May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
sa wakas
Wednesday, April 30, 2008
Kahapon, habang naghahanda sa opis ng mga tula (siyempre dinidiskartehan ko 'yun nang walang nakakapansin), biglang nag-ingay ang mga tao. Semi-palakpakan, 'yung parang palakpakan na walang palakpak pero alam mong kung hindi masyadong mukhang cheesy e papalakpak nga ang mga tao. (Labo nu'n, a).
Lagi kasing may bukas na TV sa opis, at nakatutok 'yun sa closed-circuit TV ng Senado kapag mayroong hearing sa 2nd floor. Nagkaroon ng kaunting ingay kasi pagkatapos magsalita ni Bossing, pagkatapos siya i-interpellate ng iba pang Senador, na-ratify na sa wakas 'yung Quality Affordable Meds bill. Siya na ngayon ang Universally Accessible, Cheaper and Quality Medicines Act of 2008. Putcha ang haba nu'n a, naubusan ako ng hininga.
E di ayun, parang may isang malaking buntong-hininga, may collective kilabot na bumalot sa opis. 'Yun bang pakiramdam na "puta, tumulong ako diyan, a." Sunud-sunod kaming humirit: "Tang'na sa wakas," "Ayun," "Puta finally," "Rakenrol. Bote tayo mamaya." Ang sabi sa akin ng ibang katropa dito nagtatalon daw si Boss sa tuwa, pero knowing him, duda ako. Di ko ma-imagine na tumatalon siya, e.
Anyway. Lalong na-hyper ang mga tao nu'ng narinig namin sa radyo na ini-ratify na rin 'yung counterpart bill sa Kongreso. So pirmahan na lang (at siyempre, implementation,) okey na 'to.
Kararating ko lang sa opis nitong Enero, pero alam kong matagal ding tinrabaho ng lahat ng tao 'to. Masarap din pala 'yung pakiramdam na (halos) direktang nakakalunas sa problema ng tao 'yung mga ginagawa mo, o 'yung mga bagay na tumutulong ka para magawa.
Ano 'yung sabi ni Ka Jess Santiago? Parang, "Kung ang tula ay isa lamang pumpon ng salita...?" Sa akin, kung ang tula ay isa lamang pumpon ng salita, tutula pa rin ako. Bagaman hindi tula ang trabaho ko dito-- speeches-- naramdaman ko ngayon na puta kailanman, hindi lang pumpon ng salita ang anumang pumpon ng salita.
At kahit nalabuan ka sa sinabi kong 'yun, okey lang. Basta. Tangina bote.
P.S. Dahil astig ka, ishe-share ko sa 'yo 'to. Salamat kina Waps, Arkaye, at Margie sa pagsamang magsulat noong isang gabi. Kay Waps especially, dahil galing sa kanya 'yung unang linya ng tula.
Mebuyen
I live in a country without vineyards. We nail crosses to the trunks of coconut trees as we wait for the sap to ferment. At night the bats swoop down from their canopies as the many words for fear rest heavy on our tongues. Mangoes dangle from trees like tusks and one summer out of every century a vast predatory cloak of locusts covers the rice fields. Understand: we are easily scared in my country, and when strangers arrive, our villages echo with the sound of a thousand slippers slapping on dirt-roads. I live in a country where a prayer hides beneath every curse, and when one cannot find a word for what one feels, one sighs and lets the wind ache instead. Sometimes we are reminded of our embittered gods, but only as history, more memory than faith, and when they rap at our windows or peer from inside their bamboo thickets, we see only shadows and think of ghosts. I live in a country without angels or snow, without a word for guilt, and we are happy inside our churches until the rains come and the rivers swell and again we are reminded that, once, a goddess watered our country with milk from her breasts and the lands filled with trees like so many green, upturned hands.