abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

June
Thursday, August 14, 2008

Alam mo may mahabang entry na nabubuo sa isip ko kanina, e. Pero medyo ngarag ako, kaya naisip ko, sa isip ko na lang muna siya.

Kaya kita binubulabog ngayon-- as usual-- e dahil sa tula. Nalaman ko ito dahil sa isang entry ni Annette.

Basically, may isang tula, at ipinalilibot 'yung tulang 'yun sa buong mundo, isinasalin. Tungkol ito sa pagbilanggo sa mga political dissidents ng China. At oo, may kinalaman ito sa Olympics-- dapat ibabato ang mga translation kay Hu Jintao in time for the opening. Sayang nahuli ako sa balita. Tapos na tuloy.

Teka, alam mo, talagang mas maiintindihan mo kung babasahin mo ito. Maigsi lang 'yan, kahit i-scan mo lang.

Anyway, ito 'yung tulang astig:

June
Shi Tao

My whole life

Will never get past "June"
June, when my heart died
When my poetry died
When my lover
Died in romance’s pool of blood

June, the scorching sun burns open my skin
Revealing the true nature of my wound
June, the fish swims out of the blood-red sea
Toward another place to hibernate
June, the earth shifts, the rivers fall silent
Piled up letters unable to be delivered to the dead

Translated to English from Chinese by Chip Rolley.

*

At heto 'yung translation ko:

Hunyo
Shi Tao

Ang buong buhay ko

Ay di lalagpas ng "Hunyo"
Hunyo, nang yumao ang aking puso
Nang yumao ang aking mga tula
Nang ang aking irog
ay yumao sa isang sapa ng dugo ng pag-ibig

Hunyo, binibiyak ng nagliliyab na araw ang balat ko
Binubuklat ang katotohanan ng sugat na ito
Hunyo, lumalangoy ang mga isda tungo sa dagat na singpula ng dugo
Tungo sa ibang lupalop upang humimbing
Hunyo, kumikislot ang lupa, nananahimik ang mga ilog
Natatambak ang mga liham na di maihatid sa mga yumao

Translated to Filipino from English by Mikael de Lara Co

Tara lahat tayo tara. Gawa tayong translation.

UPDATE: Nandito pala 'yung ibang mga Filipino translation.

Labels: , ,

posted by mdlc @ 7:51 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto