(Sandali. Bago mo ituloy ang pagbabasa, kailangan mong pumunta dito-- sa simula.)
"From the perspective of state authorities, the mere fact of secrecy constituted a crime. Members were thought to evade recognition from above rather than seek to solicit it. Out of reach, they were able to tap into other circuits of communication beyond the hierarchy of languages."
Halimbawa:
1. May nagbabasa nito na hindi marunong magtagalog.
2. Nakita ko rin ang buwan kagabi.
3. Noong isang araw nanaginip akong naghuhugas ako ng kamay, kamay na nakatutok sa gripo na nakatutok sa banyerang sumasalo ng lahat ng kasalanan ko. Nalingat lang ako nang tinawag mo ang pangalan ko. Pagtingin ko sa banyera, may apat na uwak nang umiinom mula rito.
(3.1.) Kung naiintindihan mo ito (Kung naiintindihan mo ito) "Kung naiintindihan mo ito."
4. Sa isang lupalop ng mundo may wikang winiwika at hindi mo ito naiintindihan.
5. Heto ang litrato ng isang kutsilyo:
"... [A]s with every communicative media, the source of its power, that which endows it with the capacity to makes possible such articulations, remains unseen. It is a power that persists and insists in the world, but as a secret, withdrawing at the very moment when its agents are seen and its effects are felt. As secret, it is a power that always remains to be seen even as it makes possible the arrival of what is given to be seen."
- Vicente Rafael
Halimbawa: May gusto akong sabihin sa iyo. Magpapatuloy pa tayo. Hayun. Hayun. Labels: collaborative project, writing exercise |