abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

walang
Tuesday, June 05, 2007
1.

Matapos magbayad ng halos tatlong-daang piso para sa whiskey na hindi ko naman ininom, at dahil prens tayo at oo nga kailangan ko nang mag-ahit, mayroon akong ipapangako:

Hinding, hinding, hinding-hindi na ako magsusulat tungkol sa basketbol sa blog na ito.

2.

Oo, totoo; ang totoo, kaya ilang linggo rin akong hindi bumalik dito e dahil nahihiya akong magpakita sa iyo. Kasi nga, sa napakaraming analysis at hirit at hula ko tungkol sa NBA Playoffs, walang tumama. Kung sugarol ako, malamang nakapagsanla na ako ng labing-anim na daliri, isang bayag, at dalawang kilong buhok sa kilikili para mabayaran ang utang ko. Pero hindi naman ako sugarol, kaya okey lang.

3.



Isa pang dahilan kaya hindi ako bumabalik masyado rito e nakokornihan na ako sa template nito. Parang sawa na ako sa gray. O siguro, nasusuya lang sa pagka-gray nitong blog—parang kung dalawang taon kang hindi sumasablay uminom ng di bababa sa walong bote ng beer isang gabi, masusuya ka rin; hindi ‘yung tipong suya na ayaw mo nang uminom ng beer magpakailanman, pero ‘yung tipong gusto mong gawing minsan-sa-isang-linggo na lang ang pag-inom, o kung mapipilitan, hindi ka na lalagpas sa apat na bote. ‘Yung tipong minsan bibili ka naman ng Generoso Brandy, at Sprite, para lang maiba.

4.

Nitong mga huling araw, pinipilit kong magsulat ng paper, dahil nga may mga incomplete pa ako para sa M.A., at ipinangako ko sa sarili kong hindi ako mag-eenrol ngayong semestre nang hindi man lang nababawasan ‘yung incomplete na ‘yun. At maniwala ka, gusto kong mag-enrol. Gusto ko nang matapos itong M.A. na ‘to sa lalong madaling panahon.

Nagsusulat ako, kunwari, at nagbabasa nang maraming-marami. Gusto kong isiping babaguhin ng isusulat ko ang landscape ng kritisismo sa Pilipinas, tapos makakahanap tayo ng gamot sa karahasan tapos wala nang malulungkot kahit saan habambuhay. Asa pa ako, ‘no.



Anyway, magpapasukan na pero hindi ko pa rin nailalapat ang mga ideya ko, hindi ko pa nakokonsolidate sa utak ko. Pak dat siyet. Alam mo ‘yung pakiramdam nang parang may holen na nakasilid sa dibdib mo, tapos habang lumilipas ang panahon nagiging dalawang holen ‘yun, sampu, limampu, hanggang maging isang malaking-malaking pusa na gustong kumalmot ng daan papalabas sa lalamunan mo? Tapos gusto mo na lang matulog nang matulog dahil pag tulog ka walang deadline na tumutugis sa iyo? Ganu’n, p’re, ganu’n.

5.

Walang

Isinusulat ko 'to sa Notepad ngayon. Nang naramdaman kong baka malapit nang matapos ito, binuksan ko na ang blogger para mag-log-in. Pagbalik ko sa Notepad, 'yan--
walang-- ang huling salitang nakasulat. Hindi ko na maalala kung ano dapat ang mga salitang karugtong niyan, kung ano dapat ang isusulat ko. Basta, walang. Siguro magandang magtapos na muna ako dito.
posted by mdlc @ 6:52 PM  
2 Comments:
  • At 1:52 AM, Blogger Ronald said…

    Pucha ako rin sablay mga predictions. Tae talaga. Pero hindi naman natin kayang tumama palagi e kaya ok lang yan. Magaling ka naman magsulat tungkol sa basketbol e, yun ang mahalaga hehehe.

     
  • At 11:03 AM, Anonymous Anonymous said…

    huy mikael nagulat ako sa picture mo.. hahahahha! simula ba ito ng camwhoring?

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto