May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
yosi break: magdedeadline na!
Monday, April 28, 2008
Ano ba 'yan, mag-a-atrenta na ulit. Good luck sa lahat ng mga malalalim ang eyebags at isang linggo nang walang tulog at pinatatakbo ng yosi at kape sa mga panahon na 'to. Basta pag-abot ng a-trenta, puwede na 'yan potah. Ipasa n'yo na. (Inom tayo sa deadline, a. Dala kayong extrang kopya tapos basahan/basagan tayo pagkapasa.)
Paalala lang-- sa tingin ko magandang magpanotaryo ka na bago pa pumunta du'n sa pasahan. Lumipat na sila ng opisina; hindi tayo sigurado kung mayroon pa ring magnonotaryo du'n kung dumating ka ng alas dose.
Anyway. Gudlak ulit. Kung hindi mo alam ang pinag-uusapan dito, hehe, sige lang balik ka na sa tahimik at masaya mong buhay kahit papatapos na ang Abril.
P.S. Nga pala, tungkol sa Meds Bill na pinag-usapan noong isang entry: punta ka rito, pirma ka. Dahil astig ka at gusto mo ng murang gamot para sa mamamayang Pilipino. (At dahil, malay mo, ma-good karma ka pagdating ng Setyembre. Hehe.)
goodluck!