abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

mondays are for abandon
Tuesday, June 24, 2008
Was out with the Monday Club. Drinking, of course, and writing. The barkada's been experiencing a revival of sorts-- away from the admittedly self-conscious affectations of Happy Monday Poetry Readings at Mag:Net Katipunan, and back to the dingy, cheap-beer comfort that had us all looking forward to Mondays in the first place. The past few Mondays have brought back the poetry, the gumption, the intimacy of the original Monday Club from '04. Astig. Buti na lang tinamaan ng nostalgia si Pancho. Siya ang may pakana ng renaissance na ito.

Iba pa rin 'yung pumupunta talaga du'n 'yung mga tao para sa tula, 'yung tropa mo 'yung kasama mo at sigurado kang interesado sila sa isinulat mo, dahil may pakialam sila sa tula at sa iyo, dahil nandu'n kayo talaga para pakinggan ang isa't isa, 'yun, iba 'yun, e. 'Yung respeto na ibinibigay ng mga umiinom sa isa't isa kapag tapos na ang exercise, the hush kapag babasahin na namin sa isa't isa ang mga gawa namin, iba talaga 'yun. Nakakagana lalong magsulat.

Arkaye was there. Missed the guy-- last time I saw him, he was challenging everyone (well, Waps and I) to a bout of arm-wrestling. I think he's the best poet-- bar none-- in the country today. After a couple of rengas (which, if I might say, weren't so bad at all,) we got down to the night's exercise: a variation of the pass-a-line-to-the-left exercise we did at Waps's duende-charged house a week or so ago. It was raffle-a-line tonight, and Pancho the Younger, Heights' Art Editor, picked mine: "To travel that far they had to walk on water." He was a bit reluctant to try his hand at poetry, so he used it as jump-off point for a pen-on-legal-pad artwork instead. Galing din. I hope he does it on a more, uhm, apt medium and he gets to publish/show it somewhere.

I picked Arkaye's line. Medyo matindi-tinding pahirap ang ginawa nu'ng linya sa akin; di ko alam kung seryoso siya o gusto lang pagtripan kung sino man ang makapili nu'ng linya niya, haha. I'd smoked two cigs and was halfway through a bottle of beer when I decided, "Tangina, to hell with it. Sasakyan ko na lang ito. Bahala na kung saan ako dalhin ng ritmo nu'ng mga linya."

So sinakyan ko na nga lang. Di ko naman matapik ang sarili kong likod para sa nasulat ko-- hindi ako sobrang saya dito, e. But it was a fun exercise. I hope everyone posts theirs, especially Joel and Sasha-- kinilabutan ako sa mga gawa nila. Next week ako ang maghohost ng Happy Mondays Poetry Reading sa Mag:Net; daan kayo. Details to be posted in Joel's blog later this week.

*

Kairos

I am a virgin.
I am the solemnity of chapels,
the echoing birdcall at morning,
the bruised sky at twilight,
a bat in solitary flight.
I am a shriek bouncing off stalactites, a song
calling from a shadow-ridden door,
a voice from an attic,
the circular dance of memory
and flame. I am forgetfulness, a wick
flickering and failing like a hundred sorrows.
I am a word, and spoken
I am the bleeding that blossoms
from a lie. I am a petal,
I am the wind stroking a petal,
the sparrow borne of wind.
I am the seed the sparrow feeds on,
the earth calling home the sparrow
after a day of piercing hale.
I am a wound on a palm pressed to earth,
I am the earth's many fingers
carressing its orbit, I am the silence
of flaring suns. I am light
entering a room uninvited.
I am a window. I am you
looking out at me, the kosmos
offering itself, this moment yielding
like a virgin's swollen heart,
my rhythm yours for the taking.
posted by mdlc @ 3:38 AM  
3 Comments:
  • At 7:07 PM, Blogger cheLot said…

    magbabasa ba si peachy sa monday?

     
  • At 3:27 AM, Blogger mdlc said…

    hindi ko alam, e; si joel ang nag-aayos ng lineup. sabihin ko sa kanyang imbitahin si peachy para magbasa.

     
  • At 12:15 AM, Blogger Ria Jose said…

    Very nice poem, as always. :D

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto