May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Tama na muna ang tula: Kung ano talaga ang meron dito sa medicines bill na 'to
Saturday, April 26, 2008
1.
E di murang gamot.
Paano mas mumura? Ganito: sa ngayon, kapag may local patent ang mga gamot, bawal mag-import ng ganu'ng klaseng gamot din-- kahit pa ba mas mura (nang di hamak!) 'yun sa ibang bansa. Halimbawa: 'yung Daonil (para sa diabetes,) ibinebenta sa katumbas ng 80 centavos sa India. Dito, P9.86. 'Yung Plendil, para sa hypertension? P21.82 dito. Sa India: P2.69. Hangga't walang Quality Affordable Meds Bill, 'yung mga multinationals na may hawak ng patent dito, puwede nilang hayaang mataas ang presyo ng gamot dito, at walang magagawa ang kahit sino.
Kapag naipasa ang Quality Affordable Medicines Bill, puwede nang mag-parallel importation ang mga tagarito (pangunahin, ang gobyerno). Pag nakuha nila nang mas mura ang gamot, maibebenta nang mas mura dito. Simple lang, di ba? At astig.
2.
E kung ganu'n, ba't di pa maipasa-pasa?
Actually, malapit na talagang maipasa. 'Yung tungkol diyan sa parallel importation thing na 'yan, solb na. Naipasa na sa House, pati sa Senate; pinagrereconcile na 'yung dalawang versions ng bill. Ang gusot, nasa pagkakaiba tungkol sa price regulation.
Ganito: 'yung House version, trip nila, sakaling di gawin ng market ang trabaho niya at kailanganin ng price regulation, sa isang Price Regulatory Board babagsak ang trabaho ng pagsasabi ng price ceilings. Sa Senate, sa Presidente malalagay ang price regulatory powers na 'yun, upon recommendation ng Secretary of Health.
Ganito: ang isang Board, appointees ang laman. Hindi mo alam kung sino 'yan, kung paanong napunta sa board, etc. Sa madaling sabi, prone to corruption ang isang board. (Kayo na ang bahalang mag-isip kung bakit ito ang itinutulak ng mga butihin nating congressman.) Ang presidente, puwede naman din siyang mag-convene ng board, manghingi ng recommendation kahit kanino. Ang presidente ibinoboto natin. Ang punto: Sa huli, dapat may taong magsasabi na, "Narinig ko na lahat nang dapat kong marinig tungkol dito. Ito ang desisyon ko." Para alam natin kung sino ang pagtutuonan ng pansin, kung sino ang sasagot ng tanong, kung sino ang sisisihin kapag may nangyaring kagaguhan. At nasa presidente dapat ang responsobilidad na 'yun.
Ang punto: accountability. Transparency. Kung wala niyan, talo tayong lahat.
At 'yan, 'yan ang pinagtatalunan sa bicam ngayon, kaya hindi maipasa itong bill na 'to.
3.
Pasensiya na kung medyo off-topic, a. Naaasar lang ako. Iniisip ko kung ilang tao 'yung walang P9.86 pero may 80 centavos, kung ilan sa kanila 'yung may diabetes, kung ilan sa kanila 'yung kailangang masaktan o mamatay, kung ilang araw o linggo o buwan pang may kailangang masaktan o mamatay, dahil sa pagtatalo ng mga lider natin.
4.
Para sa mga nakainuman ko na, alam ninyo kung bakit medyo maalam ako tungkol dito. Kung hindi, inuman tayo.
"...(B)icameral conferees Iloilo Representatives Ferjenel Biron and Janette Garin’s complaints about the bill’s alleged imperfections should be dismissed as sourgraping. The two lawmakers said that the final omnibus version is a watered-down bill. They expressed doubts about its efficacy to bring down the price of medicines. The price regulatory board the two are pushing is exactly what the pharmaceutical companies are looking for—- a mechanism for negotiations on profits and prices cloaked in anonymity and bereft of accountability."
6.
Pagkatapos kong maasar, naisip ko, kailangan nating palawigin ang kaalaman ng taumbayan tungkol dito. Kamalayan, bok, kamalayan. Tangina pare buhay ng tao 'yan, e, buhay ng tao ang usapan, e.
'Yun lang. Sabi ko nga, di ba: Gawin ang lahat nang kayang gawin sa pinakamahusay na paraan na kaya nating gawin. 'Yun lang. Kaya ko naisip magpost tungkol dito.
Kung gusto ninyo ng FAQ tungkol sa Quality Affordable Medicines Bill, email n'yo lang ako.
salamat sa pagpopost mo nito. marami akong natutunan. nito kasing mga nakaraang araw, mastumatak sa isip ko ang pagtaas ng presyo ng bigas, manok, karneng baboy, atbp. nung una kong narinig 'to sa balita, 'di ko ga'nong inintindi (natulala sa presyo ng mga bilihing ifinlash sa screen).
tama po yun! inuman para magkaroon ng palitan ng mga ideya at impormasyon! :)