May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
okay, so obama won
Wednesday, November 05, 2008
If I were American I guess I'd be happy. I mean, happy without qualification.
But I'm not, e. At bilang Pilipino, natatakot ako. Sa mga pangako ni Obama na: 1. Tax credit for companies that hire new employees in the U.S. ; at 2. Elimination ng tax breaks for companies who shift jobs off-shore.
Naiintindihan ko ang mga posisyon niya, at nakikita ko kung kung gaano ka-sound ito. Bilang desisyon ng Pangulo ng bansa niya. Kung gaano katama. Keep the jobs in America. Lalo na sa panahon ng krisis.
Pero. Bilang Pilipino. Natatakot ako sa mangyayari sa BPO Industry natin. Natatakot ako para sa di-mabilang na mga kaibigan ko, mga kaibigan na nasa call center, mga web-content writer, mga programmer at accountant at kung anu-ano sa mga offshore na firm. Nangangamba ako para sa mga pamilya nila na siguradong pilay kapag nakaltasan ng extra 15-25k, o higit pa, sa isang buwan. Para na rin sa ibang mga bagong graduate na mawawalan ng pagkakataong kumita nang maayos, kaagad, para makatulong sa mga pamilya nila. O para makaipon, para balang araw magawa nila ang totoo nilang gustong gawin sa buhay nila. Mahirap maghanap ng trabaho ngayon, alam mo naman, lalo na 'yung kayang magpasuweldo nang matino.
Alam mo 'yun, 'yung conflictedness na ganu'n? Na alam mong may tamang nangyari nang iboto ng Amerika si Obama. Pero. Ambot, 'ika nga nila. Kasi, di ba. Bilang Pilipino.
Oh well. Siguro nga kailangan na ring tumindig ng ekonomiya natin sa sarili nitong mga binti, 'no? Hmm.
im happy for america. im happy that they've moved out of the stigma of a redneck paranoid society and into the hopeful, idealistic democracy their forefathers spoke of in so many speeches of yore.
*i have a dream* said dr. King once. if our country's gonna move out of our own corrupt survival-of-the-fittest form of democracy we ought to do something about it right now.
the decline of the bpo industry in the hands of non-bush policy was inevitable. it's already been speculated on long before obama won. it's just that our political system is so caught up in so many other matters that they didn't really address this issue. or if they have, not to a sufficient extent. only time will tell if the offshore industries will be too negatively affected by obama's policies.
it's sad to think that our own economy is so dependent on the policies of another nation. just goes to show that we're still essentially colonialized (colonial/colonized, whatever, you get my point). the thing is, we've been looking to others for models for our own governance. the Filipino people are a proud race. And that is why we're often blind to our need. Need for change, need for revolution, reformation, for a more idealistic older people, and a more hard-working youth.
but fuck me stiff, because right now, as i am trying to call the civil registrar, some cranky office lady is filing her nails, chewing gum, and telling me to call another line (which i called yesterday morning and was not in fucking service). mabuhay ang Pilipino.
as for Obama, well, mabuhay. i hope he makes a fine example. i hope we all learn from him, and see to our people's own issues.
we really need to support and grow our own businesses here.
with my own business starting to grow, napapansin ko talaga na mas pinahihirapan talaga ng govt agencies ang mga local businesses than foreign ones.
Permits and official docs pa lang, kinukuwartahan na. Ultimo staple wire yata tinutubuan pa. Kada galaw ng negosyante kailangan may bagong permit may panibagong babayaran nanaman.
And for what? Wala namang naidudulot na real protection or service ang mga govt agencies na ito.
Kinailangan ko pa mag register sa BFAD. Katakot-takot na proseso at katakot-takot na bayaran para lang matapos. Okay lang sana kaya lang wala namang sapat na equipment at kakayahan ang BFAD na suriin nang mabuti ang mga produkto na tulad nang sa akin. Hanggang food lang at drugs ang pinaka-forte nila. So what's the point? Ano ang ibig sabihin ng lisensya ko galing sa kanila?
At ano ang point ng mga hayop na Makati City Hall inspectors na nang-bu-bully ng mga small businesses na gusto lamang sumunod sa batas at kumuha ng business license? Tinatakot pa ko nang kung anu-ano yun pala lagay lang ang gusto.
Lagay-lagay, buti kung may kapalit na profit sa bawat lagay mo. Pero bago ka pa makapagsimula sa business, naubos na ang kapital mo at naghahabol ka tuloy palagi.
Ang BIR. Don't get me started. Buwan buwan nagbabayad ako ng tax ayon sa nabebenta ko at once a year yung malakihang tax. Tapos, saan ba talaga napupunta? Wala naman silang sina-subsidize na programs na magpapadali ng pagnenegosyo dito sa Pilipinas.
At isa pa, yang mga malls na yan (lalo na Ayala) -- grabe manghuthut ng pera!! Tapos hindi naman pala ganun ka-lucrative ang market. Pero wala ka nang magawa kasi tali ka na sa puwesto for one year or else you lose yung pagkalaki-laking deposit na hinihingi nila. Ang bilis maningil, tapos walang suporta sa merchants and tenants and most of all, overinflated ang figures ng mga profits nila! Kung sa US or Europe ito, nakakulong na siguro ang mga Ayala.
Bullshit talaga. Kaya talo kaagad ang local businesses na walang at least 10 million pesos na kapital. Marami sanang problema na maso-solusyunan ng pagpapalago ng local businesses natin. Kaya lang karamihan ay only concerned with what they see at the tip of their noses.
idagdag na rin natin sa listahan ang mga bangko. nagdeposito kami ni erpatss sa HSBC kamakailan para makakuha ng libreng maleta (promo kasi e sayang naman ang ganda ng maleta). so okay nilagay ko sa money market ang pera ko para lumago ng kaunti at hindi ko maigastos. Tapos nung naka-sign na ako, binigyan nila ako ng additional paper listing down terms and conditions which weren't in the fine print of what i signed, and one of them is that if i choose to withdraw my deposit early there's a standard penalty (understandable), pero may kasamang clause na parang "or you could also lose your entire deposit and the bank is not liable." Puta diba, sentido komon lang na hindi mo pwedeng mawala ang buong deposito mo kahit gano pa man kalaki ang penalty. So after one day we withdrew our deposit, got fined a huge painful sum and sued their asses.
Let's stop bitching and ranting and not doing anything about it. Spread the word! Fight the system! Fight corruption! Change the nation! Kick those corrupt government official asses to kingdom come!
pero kakayanin naman kaya ng Pilipinas ang tumayo mag-isa?
isang malaking dagok sa bansa kung saka-sakaling direktang maapektohan ang Pilipinas ng mga pangako ni Obama
http://fjordz-hiraya.blogspot.com