May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
Hindi pa lumalabas ang opisyal na PR pero dahil marami na ang nangungulit, narito na ang listahan ng fellows sa 8th National Writers Workshop. Bilang wokrshop director, masasabi kong opisyal na ito, maliban kung may fellow na magbackout dahil hindi maaari sa Oktubre 19-25, kung kailan gaganapin ang workshop sa loob ng campus ng Ateneo. Iniisa-isa ko nang tawagan ang mga ito (may ilan na hindi ko pa rin makontak sa ibinigay nilang number hanggang sa ngayon):
Tula
1. Jan Brandon L. Dollente (Las Piñas; ADMU) 2. Francisco Monteseña (Angono, Rizal; Unibersidad ng Silangan-Caloocan) 3. Randel C. Urbano (Quezon City; UP Diliman)
Maikling Kuwento
1. Anna Marie Stephanie S. Cabigao (Quezon City; UP Diliman) 2. Bonifacio Alfonso Javier III (Bacoor, Cavite; UP Diliman) 3. Marinne Mixkaela Z. Villalon (Quezon City; UP Diliman)
Poetry
1. Genevieve Mae Aquino (Quezon City; UP Diliman) 2. Arlynn Raymundo Despi (San Mateo, Rizal; UP Los Baños) 3. Wyatt Caraway Curie Lim Ong (Malabon; ADMU)
Short Story
1. John Philip A. Baltazar (Cagayan de Oro; Xavier University) 2. Monique S. Francisco (Pasig City; ADMU) 3. Krisza Joy P. Kintanar (Davao City; UP Mindanao)
Pagbati sa lahat ng fellows na napili mula sa maraming nagpasa! Kitakits sa workshop!
Pagbati nga sa lahat nang nakapasa. At sa mga hindi natanggap, pakatatandaan lang na hindi lang mga ganito ang sukatan ng pagtula. Rakenrol lang palagi.