abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

minsan, kapag sinabi kong "tangina mo world," ang ibig ko talagang sabihin, "teyngs"
Thursday, August 07, 2008

Nakikita mo 'yun bok? Hindi 'yung sumbrerong pinagsisdlan ko ng barya dahil laging kinukupitan ng mga pamangkin ko 'yung alkansya ko, a. Hindi 'yung bill ng tubig du'n sa may dulo. Hindi 'yung maraming hanger, hindi 'yung maraming libro. 'Yun. 'Yung brown na kahon na kahoy. 'Yung may nakausli na parang blue na kung-ano. Teka, ibaba natin para maaninag mo nang mabuti.


'Yan. Matagal ko nang hindi binubuksan 'yan. Halos isang taon na rin siguro. Kita mo may ali-alikabok pa. Alam mo'ng laman niyan, bok? Hindi ko naikuwento sa iyo 'yan, hindi deretsahan. Hindi rito. Pero kung nakainuman na kita, malamang alam mo. Malamang napasama ka sa malaking inuman nu'ng isang taon. Naaalala mo, bok? Tara buksan natin.



Kung mapapansin mo, napalitan ng Generoso 'yung bote ng rubbing alcohol na nasa likod kanina. Ayaw ko naman kasing isipin mo na purong isopropyl ang tinitira ko kaya ako astig at matapang at nakaka-imagine ng mga uwak na lumilipad papalayo sa ulo ko sa tuwing umaga. Wala lang.


Pero seryoso, mehn. Di ako mapagmalaking tao-- maangas, oo, pero madalas pabiro, para maiba ang usapan. Sa mga bagay na sigurado ako, siguro, sa mga paninindigan, du'n, maangas ako. Pero kung kilala mo ako, alam mong hindi ko alam kung paanong aasta pag may nagbibigay ng compliment. At di ko talaga trip na magtutok ng spotlight sa sarili ko, pagdating sa mga ganitong bagay.


Pero bok, putangina, poooooo-tangina. 'Yang nasa kahon na 'yan? Pagdating ng Setyembre a-uno, magkakaroon ng kapatid 'yan bok. Kailangan ko lang talagang sabihin sa iyo. Tingnan mo:




Pasensiya ka na. Di ko lang talaga mapigil ngayon. Patatawarin mo naman ako, di ba, kung matuwa ako? Sa atin kasi ito, e. Sa atin ito.


Sa ating mga naniniwala na puwede kang tumula habang nakikipag-inuman, na hindi laging kailangang mag-isa kang nagmumuni sa ilalim ng puno para makasulat. Sa ating mga naniniwalang 'yung hawak mo ng wika, pangalawa lang sa kung paano mo tingnan ang-- at kung paano kang kumilos sa-- mundong kinapapalooban mo. Sa ating sumisigaw minsan ng "tangina mo world," dahil natutuwa tayo, dahil ang ibig talaga nating sabihin e "tangina mo, world, astig ka, pakurot nga ng utong."


Tangina bok. Hindi ko maipapangakong maililibre kita ng beer (baka nga maubusan na ako ng load at hindi ka na rin maiteks,) o na kakasya tayong lahat sa lugar kung sa idaraos ang inuman, pero mehn, putangina. Putangina lang. Timbre-timber lang tayo pag naligaw ka sa may amin. Iinom tayo, p're. Iinom tayo.

UPDATE: Salamat pala kay Iza para dito.

Labels: ,

posted by mdlc @ 6:58 PM  
4 Comments:
  • At 11:09 PM, Blogger tzaddi salazar said…

    congrats, muthafucka! : ) you da man hehehe

    KMFDM

     
  • At 11:18 PM, Blogger mdlc said…

    hehehe. tangina, di ba. salamat karl.

     
  • At 6:07 AM, Anonymous Anonymous said…

    Shyet, mehn. Feeling ko magiging stalker na ako ng blog mo. Ang galing. Congrats! Hindi man tayo magkakilala, di ko maiwasang maging proud para sa 'yo. Congrats talaga!

     
  • At 11:27 AM, Anonymous Anonymous said…

    hello po..astig naman ng mga pingsusulat mo..ilike dis one..i am also awriter kaso hindi mo maiintindhan ang mga sinusulat ko kase puro gospel..haha..salamat ulet!! (para saan??haha)

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto