sa kasong ito, mas mahalagang magpakilala ako sa iyo:
Aaminin ko, hindi ko pa rin kayang pangahasang gamitin ang pangalang Makata. Huwag mo sanang mamasamain,
ngunit matagal na akong sumuko sa kapalarang kailanman ay hindi ko maririnig ang iyong tinig. Huwag mong mamasamain,
ngunit kung minsan, nagsusulat din ako para sa akin.
.
Ang totoo niyan, nakararami na rin ako mula nang magsimula uli akong lumublob magsulat, noong Mayo. Pero hindi ko lang inilalagay ang lahat dito. Sabi kasi ng iba, ang paglalagay ng tula sa blog ay parang pagsasalsal: kapag masyadong madalas mong ginawa, mamamaltos ang balat ng titi mo at kakaunti nang kakaunti ang ilalabas mo at balang araw, matapos kang mamatay, pupunta ka sa hell.
6.
Ikaw, kumusta ka? Magkuwento ka naman. Aabangan ko ang tugon mo.
.
.
UPDATE: Kailangan kong manghingi ng paumanhin sa mga tau-tao, lalo na sa mga nagcomment dito at sa kaibigang kumausap sa akin tungkol sa pagka... paano ba?... pagkainsensitive ng hirit ko tungkol sa pagpost ng tula sa blog at pagsasalsal.
May nagsabi rin kasi sa akin niyan, at siyempre, semi-naoffend din ako. Kung papansinin, puno rin naman ng sariling mga tula ko ang blog na ito. At 'yung mga ganitong uri ng hirit-- tama nga-- ay walang naitutulong sa pagyabong ng panulaang Filipino. Kapag pinigilan at/o minarginalize ang mga nagpopost ng tula sa blog, nacucurtail ang kalayaan na sana nga'y ibinibigay sa atin nitong blogging. At, mas malala, nasusupress ang creative output ng mga tao. Napipigilan ang pagdami ng mga makata, at bumababaw at lumiliit ang sakop nitong plurality na tinatawag nating Tula. 'Yun ang tunay na masama.
Higit pa rito, magandang may venue para i-subvert ang tumatakbong makinarya ng akademya ukol sa pagtula. To push the boundaries, sabi nga. At mag-revel sa play at differance (wow pare hebigats!). Itong mga blog na ang venue para du'n. Ayun. Sa mga kadahilanang 'yun, nanghihingi ako ng paumanhin.
Tula lang nang tula, at siyempre, kapag handa ka nang ipakita sa madla, post lang nang post. Sa mga nagsasabing pagsasalsal ito, sagutin na lang natin ng, Tangina ano ba ang masama sa pagsasalsal? O sa pagpipingger, kung babae ka?
natawa naman ako sa komento tungkol sa paglalagay ng tula sa blog, yung pagsasalsal ba, sus, eh mahilig akong magpost ng tula at tula at tula pa rin...siguro tanggal na ang ulo ng titi ko sa ganitong paghahalintulad bwahahahhahahaha.
noong isang araw, kinain ng pusa namin ang anak niyang lalaki. may narinig akong malakas na ngiyaw, tapos pagdating ko sa kanilang higaan nakita ko ang pusa namin, ibinabaon ang ngipin sa leeg ng kanyang anak. habang sumususo naman sa kanya ang anak niyang babae. wala akong maibigay na paliwanang.
makoy: tungkol sa "pagdukot ng ideas," ako, may tiwala naman ako sa mga dumaraan sa blog ko. at sa totoo lang, ano naman kung makakuha sila ng ideya rito, di ba? ikatutuwa ko nga 'yun. hehe. ibig sabihin nakatulong ako sa kanila, nakaimpluwensiya ang ng kung-sino ang gawa ko. kung may mga bagay na hindi ko gustong malaman ng mambabasa, o may bagay na gusto ko, *akin* lang, at ayaw kong kumalat, hindi ko inilalagay dito. haha. pero lahat nga siguro ng tao may kani-kaniyang paraan ng pagsasalsal. hehe.
Paano kung babae ang nagpost ng mga tula sa blog niya? Para rin ba itong pagsasalsal? namamaltos ba ang puki niya? lalo lang ba siyang lumuluwag? masasaksakan mo na ba sila sa wakas ng latundan?
Ang sabi naman sakin ng ibang tao, ang pagsasalsal daw ay parang pagpost ng tula sa blog: it's for free.
Nakakaadik ang pagbabate. May isang araw dati nung bata pa ako, hindi ako pumasok sa skul. Nagbate lang ako nang nagbate dahil kumain ako ng talaba at hindi ko maibaba si totoy. Sabi kasi ng tatay ko aphrodisiac daw ang talaba. Naniwala naman ako. 'Yun pala, malibog lang talaga ako.
sa maniwala ka't sa hnde, me alam akong insidente na kinopya ang tula mismo ng kakilala ko.. as in ang author ay ang plagiarist at inilagay sa blog nya rin.. bow.. hndi ako un..
nako kung ilalagay ko lahat sa blog ko bk maiskandalo lahat..
teka sino ba ngsabi na init ng katawan ang pagsusulat.. galing sa intro ng isang libro un e..
nga pala, jan sa pic, mukhang magka-size ang ring at pinky finger mo.. haha!
Sa pagkakaintindi ko nga, ang paggawa ng tula ay talagang pagsasalsal, dahil mula sa loob mo mismo ang pinanggalingan ng ano..hehe. Matatawag mo talaga na cream of your crop..
natawa naman ako sa komento tungkol sa paglalagay ng tula sa blog, yung pagsasalsal ba, sus, eh mahilig akong magpost ng tula at tula at tula pa rin...siguro tanggal na ang ulo ng titi ko sa ganitong paghahalintulad bwahahahhahahaha.