1.
Noong isang taon, nanalo ng NCCA Writers Prize si Jun Sungkit. Mukhang heto ang ibinunga ng kanyang tagumpay:
Ilang linggo na lang mababasa na ang nobelang Batbat hi Udan!
Mga Bagay na Maaring Unang Nagawa ng nobelang Batbat hi Udan
1. Kauna-unahang nobelang sinulat ng isang purong Higaonon. ANg tribung Higaonon ay nakakalat sa mga lalawigan ng Bukidnon, Agusan at Lanao.
2. Kauna-unahang nobelang nakasentro sa Bukidnon. Umiinog ang kuwento ng nobela sa mga lugar na namamaybay sa laylayan ng kabundukan ng Kitanglad.
3. Filipino ang pangunahing wikang ginamit sa nobela subalit marami ring Binukid ang ginamit rito. Binukid ang wika ng mga Higaonon. Malamang ang Batbat Hi Udan ang kauna-unahang nobelang gumamit ng wikang Binukid.
Malamang marami pa kayong matutulaklasan sa nobelang ito. Sa mga interesadong magkaroon ng kopya, mag-iwan lamang ng komento sa wordpress ni Jun. Maganda ring subaybayan ang blog niya para sa mga detalye.
2.
Mas napipinto naman ang paglulunsad ng libro ni Egay Samar:
Kita-kita tayo sa Martes, ika-27 ng Enero, 4:30-6:30pm, sa SocSci Conference Rooms 1 and 2 ng Ateneo. Matagal-tagal din nating inabangan ito. Tara.
(Egay, sorry, ayaw mag-upload nu'ng malaking litrato nu'ng palakip ng aklat mo.)
3.
Wala lang. Sa ibang balita, mukhang nagiging regular ang mga update ng Mondays are for Abandon, kaya kung may panahon ka, huwag mahiyang dumalaw. Labels: book, event, launch, literature, nobela |
salamat sa post, kael. kitakits sa launch. :)