abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

eksperimento
Tuesday, May 05, 2009
Misericordia


This is a street and there is a child.
She threads a needle through the hearts
Of many flowers, barters it 
For a mouthful of rice.

Ipagbakasakali nating naaawa ka.
Nababagabag, maaari, o naaalisuag.
Kumukuyom ang lalamunan.
Napakaraming salin ng malasakit,

Misericordia in the tongue
Of those who have suffered, or whose 
Suffering is remembered. A tremor, 
A vine taking root in the heart,

At ilan nga ba ang pinapalad 
Makaunawa? Tinititigan ka niya.
Marahil masasabi ring
Tinititigan ninyo ang isa’t isa—

Two faces mirroring nothing
But a secret suffering 
Of words. Meaning, if only there were
Some other way to say this:

Sa atin lamang ito. Lihim
Nating hinagpis. Ibinubulong mo ito
Sa wika ng iyong panaginip. Pagtuklap
ng langib mula sa mga pantig ng

Misericordia. If only this were merely
A street. Some child holding up 
A string of flowers. Paano
Nga bang uunawain ang salitang unawa?


posted by mdlc @ 5:04 PM  
2 Comments:
  • At 11:26 AM, Blogger cheLot said…

    ang galeng!!!

    nag-eksperimento rin ako ng ganito dati, pero may nagsabing hindi na daw bago ang pagtula ng Taglish kaya di na siya "experiment". haha! pero ang totoo nyan, gusto ko lang masubok noon kung gaano nga bang kahirap ang pagsusulat ng 2/3 wika ang gamit.

    nakakatuwa kasi pag nagawa mong swabe yung daloy ng thought maski iba na ang wikang ginagamit mo.

    panalo. panalo!

     
  • At 3:39 AM, Anonymous Anonymous said…

    "Misericordia in the tongue
    Of those who have suffered, or whose
    Suffering is remembered."

    - Amen, Mikael.


    Mou.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto