abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

on political advertising (sorry kung medyo huli)
Wednesday, June 11, 2008
Nitong mga nakaraang linggo, naging mainit ang balita sa political ads, lalo na 'yung mga lumalabas sa TV. Tinamaan ang mga pulitikong kilalang may plano sa 2010-- kesyo raw pangangampanya ito, kesyo di man labag sa batas legal, labag naman sa batas moral ito. 'Yan ang hirit nina de Quiros at Pat Evangelista sa Inquirer. Kay John Nery naman, isa raw itong "necessary evil"-- para masustain ang awareness ng taumbayan sa darating na 2010, at masiguro (at least indirectly) na bababa nga si GMA para bigyang-daan ang mga bagong kandidato. Sa madaling sabi-- may mali raw sa political ads na ito.

Ang sa akin: walang mali dito.

Natural na proseso ito sa isang market system. E ano kung politiko sila na may hangarin sa 2010? Hindi sila nangampanya; nagsabi sila ng opinyon ukol sa isang produkto, o nagtulak ng isang adbokasya. Malaki raw ang maitutulong ng mga naturang ad sa kanilang kampanya, sa "awareness" ng tao sa mukha at tinig nila. Ano ang mali doon? Ano ang ikinaiba nila sa lahat ng ibang celebrity na nagtutulak ng produkto-- na, sa totoo lang, e makakatulong din sa awareness ng publiko sa mga artistang ito, sa "kampanya" para tangkilikin ng tao ang susunod nilang pelikula? O kunwari may isang artista ngayon na maraming ads sa TV-- si Piolo, kunwari. Paano kung bigla niyang maisipang tumakbo sa 2010? Unfair advantage din 'yun, di ba? Iba na ba ang standards na gagamitin natin para sa mga pulitikong lumalabas sa ads, mga pulitikong nababalitang kakandidato sa 2010, balitang media lang din naman ang nagpapakalat? Nasaan ang mali du'n?

Hindi pera ng taumbayan ang ginamit para sa mga ad na ito. (O, sana nga hindi. Pero 'yung ibang ad nakakapanghinala rin.) Katunayan, 'yung perang dapat kikitain ng mga pulitiko, (sa pagkakaalam ko) dumiretso sa donasyon sa mga adbokasya nila. Alam kong 'yung dito sa boss namin sa opis, dinala sa pagpapatayo ng isang pre-school building sa isang depressed area sa Baseco, Tondo. Hindi kinarga ng mga pahayagan 'yun, pero 'yun ang totoo.

Ang kaba ni Pat sa column niya, baka nga naman sakaling mapunta sa poder ang mga pulitikong ito, kailangan nilang "magbayad" sa mga kumpanyang tumulong sa kanila. Baka paglingkuran nila ang interes ng mga kumpanyang ito sa ibabaw ng interes ng mamamayan. Di ba slippery slope ang argumentong 'yun? Kung may integridad ang mga pulitikong ito, hindi sila gagawa ng kagaguhan pag nasa poder sila. At 'yung integridad na 'yun, hindi mahuhusgahan sa pamamagitan ng pagpayag nilang gumawa ng ad o hindi. Hiwalay na usapan 'yun. Nasa mga ginagawa nila 'yun sa Senado o sa iba pang opisina ng gobyerno. Nasa pagtupad nila ng tungkulin nila, ngayon.

Hindi ko talaga makita kung ano ang mali sa ads na ito. Kung awareness ang usapan, di ba nagkaka-awareness din ang tao tuwing lumalabas ang mga pulitiko sa balita? "E at least du'n issues ang usapan, at hindi produkto." Ows? E 'yung kasal lang ng anak ni Bong Revilla, lumabas naman sa balita, a. Isa pa, I know for a fact na may mga magagandang ginagawa dito sa opis na hindi naman nakocover ng media. So ano ang magiging avenue nila sa para sa adbokasya? Baka may mali sa market system-- mas mahabang usapan 'yun-- pero sa loob ng lohika ng sistemang 'yun, wala akong mas nakikitang mali sa mga ads na ito. Ginagamit nila ang "kapital" nila-- tiwala ng tao (earned o hindi)-- para makakuha ng bagay na ninananais nila: awareness ng tao. Na hindi naman pangangampanya, pero makakatulong pagsisiwalat ng adbokasya. Na kasali naman talaga sa trabaho nila, di ba? Di ba?
posted by mdlc @ 1:09 PM  
3 Comments:
  • At 3:27 PM, Anonymous Anonymous said…

    HEY! HEY! HEY! I mentioned you in my blog... http://politics.alleba.com/2008/06/10/a-different-take-on-political-ads/

    Nice post.

     
  • At 4:14 PM, Anonymous Anonymous said…

    ang mali ay yung nakakalat na mukha ni Bayani Fernando sa EDSA. pera ng MMDA ang ginastos dun di ba. tangina, kung yung pinang-tarpaulin niya ipinangmeryenda niya na lang sa mga tagawalis ng kalsada pagkatapos ng maghapong trabaho? ano bang maitutulong sa bayan ng isang malaking tarpaulin na may mukha ni bayani fernando na may walang kuwentang slogan?

     
  • At 6:56 AM, Anonymous Anonymous said…

    yol agree ako jan ... ilang daang beses na bang pinuna yang mga banner ni BF hanggang ngayon nagkalat parin at hindi lang daw sa metro manila ha, kundi sa mga probinsyang sing layo ng bisayas at mindanao. Yep, pera ng MMDA ang pinambayad dyan ergo pera ng taong bayan. Yun lang din naman ang iniinda ko ... kampanya na kung kampanya -- magpakatotoo lang sila.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto