abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

isa na namang madaling-araw
Saturday, January 28, 2006
Q: Ano ang gagawin mo kapag may sangbatalyong deadline na tumutugis sa 'yo?

A: Uupo at tititig sa monitor. Maninigarilyo. Uupo at tititig sa monitor. Magsusulat ng isang linya. Maninigarilyo. Iihi. Kakausapin ang aso. Uupo at tititig sa monitor. Buburahin ang isinulat na linya. At tititig sa monitor. At tititig sa monitor. At tititig sa monitor...

Q: At ano ang gagawin mo kapag nagsawa ka nang tumitig sa monitor?

A: Magkokonek sa internet. Magbabasa ng mga blog ng mga kaibigan, mga kakilala, mga hindi kakilala. Maiiisipang mag-update ng sariling blog.

Q: Pagkatapos?

A: Tititig at tititig at tititig pa ulit sa monitor dahil wala ka namang maisip na makabuluhang sabihin. Maninigarilyo. Maninigarilyo. Maaalala ang sinasabi ng mga matatatanda: kapag wala ka namang sasabihing mahalaga, mabuti nang manahimik ka na lang. O hayaan ang iba na magsalita para sa iyo.

Q: Sino naman ang magsasalita para sa iyo ngayon?

A: Si Lawrence Raab.

Q: At ano ang sinasabi niya?

A:

The Invisible Hand
Lawrence Raab

No, I just can't write today, I said
to myself, sprawling on the couch, my mind
an open invitation to sleep, when there it was:
The Invisible Hand. A title. Having arrived
unbidden, it felt like inspiration,

but like a movie as well, which troubled me.
Hadn't I written that poem already? I recognized
the brilliant scientist, whose inattention
to the world causes the accident that kills
his pretty fiancée, pushing him over the edge

and fixing all his genius on a single idea:
the reanimation of matter. Until finally
she is yanked out of the dark nether-regions
where the dead live. And from which, he discovers,
they have no desire to return. Yes,

but how does the invisible hand come in?
It had to be literal. No hand of fate,
no impalpable guiding force, but actual flesh,
chopped off, then bandaged, and sometimes
(but not always) transparent. Once it might

have been attached to a famous musician,
so this hand knew beauty, but had learned
how to kill, and thus was torn
between those great forces that make war
in a man's soul. This wasn't a poem I had written,

but could a murderous, disembodied hand
really be the best approach? Then I was struck.
Had it been The Invisible Man? It was time
for lunch, and as I ate I thought. Soon
I'd take my dog, Molly, for a walk,

after which we'd drive to the Stop & Shop,
and so on through the rest of the afternoon
until the whole idea of an invisible hand
might begin to seem—- as in fact
it already had—- just a little silly.

And walking outside with Molly, the fields
around us lavishly green, the lilacs almost
unbearably rich, puffy white clouds
scooting through the sky, even the idea
of writing a poem felt like a project

better left to another day, a morning
with fewer distractions, quieter, when the wind
would not be bending the small trees so fiercely,
making them creak and shudder, as if touched,
and touched again, by everything I could not see.

Q: At kung tumingin ka sa bintana at makita ang nakaambang madaling-araw, dala ang papalapit at papalit nang mga deadline mo, ano ang gagawin mo?

A: Ikaw, ano ang gagawin mo?

Q: Ewan. Tititig din kaya sa monitor?

A: Maaari. O susubok humalukay ng ligaw na linya mula sa gusgusing notebook, ng maanghang na dalumat mula sa bukbuking sentido?

Q: Papansinin ba kung nagbabago ang tono ng pananalita ko, kung may tinutungo itong...

A: Itong ano?

Q: Hindi ka pa ba nagsasawa?

A: At bakit mo iniiba ang usapan?

Q: Dahil naliligaw ka na naman.

A: Sino ka para tumukoy ng landas?

Q: Hindi ako nagmamalaki, o umaangkin ng katungkulang hindi naman sa akin. Ano ba talaga ang gustong mangyari?

A: Iniiba mo na naman ang usapan.

Q: (katahimikan)

A: Ano?

Q: Hindi mo sinagot ang tanong ko.

A: Hindi ko alam.

Q: At sa tingin mo, alam ko?

A: Magtrabaho na tayo. Hindi puwede ang ganito. Marami pang bayarin.

Q: Hindi, hindi. Mag-usap muna tayo. Lagi kang ganyan-- ibinabalandra mo na wala kang pera. Ano ba'ng gusto mo, simpatiya? Hind ka pauutangin ng mga nagbabasa ng blog na 'to, 'no.

A: Ang sakit mo namang magsalita. Alam ko naman'yun, e. Ano ba ang gusto mong pag-usapan?

Q: Ikaw. Diyos? Pag-asa? Gutom? O mas simple-- basketbol? Artest para kay Stojakovic-- sino'ng nalugi? Nag-rerebuild na naman ang Minnesota. Hindi ka ba naaawa kay Garnett?

A: Wala akong ganang makipag-small talk sa iyo.

Q: Ha. Hahaha. At mas gugustuhin mong kausapin ang sarili mo? Mahiya ka naman. May ibang nagbabasa nito. Salsal na naman?

A: Putangina mo. Putang ina mo talaga.

Q: O, napipikon ka yata. Ba't ang init ng ulo mo? Natatakot ka ba sa mga deadline mo? Alam mong hindi mo na sila aabutin. O, baliktad: aabutin ka na nila. Kailangan mong matulog, kundi lupaypay ka mamaya. May game kayo, di ba? Sa ABL? Haha. Mas importante sa iyo 'yun, ano? Kaysa deadline?

A: Dalawang oras lang ng laro 'yun. Apat, kasama ang paggagayak at pahinga. Tapos trabaho na ulit.

Q: Apat na oras? Kahit may mga deadline ka? Hindi ka na nahiya. Putangina, putangina mo talaga. Ang kapal. At sa tingin mo, iindahin ng team mo kapag wala ka?

A: Walang magkukuwatro, kulang sa malaki, may pilay si James. Bakit mo ako minumura?

Q: Nauna ka.

A: Ano ngayon? Ano'ng gusto mong mangyari?

Q: Kung alam ko ba, magtatanong pa ako?

A: Ha?

Q: Ha?

A: Nangangapa ka, ano, naghahanap ng paraan para tapusin ang usapang ito.

Q: At ikaw, hindi?

A: (katahimikan)

Q: (katahimikan)

A: Magiging pangit ba ang ending kung bigla na lang tayong aalis?

Q: Medyo. Pero ngayong naging self-reflexive ka na, baka makalusot.

A: Pero matatalino ang nagbabasa ng blog na 'to. Hindi puwede 'yang po-mo effect na ganyan.

Q: E di hindi rin gagana kung bobolahin mo sila. Ayain mo na lang akong bumili ng yosi, bilis.

A: Bakit?

Q: 'Yun na ang exit natin. Para kunwari nakalambitin. May pag-asa ng pagbalik, at 'yun na mismo ang closure.

A: Nagiging self-reflexive ka na naman.

Q: May iba ka bang naisip na solusyon?

A: Wala, pero puwede pa akong mag-isip. Kaya lang wala na tayong yosi. Bili muna tayo du'n sa bakery?

Q: Tara.

A: Tara.
posted by mdlc @ 4:34 AM  
1 Comments:
  • At 2:51 PM, Anonymous Anonymous said…

    Q: Wasak ba 'tong entry na 'to?
    A: Wasak!

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto