abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

putukan atbp.
Monday, January 02, 2006
1.

Nagdasal akong umulan noong bagong taon. Para hindi masyadong maingay sa amin.

(Nagdasal?)

Umasa. Umasa akong uulan noong bagong taon. Inisip kong sana umulan noong bagong taon.

2.

Kaya daw nagpapaputok ang mga tao e para itaboy ang mga masasamang ispirito at ang malas. Takot daw sa putukan ang mga 'yun.

(Bigla akong napaisip: oo nga, ano: wala yatang motel o apartment ng college student na may multo.)

(Ikaw naman, Mikael, o. Unang post mo sa bagong taon e kabastusan na kaagad ang nasa isip mo.)

Hindi; naalala ko 'yung apartment ko dati sa Abada. May multo du'n.

Isang gabi, naalimpungatan akong bukas ang ilaw sa banyo. Ang unang pumasok sa isip ko e 'yung kaibigang inimbita kong tumambay sa apartment-- hindi naman siya natuloy umistambay, pero siyempre nga't naalimpungatan lang, wala pa ako sa matinong ulirat, kaya't inisip kong siya 'yun. E di tinawag ko nga ang pangalan niya. Patuloy kong narinig ang ugong ng gripo, ang pagpatak ng tubig sa balde. Hindi siya sumagot.

Hindi ko ugaling magkandado ng pinto, kaya naisip ko na baka may pumasok na sanggano. Bumangon ako para kuhanin ang baston ko ('yung pang-arnis,) saka ako tumayo sa may pinto para hindi makalabas ang inaakala kong sanggano.

Noon bumukas ang banyo. Lumabas nga ang (inakala kong) kaibigan ko, at sinabing, "O, ano'ng ginagawa mo diyan? Tara, tulog na tayo." Hindi ko naaninag ang mukha niya sa kalahating-liwanag ng buwan, pero naka-high school uniform siya. Ha? Kinky, 'no?

Pero 'yun nga, magkatabi kaming natulog noon. Tulog lang, a. Kinabukasan inisip ko ang ka-weirdohan ng lahat ng nangyari. Ituturing ko sanang panaginip 'yun. Ang labo naman kasi, e. Pero pagbangon ko, nakita ko ang baston na nakasandal sa pinto, nag-aabang, parang patunay na totoo ang nakita ko.

3.

Okey, take two.

Kaya daw nagpapaputok ang mga tao e para itaboy ang mga masasamang ispirito at ang malas. Takot daw sa putukan ang mga 'yun.

Dati, sa amin, alas dose pa lang ng tanghali e ang lakas na ng mga paputok, walang tigil, parang may nagsindi na ng sawa na sing-haba ng EDSA, titigil lang sa pagputok nang mga bandang alas-tres ng madaling-araw. Siguro nga maraming masasamang ispirito na dapat itaboy. Siguro nga. Noon.

Pero mukhang hindi yata gumana ang mga paputok noong araw. Nagsibagsakan ang mga negosyo, kakaunti na lang ang may matinong trabaho. Nagsisimula ang putukan ngayon nang mga bandang alas-diyes, natatapos mga alas-dose y media. At kumpara sa mga paputok dati, ngayon parang ihi ng matandang may sakit sa bato ang putukan. Wala na.

Sana nga ang ibig na lang sabihin nito, kumakaunti na ang masasamang ispirito na itataboy.

Sana hindi na lang totoo ang pamahiin.

4.

Other Obit
Dean Young

Night, what more do you want? Why this second per second
scream? My friend Nick used to sit all night in the same
booth all night with a pile of quarters for pinball and
jukebox. He loved the one where the balls disappeared
up the bonus-lit chute. He loved the song where the wife
smelled shirts, all tilt and jilt and sometimes he'd
bring back a waitress who'd play the records we never
played. You know the ones, everyone has those records. It
was the age of Aquarius and once we wanted to remember
the comedy, movies, the primitive flutes. I'd come down
and there they'd be, nearly glamorous with smoke and wine,
all the shades pulled. Night, even then you couldn't give
up, there was your lariat in the corner, your ashes
everywhere. It might have been the drugs we kept zip-
locked in the cranial cavity of, a pig, a skull Nick
found where a pig had died or at least a pig's head had
died. Aren't I cute? Don't you like my legs? Night, what
pleases you? From the beginning, the body's full of
holes. Night, these are the facts and the philosophy of
facts. See how they grin back fast faces like the 23
windows he fell past. Jumped past. When does a jump
become a fall? There were a few more floors but 23 was
enough, enough climbing he must have thought then opened
the window by the stairs. I thought at least there'd be
a note. Help or a simple declarative sentence. They
seemed to take forever with the organ, the hot-house
arrangements and how his parents hated me that open-holed
day. Adios, au revoir, good night. You want me on my
knees? I'm on my knees. When I was a child I'd listen to
the owls rouse their fiefdoms. Say the little prayer.
When I was a child. When I was a cantaloupe. When I was
an enemy spacecraft hovering over the Pentagon. Tick
tock and such a puddle. Tick tock my soul to keep. Tick
tock and such deep wagons on so many panged wheels.

5.

Tulog ako nang magbagong taon. Maliwanag at maingay ang mga panaginip ko.

6.

Hindi ko alam kung bakit 'yang "Other Obit" ang tulang naisip kong ipaskil ngayon. Medyo malungkot siya, at galit. Hindi yata bagay sa pag-asang dala ng isang bagong taon.

Ewan. Siguro, gaya nga ng sabi ng isa sa mga bumati sa akin sa text, wala naman talagang bago sa bagong taon, walang nagbabago.

Ang ibig sabihin, construct lang 'yan.

Ang ibig sabihin: sa isip nagmumula ang pagbabago. Hindi sa kalendaryo.
posted by mdlc @ 2:04 PM  
2 Comments:
  • At 12:49 PM, Blogger Marcus Aurelius said…

    tama, nasa puso at isip ang pagbabago, fan mo pala ko dude, nang minsang matiyempuhan ko ang site mo, binalikbalikan ko na, parang beerhouse :)

    http://www.curiosityandtruth.blogspot.com

     
  • At 6:00 PM, Blogger Zhinesade said…

    naalala ko lang abada days ng friends ko nung college...meron din daw multo dun haha. but then, again, baka nga walang putukan dun..mejo geeky sila e :P

    happy(?) new year dude! galing mo magsulat. 'stig.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto