May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
o, kay tulin ng araw
Wednesday, December 28, 2005
1.
Nagyoyosi ako sa tapat ng bahay namin nang may dumaang mama. May karga siyang papag sa likod niya. "Papag! Papag!" 'ka niya. Itinanong ko kung magkano. Seven-fifty daw. Hindi ako tumawad kasi hindi ko naman bibilhin. Walang paglalagyan ang papag sa makipot naming tahanan. Wala na akong pambili ng papag kasi katatapos lang ng pasko. At unang-una, aanhin ko naman ang papag?
Hinahanap ko ngayon ang tula ni Doc Cirilo, 'yung "Third World Geography." Wala akong makitang kopya. Hinahanap ko, partikular, ang linyang nagsasabing: ganito sa bayan namin; lahat nagagawang talinghaga.
2.
Heto ang isang listahan ng mga pangyayari mula sa 2005 na habambuhay kong gugunitain:
Teka, sandali. Sa totoo lang, ililista ko ang mga ito dahil gusto ko silang gunitain balang-araw, at alam kong kung hindi ko sila ililista ay malamang maglaho lang sila; mahirap pagkatiwalaan ang kalawangin kong memorya. Okey.
Muli, ito: mga pangyayari mula sa 2005 na ayaw kong maglaho, kaya ko ililista ngayon, dito:
2.1. Pagpunta sa UP Fair pagkatapos ng gig sa Purple Haze, nang lasing at luhaan. 2.2. Pagbi-videoke sa Baguio kasama ang ilang bayaw. 2.3. Pag-inom ng (at least) dalawang boteng beer sa may seawall ng Dumaguete pagdapo ng takipsilim. 2.4. Masigasig na inuman tuwing Lunes. 2.5. Itong paskong kadaraan lang. 2.6. At marami pang iba.
3.
Ako: O, class, sino sa inyo ang narinig na ang salitang "Hybridity?"
Estudyante 1: Ser, di ba 'yan 'yung parang sa makina ng sasakyan? 'Yung puwedeng de-kuryente at de-gasolina?
Ako: Okey, puwede, puwede. Sa klase natin, ang ibig sabihin ng hybridity ay...
Estudyante 2: Ser! Ako, ako-- di ba 'yung hybrid e 'yung anak ng shitzu at ng bulldog?
Ako: Ano 'yun? Di ba aso pa rin 'yun?
Estudyante 2: Ser, hindi! Bullshit!
Hwooooooooooookeyyyy.
4.
May nadaanan akong kanto kung saan nakapila ang maraming dyip. Ang sabi ng barker: "Remedios! Remedios! Aalis na, kaunting usog lang po!"
Sa loob-loob ko: Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi mo? Talaga bang madadala mo ako diyan?
Magkano ang pamasahe?
5.
Third Person Neuter Heather McHugh
Is God mad? Was Christ crazy? Is the truth the legal truth? (Three PhDs who swear
the human being God who believes a human being God is what, in fairness, speaking
clinically, we call a nut.) No jury, given sacred laws
of science and democracy, would now forgive so big a claim as Christ's-- a claim for good. (The wounded get
their settlements in millions, not worlds-without-end.) We think of bliss as ignorance, and heaven as naivete: the doctor's
a philosopher, the priest a practicing apologist. Not one of them will let me see
with my own eyes my friend again. When experts gave him time, it made his luck and language die. What good
was love? It was the ultimate authority to quit. He had no use
for flesh at last and, Christ, I'm made of it.
6.
Gets n'yo? BULLdog, SHITzu. Bullshit.
7.
Ang sabi ng nanay ko, kapag daw nagreregalo ka ng sapatos, tsinelas, doormat, o kahit anong tinatapakan, dapat manghingi ka ng barya sa pinagbibigyan mo. Para raw hindi matatapakan ang pagkatao ng nagbigay.
Nalibang ako sa post mo! Happy New Year!