May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
on failure, and sacrifice, and the sad task of a speechwriter
Wednesday, September 02, 2009
I am Mar Roxas' speechwriter, and let me be the first to say that I failed my country.
I failed my country by not working hard enough; by not being a better speechwriter; by failing to show the people how good a person my boss was. Is.
My friends laughed at me for being too much of a believer. And I failed my country by believing that it would believe along with me.
I am Mar Roxas' speechwriter. All throughout my year and half in the organization, I denied that title; I played it down. Not really wrote the speeches, not per se, I said. I wrote down what I was told to write down, I said. Others thought of it, and all I had to do was type it down. I drafted the speeches, but never really wrote them. I shied away from that name: Speechwriter. In the same manner that I shy away from being called a poet.
The least I could do now is to show the same courage that my boss did. I am Mar Roxas' speechwriter. I am a poet. As speechwriter, one of my tasks is tell you how good a person my boss is. As poet, my only task is to say to you the truest thing I can.
My boss is one of the smartest people I have ever known. My boss has one of the purest hearts I have ever been in touch with. All my boss ever wanted was to serve the people in the best way he can. I failed my country by not saying these things well enough.
Yesterday evening my boss declared his support for the candidacy of Senator Noynoy Aquino for President in 2010. He said: It is within my power to preside over a potentially divisive process or to make the party a bridge for the forces of change. He said: I choose to lead unity, not division. He said: Country above self. And I typed it down.
This country I failed is the same country that my boss puts above himself. My country was smart enough to see what was wrong with the campaign. But it was also too cynical to not see through it. The same people who dismissed the ads as mere gimmicks were the same people who lauded how brilliant this opponent's ad campaign was, or how good a rhetorician this other opponent was. I used to ask, if you're so smart as to see through everything as posturing, as political play, then doesn't the question boil down to who you think can best move this country forward?
I failed my country by not asking that well enough, or often enough.
When I was nine years old, my parents voted for Jovito Salonga. He became known as the best president my country never had. When I was fifteen, they voted, along with my siblings, for Raul Roco. When I was twenty-one, they voted again for Roco, and I voted with them. Roco, too, became known as the best president my country never had. Now I am twenty-six, and I tell you now, in the truest way I can: Mar Roxas is the best president this country never had.
I have failed my country, and all I hope for now is that the people realize what it has lost, and what it has gained. The country asked for sacrifice, and he gave them sacrifice. The country asked for unity. He has given them the door to unity; all that is left is for them to step through.
The country asked for someone to believe in; in Noynoy they have found someone to believe in. And Mar has offered himself as someone to believe with.
In tears, I ask this country that I have failed: Is there anything more you would like to ask of my boss?
He has given everything, and he will continue to give. And I will type everything down for him. Because I am Mar Roxas' speechwriter. And he is my boss. He is my president. The best president this country never had.
mawalang-galang na. maganda ang pagkakasulat mo pero hindi ang sinulat mo. hindi lang kabilib-bilib ang amo mo. nakakalungkot na parang tulad din sya ng ibang pulitiko. kung may pagkakataon para ibenta ang sarili, gagawin nya. hindi mo ba nakita na parang ginawa nyang kampanya ang libing ni cory? lamang lang ng isang paligo si jamby sa kanya, na namigay ng bracelet na may picture nya. wala akong makitang dahilan kung bakit ang big deal ng pag-urong nya. walang may pakialam kung umurong sya. siguro yung mga tao lang na binabayaran nya. dahil wala ng pag-asa ang bansa na to, lalo na kung may mga tao na malayo palang nangangampanya na, na itinaon talaga ang pagpapakasal upang lalong makilala. nakakatawa di ba? trapong-trapo sa gimik. ang mas nakakatawa (actually nakakalungkot), nilamon na din ng maduming sistema ang mga tao na nagtatrabaho sa mga pulitiko. tulad mo, mawalang-galang na. ika nga ng isang kaibigan ko na fan mo, sobrang hard sell ng sinulat mo. kampanyang-kampanya.
mas nakakalungkot makakita ng taong sadyang galit na galit lang sa kapwa niyang may matibay na pinaniniwalaan. para bang alam na nila lahat ng sikreto sa pamumulitika.
@anonymous 4:33: 'tol, ewan ko sa 'yo. sawang-sawa na akong depensahan ang mga kilos ko at ang mga kilos ng boss ko sa mga taong wala nang ibang nakita kundi gimik-- na hindi maitawid ang paningin sa kung bakit may gimik; at kung gimik na lang din pala lahat, hindi rin maitanong sa sarili kung ano ba ang mahalaga, at kung sino ang may katangiang mahalaga. bahala ka sa buhay mo 'tol. blog ko 'to, hindi ako binabayaran para magsulat dito, mag-aalas singko na ng madaling-araw nang ipost ko ito. hindi ako nangangampanya, at sa tabas ng dila mo mukhang wala naman akong magagawa para kumbinsihin ka. iboto mo ang iboboto mo, huwag ka nang magparehistro kung tinatamad ka, mag-migrate ka kung trip mo. matagal ko na ring natutunan na walang patutunguhan ang paghahamon ng suntukan sa internet, lalo na sa mga anonymous. paki-wiki na lang ang salitang heteroglossia-- baka sakaling ma-gets mo kung bakit hindi ko pa binubura ang comment mo. at pakisabi na lang din sa kaibigan mo, pasensya at ang tagal lumabas ng unang libro ko-- nagtatrabaho pa ako para sa isang taong pinaniniwalaan ko.
@anonymous 7:32: 'tol pakiisa-isa naman ang dahilan kung bakit mo masasabing trapo ang dating niya, o. paki lang. sasagutin ko isa-isa.
I really appreciate this entry. Kudos to you Sen. Mar (Good Karma is waiting for you) Your boss is an inspiration. You're lucky to be a part of his team. More power. Godbless.
paumanhin. wala akong balak makipagsuntukan sa yo. siguradong matatalo ako dahil babae ako. nauunawaan ko na blog mo ito. yung sa akin ay opinion lang naman. wala naman sigurong masama magbigay ng opinion dahil open naman for comments ang blog mo. wala ding lugar ang mapikon. dapat maging handa ka sa positibo at negatibong magcocomment. there's no reason to be defensive either.
pareho nating mahal ang bansa natin. mas mahirap lang para sa aming nagtatrabaho sa private sector dahil kami ay nagbabayad ng katakot-takot na buwis para lang kurakutin ng mga pulitiko. kung may mga puna man kami, may karapatan kami. dahil kami ang nagpapasweldo sa mga taong nagtatrabaho sa gobyerno.
pareho nating mahal ang bayang ito. maaaring magkaiba lang tayo ng panig. lahat may lugar para sa opinyon ng bawat isa. paumanhin, gustuhin ko mang ilagay ang pangalan ko dito, di ko magawa dahil nangako ako sa kaibigan ko.
Una, sa tingin ko, walang makapagsasabi na mas mahirap para sa kanya ang ginagawa nya para sa bayan. Lahat tayo, ke private sector o public sector, ay nagsasakripisyo. Kahit ako man ay galing sa private sector din, hindi ko masasabi na mas nakalalamang ako sa iba, kahit na nagbabayad rin ako ng buwis.
Pangalawa, hindi namin kilala si Mar. Kilala lang namin sya base sa mga nakikita namin sa TV, nababasa sa dyaryo at sa mga ads nya (na totoo namang mukhang gimmicky at contrived). Gayunpaman, hindi naman siguro kami masisisi kung sadyang hindi lang kami bilib sa kanya. Siguro nga marami syang nagawa sa bayan. Mas alam mo kung ano ano ang mga iyon. Pero para sa amin, wala syang ganong ipinagkaiba sa mga trapo.
Hindi ako yung nagcomment na trapo ang dating nya, pero makikicomment na rin ako kung bakit trapo ang dating nya para sa akin.
1)Galing sya sa mayamang pamilya. Landed elite, kumbaga. Hindi nya kasalanan yon, oo, at malamang hindi na nya matatakasan yon, kaya siguro eh exercise in futility lang ang gagawing pagdidiskusyon dyan.
2)Parang pilit ang paglapit nya sa masa. Nagawa na ni Erap yun eh, at wala na yatang papantay sa husay ni Erap sa aspetong yan.
3)Hindi namin (o at least, ako) alam kung ano bang nagawa nya, bukod sa pagiging Mr.Palengke. Ang natatandaan ko nga lang eh binoto nya si Enrile bilang Senate President.
Hindi ko na babanggitin si Korina. Stating the obvious na iyon kung ganun.
Maraming dahilan kung bakit mukha syang trapo. Iba ibang factors yan, ang iba may magagawa sya, ang iba, sadyang wala na. Wag ka sana magalit, hindi ko namang sinasabing masamang tao ang boss mo. At tulad ng isa rito, wala rin akong balak makipagsuntukan. Babae rin ako, at siguradong talo sayo.
@anonymous 9:38 at 4:33, na iisang tao lang: sa larangan ng discourse theory, mayroon tayong tinatawag na "good will." ibig sabihin, mas malayo ang mararating ng usapan kung hindi nagdedegenerate sa pang-iinsulto ang mga opinyon. wala namang masama sa paglalahad ng opinyon, pero kung walang good will, para ka na lang ding nakipagsuntukan nang hindi gumagamit ng kamao. yung good will na yun ang nakita kong nagkukulang sa comment mo. if i were being defensive, it was only because you were being unnecessarily hurtful. kung may lugar dito para magsalita ng mga salitang tulad nang sa iyo, may lugar din para mapikon. tutal, 'ika mo nga, nilamon na rin pala ako ng maduming sistema, wala namang saysay na magmaniobra ka pa sa mga sinabi mo ngayon. ang totoo tumawid na ako mula sa pagkapikon noong martes ng gabi. sabi ko nga sa iyo, whatever, 'tol, bahala ka na sa buhay mo.
@anonymous 12:09: galing din ako sa private sector bago ako pumasok dito. pero beside the point 'yun dahil lahat naman nagbabayad ng buwis; nagbayad ako ng buwis nu'ng nagturo ako sa ateneo, at nagbayad din ako ng buwis nu'ng nagturo ako sa mga anak ng magsasaka sa mauban. hanggang ngayon nagbabayad ako ng buwis. si mar din nagbabayad ng buwis. pero ayaw ko na rin namang masabihan ng hard sell, kaya kung di mo digs na mas malaki ang sakripisyo ni mar kaysa atin, okey na rin, 'tol, i rest my case.
mahirap isa-isahin ang nagawa niya; mas magandang silipin na lang sa website 'yun. subukin ko ha. sa house of reps, hinataw niya 'yung roxas law-- dati palakasan ang hingian ng budget sa classroom. kung malapit sa malakanyang, yun ang mas madaling makakuha ng budget para sa mga eskuwela. yung ginawa niyang batas, ginawang formula 'yung hingian, para wala nang palakasan. sa dti, siya 'yung unang naglatag ng call center industry dito. brainchild din niya 'yung pc's for public schools project-- na full-transparency ang nangyaring pagkuha ng mga computer-- at iba pang sme support projects ng gobyerno. sa senado, 'yung pagtanggal ng income tax sa minimum wage earners, at yung cheaper medicines bill. marami pa 'yan.
1) tama ka.
2) tama ka. si erap 'no, hindi pilit, tsaka si villar? authentic talaga 'yung mga taong 'yun. totoong makamasa.
3) nabanggit ko sa taas ang nagawa niya. 'yung sa senate presidency, if it came down to a choice between villar and enrile-- saan ka?
4) mehn ito ang masasabi ko: nakikita ko silang mag-interact, at mahal nila ang isa't isa.
sa susunod kasi gagamit kayo ng pangalan. minsan kasi sa tabas ng dila, parang tunay na tunay na lalake ang dating, parang naghahanap ng away.
Sa pagkakaalam ko, Mar Roxas was the author of the Cheaper medicine act. Na sobrang makakatulong talaga sa mga mahihirap. Yun lang alam kong nagawa nya
Sir Kael, I told you at sa iba pang staff nya so many times na napapalakpak ako at humiyaw ng itaas ni Jovito Salonga ang kamay ni Mar Roxas at ideklara syang "The Next President of this Republic". Kakasali ko palang ng KALIPI noon.
halos imposible papaniwalain ang mga taong desidido na ayaw maniwala. Wala tayong supporters ang magagawa dun.
Pero allow me to lash and give my comments para sa mga taong mukhang kailangan lang ng konting reminder kung bakit tayo ay sumusuporta kay Mar.
A backgrounder on this guy: Mar left the banking industry para magtabaho sa gobyerno. Hindi natin alam kung bakit nya ginawa yun pero ginawa nya. He got the DTI post under Erap's administration, and after mapatalsik sa pwesto si bigote ni-retain sya ni pandak sa posisyon. Tandaan natin na may malaking divide sa pulitika at almost sa moralidad ng mga tao nung panahon na yon; either 13-0 ka o 0-13. Pero kahit gabinete sya ni Erap endorsed and accepted pa rin sya sa Arroyo government, simply because maganda ang performance ng DTI nun. Sila ni Raul Roco ang nagayos ng books and computerization ng public schools. sa kanya credited ang pagpasok ng call centers dito sa pilipinas. Mr Palengke --- consumer welfare, trading policies ng palengke ng pilipinas, sa kanya nanggaling. Sya ang principal author ng tax waiver sa minimum wage workers. sya ang lumalaban pa rin sa cheaper medicines bill. Mula sa presidential policy on tarriff, ginawa nyang batas ang anti-smuggling. ang Lemon Law, ang proteksyon sa bibili ng bagong kotse against defects. ang pagaayos ng Libel law, para mas may kalayaan ang media without the fear of government prosecution.
So, kung may kotse ka, kung may kakilala kang constantly bumibili ng gamot, kung may kaibigan kang binubuhay ang pamilya nya sa call center, kung namamalengke ka at tama ang timbang sa pinamili mo, kung may malasakit ka sa mga minimum wage earners na kayod-kabayo pero kulang pa rin ang naiuuwing pera, kung may pakialam ka sa public school system ng pilipinas, then wala kayong karapatan na sabihin na walang nagawa ang taong ito.
Forget his family; di naman nya kasalanan na mayaman sila. Forget Korina; hindi naman si Korina ang tatakbo.
maybe that's the problem. only a few people know kung ano ang mga nagawa nya. did you ever ask yourselves why Mar isn't popular among the masses? Napanood nyo na naman siguro yung TV ad nya. may nag-comment na gimik ang dating, in short peke. hindi nyo masisisi ang mga tao kung ganon ang dating ni Mar sa kanila. so bakit nga hindi alam ng mga nakararami ang mga nagawa nya? bakit mas nangingibabaw ang tingin ng mga tao na trapo ang dating nya? bakit naiisip ng mga tao na gimikero sya? nasa burden ng panig nya na kumbinsihin ang mga tao na karapat-dapat syang maging presidente. hindi nga sya talaga mananalo kung sasabihin mo sa amin na tingnan na lang ang website nya para makita ang mga nagawa nya. paano naman ang mga walang access sa internet? kung hindi din ba sila maniniwala, sasabihin mo na bahala sila sa buhay nila? hindi nga mananalo ang manok nyo kung kayong mga sumusuporta ay sumusuko na sa ganyang paraan.
hindi nga niya kasalanan na galing sya sa mayamang pamilya. kailangang bumaba sya para maabot ng mga tao. pero kung kayong mga sumusuporta sa kanya ay may pagka-elista at pikon, hindi nga sya talaga mananalo. dapat din nating isipin na kung natuloy nga sya sa pagtakbo, marami syang makakasalamuha (at kayo rin dahil sumusuporta kayo sa kanya at tiyak na sasama sa kampanya) na mas matindi pang magsalita at magpahayag ng mga opinyon kaysa sa mga taong nag-comment dito.
sa pagkakaalam ko, kaya nya iniwan ang banking industry ay dahil naman talagang galing sya sa isang political family. ang ama nya, ang namayapa nyang kapatid, hindi ba mga pulitiko din? maybe he wanted to help the people, his heart is in public service, pero mas lumulutang pa din na talagang tadhana nya ang pumasok sa pulitika. coz just like what he said when he was interviewed recently, things like that (the sacrifices he has made, etc) would make his father proud.
sana na lang kasi hindi na na-hype yung pag-yield nya kay noynoy. kaya tuloy ang dating nya lagi, gimikero.
1.for someone who thinks he sees through all the "gimik-an" in politics, it's surprising how strongly you feel about the politicians' burden of proving what they've done. i think it's better if you stop acting like you care about your country if you can't even visit a webpage in order to gain a proper perspective on the presidentiables. may responsibilidad ang lahat ng mamamayan na alamin ang nagawa ng lahat ng kandidato, regardless of marketing.
in short, dalang-dala ka parin ng marketing, kaya tanungin mo sarili mo kung ano nga ba ang kinaiba mo sa mga nauuto ng mga jingle at ng mga gimik kung 'yun din ang gagawin mong basehan sa pagpili ng bobotohin.
2. "hindi nga sya talaga mananalo kung sasabihin mo sa amin na tingnan na lang ang website nya para makita ang mga nagawa niya" -- sorry, pero sinong gago ang maghihirap na kumbinsihin ka e halata namang desidido ka na. walang sumusuko sa pagsuporta kay mar, sumusuko lang sila sa 'yo.
Wow! Sa palagay ko ay ang comments section na ito ang pinakamalupit at pinakamalaman na nabasa ko EVER.
1) Gusto kong palakpakan yung sumulat ng blog na nag-mistulaing "wise old man" sa pakikipagdebate sa mga rebuttals sa kaniyang blog. (Eh palibhasa propesor ka pala sa Ateneo. Haha.)
2)Kumbaga sa sapak na nagpatumba kay Hatton, itong #1 sa comment ni 12:58 Anonoymous ang nagtapos ng painit na talastasan.
3)Sige na nga! Mar na rin ako. Sayang tuloy na nag-give up siya. (Or perhaps he just underestimated the masses too much and thought that they have already shifted their interest in Noynoy. In anycase, Noynoy looks like a good dude.)
Sa UP, habang naglalakad ako, may lumapit sa akin na may bitbit na maliliit na iskwer na mga papel.
"Survey lang po," sabi niya.
Matuwa ko namang kinuha ang papel na inabot niya. Sa papel ay nakahilera ang mga pangalan ng lahat ng presidentiables at may katabing maliit na square ang bawat isa. Check ko daw kung sino sa kanila ang iboboto ko.
"Bakit walang Noynoy?" tanong ko sa frat member. (Alpha Phi Omega kasi yung nag-host ng survey.)
"Ah, lagay niyo na lang sa huli 'Noynoy' tapos drowing ka ng box."
Guguhit na dapat ako ng box pero napaisip ako. Si Mar ang tsinek ko. O, davah?
Sa pagbasa ko ng post, sa pagbabasa ko pa ng mga comments, parang 'yung isang side: Si Mar ang Messiah na hindi naging. At 'yung isang side: Yeah right.
A, ang ambivalence ng mga peti-burgesya ng bansa!
"Wow! Sa palagay ko ay ang comments section na ito ang pinakamalupit at pinakamalaman na nabasa ko EVER."
- Talaga? Marami ka pang mababasa.
At ang pinakanakakatawang comment goes to: wearashirt.
kahit sino pa man ang pumalit sa puwesto ng pagka-pangulo, hindi pa rin magbabago ang sitwasyon ng lipunan sa Pilipinas, na naghahari pa rin ang mga mayayaman at burgesya,na pinagsasamantalahan ang maraming manggagawa at lalong naghihirap ang mga magsasakang inagawan ng lupa. hangga't hindi talaga nalulutas ang problema ng paggiging mala-kolonyal at mala-piyudal ng Pilipinas, kahit sino pa man ang pumalit, si Mar man o si Noynoy, wala talagang mangyayaring pagbabago.
Alam mo kaya hindi umuulad ang bansa natin dahil sa mga taong kagaya mo magisip. "WALA NA TALAGANG MANGYAYARING PAGBABAGO" at "WALA NANG PAGASA ANG BANSA NATIN".
Kung ikaw mismo naniniwala d'yan, eh di wala ka ngang kahit anong gagawin para sa bansa natin kasi feeling mo hopeless na.
Mag-migrate ka na lang dahil isa ka sa mga humihila pababa sa bansa natin sa pagiisip na wala na ngang magagawa at magbabago.
Cheer up chong. Mar is how old? Not old enough to not be able to run again in the future. I'm sure he can bank on this for the remainder of his political life.
@2:32 PM - "hangga't hindi talaga nalulutas ang problema ng paggiging mala-kolonyal at mala-piyudal ng Pilipinas..."
.
Naalala ko lang kung nasaan si Mar nung SONA at kung saan bigla niyang gustong mag-speech nang mapansin niyang olats yung crowd niya.
.
Mahirap kwestyunin ang kagandahang-loob, lalo na yung magandang intensyon. Maski speechwriter niya, hindi makakasiguro.
Mas maganda sigurong pag-usapan yung mga bagay na nasusuri. Mabuting nabanggit kung anu-ano ba ang mga nagawa ni Mar Roxas. Gamitin nating basehan ang mga 'yon para malaman kung tunay na pagbabago ba ang idudulot ni Mar sakaling nabigyan siya ng pagkakataong maging pangulo. Base sa mga nabanggit, tila pagpapanatili lamang ng kasalukuyang kaayusan na isinusuka na natin ang gusto niyang mangyari.
Trapo si Mar. 'Wag na natin iyong itanggi. Kapag pinili mong magpaagos sa sistema kahit alam mong may mali, trapo ka. Hindi ka nanindigan sa alam mo. Sa halip, kinukunsinti pa ito ng hindi mo paglaban.
Paano makakasiguro ang magsasaka na magkakaroon ng tunay na reporma sa lupa ngayong ipinasa na ng mga tulad ni Mar ang CARPER? Palpak na nga iyong CARP, inextend pa. Maaasahan ba nating gagawing prayoridad ni Mar ang hinihinging P125 across-the-board wage increase o tulad ng DOLE, sasabihin na lang din niyang huwag na tayong mamili ng trabaho, call center na lang kahit na pinilit mong makatapos ng chemical engineering?
Sino ba ang paglilingkuran ni Mar sakaling maging pangulo siya? Malamang tayo lang ding mga nag-iinternet, nagta-trabaho sa call center, nakakabili ng kotse. Pero paano noon iaangat ang kalakhan ng mga mamamayan sa bansa? Ang malawak na masa? Paano makakatulong ang mas maayos na Libel Law duon sa mga batang nagpepedicab sa political ad niya? Cheaper Medicine? E matinong pagkain at bahay nga, wala ang mga iyon. Hindi ba dapat ay libreng medicine?
Ayos. Mabuting tao, maganda ang intensyon. Pero mahirap bakasin yan. Saan ba lilinya si Mar? Yun ang kwestyunable. Kung kagandahang loob at magandang intensyon lang, hindi na rin siguro.
"tila pagpapanatili lamang ng kasalukuyang kaayusan na isinusuka na natin ang gusto niyang mangyari"
yun din ang nararamdaman ko.
nakakatakot at nakakalungkot pag nangyari yun.
maliban sa pag-iisa-isa sa mga katangiang ayaw na nating makita sa susunod na presidente, mahalagang matukoy kung ano ba talaga ang kailangan natin. hindi nga sapat ang kagandahang loob at magandang intensyon lang.
Malinaw sa akin na isang TraPo si Mar Roxas. Batid naman siguro ng maraming Filipino.
Ngunit kung ang pagbabago sa ating bansa ay lilimitahan na lamang natin sa pag-segregate sa kung sino ang trapo o hindi, siguro ayaw nga natin ng pagbabago.
Naniniwala akong mayroong mga trapong katulad nina Mar na maaring makapagsagawa ng pagbabago o di kaya'y makapagtanim ng mga simulain nito.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan itakwil ang pagkakaroon ng trabaho sa call centers sa isang panahon ng kahirapan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang itakwil ang mga nagawa ng isang pulitiko purke't ma-gimik siya.
Si Pangulong Estrada na itinuturing ninyong maka-masang talaga, kung titingnan ang statistics at indexes ay makikita nating sa kanyang termino pinaka-naghirap ang masang Filipino. Ngunit isang TraPo rin na nagsulong ng Cheaper Medicines Bill ay ating sinasalaula.
Huli, wala lamang sa pulitiko ang burden ng governance sa Filipinas. Nalulungkot ako dahil hinuhusgahan natin si Mar dahil sa kanyang mga gimik. Ngunit kung hindi naman siya gumawa ng gimik, pagkatapos ng eleksyon at sakaling di siya napansin ay sisisihin natin siya para sa kakulangan sa pagpapakilala sa madla. Minsan kailangan mong pumasok sa loob ng sistema upang baguhin ito. Kung nasa labas ka lamang, napakalaking pader lamang ng structured system ang babanggain mo.
Hindi ko sinasabing iboto natin si Mar. Sinasabi ko'y hindi naman "healthy" ang debate na inihahain para kay kael sa blog na ito. At siguro, kung hindi ninyo kayang magkaroon ng matinong discourse - dahas lamang ang gigising sa inyong mga siraing ulirat.
I think most of us have lost already the ability to discern the difference between a trapo and non-trapo. Sige nga, sa mga nagsasabing trapo si Sen. Mar, paki elucidate nga, "how not to become a trapo?"
Grabe maka-comment ng negative mga tao dito ah! Sobrang makapagbintang ng trapo. Bakit sa mga nakaupo ba sa gobyerno o sa mga gustong kumandidatong presidente sino ba ang sa tingin niyo na mas matino pa? Kung may masasabi kang pangalan sige igagalang ko opinyon mo. Ang sa akin lang kahit na anak mayaman pa ang pulitiko hindi nila kasalanan yun kaya nga gumagawa ng paraan para maabot ang maliliit na mamamayan eh. Yung mga nagawa niya mayayaman ba ang nakinabang? Mahihirap ang nakikinabang di ba? Hindi niyo alam ang mga nagawa niya aba eh bilang edukada eh magresearch ka. Hindi ko kilala si Mar pero buhat ng malaman ko na tatakbo siya eh nagresearch ako at kahit papano napaniwala ako na mabuting tao siya at maayos ang pangarap niya para sa bansa para sa kanyang pagtakbo bilang presidente. Kaya sobra ang gimik niya ay dahil sa gusto niya talagang manalo. Ang mga gimik at kampanya sa sulok ng bansa ay para sa masa na walang alam sa internet at intelehenteng diskusyon. Para naman sa mga professional na tulad natin kailangan natin magsaliksik at kung sa tingin natin ay tama ang kanyang ipinaglalaban at walang bahid naman siya ng katiwalian bakit hindi natin tulungan ang mga mangmang na hikayatin kung sino ang tamang iboto? Para umunlad naman ang Pilipinas. Kung gusto mo ng libreng gamot pumunta ka sa Australia. Baka nakakalimutan mo mahirap ang bansa natin kaya huwag kang masyadong magmagaling. Ang sa akin lang kung hindi mo gusto ang isang kandidato pero alam mo naman na walang ginagawang masama ito sa kanyang panunungkulan at isang mabuting tao naman, naku eh huwag kang manira o magcomment ng sobrang negative. Loser! Kung mananalo si Mar at inaalala mo na hindi matutulungan ang mahihirap eh nagkakamali ka, sa tingin ko hindi yan mangyayari, hindi niya kayang payamanin ang mahihirap kung yan ang gusto mo pero sa tingin ko hindi sila mapapabayaan. Sayang sinira ng mga taong bugok ang isang tao na karapat dapat maging presidente. Buti na lang mabuting tao din naman si Noynoy nga lang ang accomplishments at leadership ability niya mas magaling sana kung si Mar.
tol sorry wala na kong confidence sa gubyerno. sabihin na nating sige, magaling at honest si mar (granted, assuming without admitting, hehe) pag naka-upo na siya, i-co-corrupt din siya ng sistema. may built-in na panira ang kasalukuyang sistema ng pamumuno natin. digs ba? nagulat ako dito sa post mo na to kase sabi mo nga, dina-downplay mo palagi dati. tinanong pa nga kita, sabi mo, wala yun, trabaho lang. john lloyd rule! mas digs ko kung john lloyd rule. kase ako din, nagtatrabaho. pero wala akong posts sa blog ko ng mga kabutihan ng The Man kase mulat ako mula sa umpisa na---john lloyd rule! digs.
astig ng pagkasulat. na-feel ko yung sincerity mo. si salonga at roco din ang mga manok ng parents ko nung mga unang presidential elections. iboboto ko sana si mar sa eleksyon, regardless of the political gimmicks.
i only got to read this now. i also felt bad about Mar Roxas stepping down, and now i feel that my thought had been backed up by this, a sort of confession from a person who worked closely with mar roxas. he deserves to run for the presidency more than noynoy. i would've voted for him. now i don't have someone i want to vote for president anymore. kudos for a well done piece.
awesome! :)