May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
"Before the game, I was going through a lot, especially not playing well on the road. I talked to Ray [Allen] about 20 minutes before the game. "Just let the frustration go." He told me I could still be a threat."
That was Rajon Rondo, who's been an unsung hero throught this season for the Celtics. I've always thought that a star-laden team wouldn't succeed without an enforcer in the paint and a capable point guard. Today, Rondo was more than capable: 21 points, eight assists, seven rebounds, six steals, and just one turnover.
I know that I predicted the Lakers to take the title in seven, but what can I say. I'm glad I was wrong. Sabi ko nga-- nasa Celtics ang puso ko dito. Medyo nahihiya nga ako that I didn't believe enough.
Isa pa, this is the last straw para sa akin. Naaasar na ako kay Gasol. I've always liked him for his soft touch and his passing skills. Pero hindi ko na talaga masikmurang maging fan ng isang big man na walang puso at walang bayag. Tangina. Hindi lang pala shooting touch ang soft sa kanya.
So there. What I know I've seen from clips and stories on the internet. Can't wait to watch the replay tonight.
*
In other news-- di ko namalayan, napirmahan na pala kahapon 'yung Law Exempting Minimum Wage Earners from income tax. Galing sa kolum ni bosing na lalabas sa Abante bukas:
"Sa kongkretong pagkukunwenta, madaragdagan ng P750 kada buwan ang kita ng ating mga minimum wage earners. May dagdag na P34 kada araw ang isang manggagawa sa Metro Manila na kumikita ng P7,900 kada buwan. Maaari na niya itong gamitin para sa pangangailangan ng kanyang pamilya: pambili ng isang kilo ng baboy kada linggo, gamot, lapis, notebook, libro ng kanyang mga anak, at iba pang pangangailangan.
"Dagdag pa rito, hindi na rin kakaltasan ng buwis ang lahat ng holiday, night differential, hazard at overtime pay. Tinaasan din ng bagong batas ang personal exemptions ng ating mga suwelduhang mga manggagawa. Ang isang empleyado na kumikita ng P455 kada araw o P10,010 kada buwa’y magkakaaroon ng dagdag na take-home pay na P472.59 kada buwan kung wala pa siyang asawa, Umaabot ito ng dagdag na P5,671.01 kada taon.
"Kapag head of the family naman siya, aabot sa P678.50 kada buwan, o P8,142.04 kada taon ang dagdag niyang maiuuwi. At kung may-asawa at may apat na anak naman siya, papatak ng P580.92 kada buwan, o P6,871.02 kada taon ang dagdag niyang sasahurin.
"Ang isang empleyado namang kumikita ng P683 kada araw o P15,026 kada buwa’y magkakaroon din ng dagdag na take-home pay. Kung unmarried siya, ang dagdag ay P545.26 kada buwan, o P6,543.10 kada taon. Kung head of the family, ang dagdag ay P1,307.18 kada buwan, o P15,686.20 kada taon. At kung siya nama’y may-asawa at apat na anak, ang dagdag ay P1,190.52 kada buwan, o P14,286.20 bawat taon."
So astig din 'yan. Sponsor si Sen. Escudero, na head ng Committee on Ways and Means sa senado at principal author naman si Mar Roxas ng batas na ito. Maganda ang omento nitong nakaraang mga buwan-- naipasa ang Affordable Meds, at ngayon, 'etong Minimum Wage Tax Exemption. Sana lang magtuloy-tuloy ito para maipasa na rin ang Suspension of the VAT on Oil bill. At sana, sa pagdating ng panahon, pati ang Educational Reform Agenda. Kaya 'yan. Unti-unti lang, mga bok. Unti-unti.
Ang sabi ng mga batikang analitiko, mawawalan daw ang gobyerno ng P5biylon dahil sa pagtataas ng exemption. Mabuti ito para sa mga manggagawa, at para na rin sa mga nais magnakaw ng buwis. Problema nalang natin, baka bawiin nila sa ibang sektor ng lipunan ang buwis na iyan. Pero tama ka. Unti-unti lang. Dahan-dahan.
Ang sabi ng mga batikang analitiko, mawawalan daw ang gobyerno ng P5biylon dahil sa pagtataas ng exemption. Mabuti ito para sa mga manggagawa, at para na rin sa mga nais magnakaw ng buwis. Problema nalang natin, baka bawiin nila sa ibang sektor ng lipunan ang buwis na iyan. Pero tama ka. Unti-unti lang. Dahan-dahan.