abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

‘Yun na ‘yun, Bok: Isang nabigong tangkang pagkasyahin ang aking poetika sa halos dadalawang pahina
Saturday, March 14, 2009
(Dahil baka iniisip mong naglaho na ako, dahil nga ang tagal ko nang hindi ina-update ito. Ito 'yung minadali kong brief ng poetics na ipinasa bilang requirement sa isang workshop. Para lang ibulong sa iyong, huy, rakenrol. Nandito pa ako.)

BUTI NA LANG WALA AKONG kotse, kasi ang totoo, sa tren lang talaga ako nakakapag-isip tungkol sa ganitong mga bagay. At sa dinami-dami ng biyahe ng tren mulang Recto papuntang Cubao, siguro makabubuo na ako ng tesis para sagutin ang mga tanong na dapat yatang nasasagot ng bawat manunulat: 1) Why do I write; 2) Why do I write the way I write; at 3) Whom do I write for.

Problema nga lang, sakit ko rin ‘yung sakit ng bawat manunulat: Ang daling mag-isip, pero ang hirap isulat ang lahat nang naiisip. Kapag ino-organize na, kapag ilalapat sa papel, parang naglalahong lahat. Parang ang daling makipag-inuman at ideklara sa mga kaibigan, sa tapat ng beer, ang mga paniniwala ko ukol sa pagsusulat. Kapag may nagtatanong, parang ang daling sagutin. Kapag sa akin mismo nakasalalay kung paanong sisimulan at padadaluyin ang usapan, ang hirap, hirap, hirap yata.

Meron na akong mahabang listahan ng mga pamagat, sa totoo lang, ng isusulat kong papel/tesis/encyclopedia/library ukol sa poetika ko: “Against Universality,” para medyo kontrobersyal; “Affect and the Pursuit of the Ineffable,” para medyo misteryoso; “Secret-sharing and Engagement in The Lyric Mode,” para medyo pa-intelektuwal. Pero sabi ko nga, doon na lang din ako naipit, sa mga malalaking ideya na sa totoo lang e kailangan ng mahaba-habang panahon at marami-raming bote ng beer para talagang mai-flesh-out sa papel. Hindi yata sapat ang bumiyahe lang sa tren.

Kaya heto, kahit medyo minadali at sobrang late na, pipilitin kong pagkasyahin sa iilang pahina ‘yung papel/tesis/encyclopedia/library ng poetika ko.

Siguro, para simulan, pinakamagandang itanong sa sarili kung “Ano ba ang mahalaga?” Ibig sabihin, sa mga binabasa at sinusulat kong akda, ano ‘yung hindi puwedeng mawala? Ano ‘yung kailangang nandu’n para ituring ko ‘yung akda na—hindi lang “panitikan,” kasi mas mahaba-habang usapan ‘yun, at siguro mas okey kung sa ibang kuwentuhan na lang natin diinan ang topic na ‘yun—hindi lang panitikan, pero ‘yung maganda, ‘yung astig?

Kaya ayun: ang sagot ko sa kung ano ba ang mahalaga: ‘Yung may Dating. Simula pa lang ng buhay-panulat ko, iniisip ko na ang maganda para sa akin e ‘yung malakas ang Dating, ‘yung kaya bang ikuyom ang puso ko o patinginin ako sa bintana. At napatibay lang ang paniniwala ko rito sa isang klase sa M.A. (na hindi ko naman din naituloy,) kung saan nabasa ko ‘yung papel ni Manong Bien Lumbera tungkol sa Dating bilang panimulang estetika ng panitikang Pilipino.

Lalong lumalim ang pananalig ko sa Dating sa isang seminar class sa Philosophy na kinuha ko bilang elective—‘yung “Contemporary Crises in Reason.” Kapag ang pambungad ng lecture e ‘yung sinabi ni Pascal na “The heart has reasons that reason cannot comprehend,” at dumiretso na upang pag-usapan si Levinas (“In the face of the other the finite becomes transcendent,”) hanggang umabot kay Scheller at sa mga teorya niya tungkol sa affect, siguro nga sapat na ‘yun para mapagtibay ang mga paniniwala ko.

At ano nga ba ang paniniwalang ito tungkol sa dating, sa affect? Ganito, in a nutshell: Oo, siyempre, logical system ang wika. Pero ‘yung sining, ang nagpapasining sa kanya, ‘yung katangian niyang i-extend ‘yung boundaries ng logical system na iyon—o, siguro, more accurately, ‘yung kapangyarihan niyang ipa-intuit sa atin kung ano ang nasa kabila ng boundaries na iyon. Art transcends (or at least attempts to transcend) mere logic to remind us of that human part of us, the part that thrives in the humility of saying that no, not everything can be explained. That thrives in faith, actually: Faith that there is a langue upon which each of our paroles are anchored upon—that there are things that cannot be encased in our feeble attempts at understanding. Kutob ko, nandu’n ang affect, e. The heart has reasons that reason cannot comprehend.

Kung hindi pa obvious, dito ko na rin babanggitin na hindi yata maipapaliwanag ang affect, anumang pilit natin. (Kaya nga marapat na sabihin na mas mapag-uusapan ang affect hindi gamit ang pormalistikong pananaw, kundi ang reader response.) Beyond language nga, di ba. Kaya mula sa puntong ito mukhang mahihirapan na akong ituloy ang papel na ito.

Siguro ang susunod na hakbang e ang itanong kung ano ‘yung mga katangian ng affective na akda. Una siguro sa listahan e ‘yung nakasanayan ko nang tawaging earnestness. Ibig sabihin: Clarity, and intensity, of emotion. Kapag nararamdaman mo ‘yung linaw at igting ng damdamin ng nagwiwika sa isang akda, nga naman, di ba, mas madaling tamaan dito?

Naaabot iyon, sa paniniwala ko, sa maingat na paggamit ng mga silences sa isang akda. Sa madaling sabi, pacing, at momentum. Kailan gagamit ng period, o ng coma, o ng double-dash? Kailan puputol ng linya? At bakit mahalaga ito?

Heto ‘yung isa sa mga pinakamahalaga kong natutunan ukol sa pagsusulat: Mahalaga ang handling ng silences kasi kinokontrol nito ang hininga. Hininga ang nagdidikta kung gaanong katagal magbababad ang mambabasa sa isang linya o kataga o imahen, o kung gaano kabilis niyang padadaanin sa haraya niya ito. Hininga ang nag-aapproximate ng emotion. Hininga ang nagbibigay sa atin ng signos kung gaano katotoo ang damdamin.

Sa kabila ng kahalagahan ng clarity and intensity of emotion, ng earnestness, nakababatang kapatid lang ito ng isang mas mahalagang elemento ng poetika ko. Para ipaliwanag iyon, mahalaga ang back story.

Noong nag-aaral pa ako ng M.A. ko, postkolonyalismo ang teoryang pinakakinahumalingan ko. At sa pag-aaral ng teoryang iyon, may ilang ideya na hindi ko mabitaw-bitawan, hanggang sa mapagtanto ko na ngang doon pala nakaangkla ang buong poetika ko.

Una e ‘yung konsepto ng third space ni Homi Bhabha. Kung sa kondisyong postkolonyal e madaling maipit sa colonizer-colony dialectic, mahalagang alalahanin na kayang bumuo ng postcolonial individual ng third space kung saan lalabas siya sa nakasanayang systems of signification (and thought).

Ibig palang sabihin, itong third space na ito pala ang espasyo kung saan maeexplore ang lahat ng proyekto ng postkolonyalismo: resistance, ambivalence, re-membering, (ang kontrobersyal na) reconstitution, at (ang lalong mas kontrobersyal na) retribution.

At ito na ‘yun, ang pinakakinaaangklahan ng poetika ko: Itong third space na ito ang espasyo kung saan nagaganap ang phainomenon ng secrecy. (Galing kay Vince Rafael ang konsepto, sa sanaysay na “Freedom=Death: Oaths, Conjurings, and the Power of Secrecy.) May kapangyarihan ang lihim, ang wika, na magbigkis ng mga postkolonyal na indibiduwal, dahil labas ito sa system of signification ng colonizer. Secrecy creates an ineffable bond between the secret-sharers, a bond which invites people of the same condition into its space.

At itong ineffable bond na ito ang siya ring nagbibigkis sa pagitan ng nagwiwika at winiwikaan, sa pagitan ng makata at mambabasa. Kung imomodify nang kaunti, hindi naman talaga secrecy ang nagbibigkis, kundi ang phainomenon ng secret-sharing.

Dahil nga dito naliwanagan ako, bilang manunulat, sa kapangyarihan ng tulang magbigkis ng mga indibiduwal—lalo na ang mga postkolonyal na indibiduwal. Ang postmoderno at postkolonyal na indibiduwal—dahil sa panahon ngayon kung saan SSS at credit card number na lang ang tao, kung saan kabi-kabila ang tangkang i-dehumanize tayo, kung saan patuloy pa rin ang paniniil sa mga dating kolonya na ngayo’y bahagi ng third world, kung saan naghahari ang sistemang nagsasabi sa ating “mahalaga ka lang dahil nakakabili ka ng magarang celphone/kotse/damit,” ang sistemang sakim at papasok sa sarili, na nagkukulong sa atin sa kapital, sa numero, sa lohika—ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng sining e ang sabihin sa indibiduwal na may puso ka pa rin, kaya mo pang maramdaman ang lahat nang ito, ito (pagkuyom ng puso, pagtingin sa bintana). Kung baga: The heart has reasons that reason cannot comprehend, and you have a heart.

At ‘yun siguro ang punto: Resistance. Resist everything that denies us our humanity. Kaya nga siguro ang liriko ang naisip kong pag-ubusan ng panahon sa panulat ko. For the postmodern, postcolonial individual, the lyric mode is one of the most potent forms as it offers us a site of resistance, a well-bounded space that allows us to engage in secret-sharing. Hindi nga sigurong maling sabihin that the lyric space is the third space: Binibigyan niya tayo ng espasyo kung saan mapapaalalahanan tayong tao tayo.

Naaalala ko, minsan, ininterview ako para sa isang feature ukol sa mga batang manunulat. Ang tanong, bakit? Bakit pa? Ang sagot ko: To stay human. Of all my incoherent attempts at articulating why I still do this, of all the talk about my bilinguality (which I think is secondary to the idea that, heck, poetics transcends the geographies of language,) about my poems’ hyperactivity, its alleged disregard for the idea of “economy” in poetic language (which I think reflects my condition as a postcolonial and postmodern individual,) of everything I’ve said about poetry so far, ‘yun ang mahalaga, e, ‘yun na ‘yun, bok: It reminds us to stay human. It reminds us that we have a heart, and through art, in our most secret (lyric!) moments, that heart beats in its glorious, jagged, flawed, human rhythm.

Labels:

posted by mdlc @ 11:17 AM  
9 Comments:
  • At 6:47 PM, Blogger tzaddi salazar said…

    good work, tol. yes, that's it: art -- all art -- reaffirms our humanity.

    yeah i actually read ALL of it. gaddam hehe. tigilan mo na kaka-blog, mehn, maglabas ka na ng libro ; ) it. is. time.

     
  • At 10:56 AM, Anonymous Anonymous said…

    sarap naman basahin nito. kahit narinig ko na sa'yo ang iba sa mga 'to, iba pa rin 'yung nakalatag. 'yung kapag gusto ko muling mabasa (marinig, dahil boses naman talaga ito), kapag kailangan, babalik lang ako dito.

    at oo, nag-aabang din ako sa libro mo.

     
  • At 2:27 PM, Anonymous Anonymous said…

    magaan subalit may sapak. kumbaga, mararamdaman ng mambabasang may pumipintig pa sa kaniya, na ang puso ang lungsod ng pagkatao niya.

    galing mo talaga kael.

     
  • At 9:31 AM, Anonymous Anonymous said…

    Interesting yung sinasabi mo kung saan naka-"angkla" yung poetika mo. Pero ang tanong, kung malaman mo na naka-angkla ang poetika mo sa isang konsepto/teorya/ideya/kung-ano-man-yang-tawag-dyan, ibig sabihin ba doon na palagi uugat yung mga isusulat mo sa mga susunod na araw/buwan/taon? Ibig sabihin ba na hindi nababago ang angkla ng isang makata o manunulat sa buong buhay niya?

    Siguro naalala ko lang yung comment ni Bill Knott sa blog niya:


    what did the major socialist poets of the 20th century actually finally decide about the purpose of poetry?

    What did Brecht and Neruda finally conclude, what did they opt to do in their poetry after they made a commitment to communism?

    They did the same thing that Mayakovsky did, and many others:

    they moved toward a poetry of direct statement, a poetry written for and intended to be as accessible to as many readers as possible.

    Neruda's Residencia was arguably the most advanced/avantgarde poetry since Mallarme, looked at in terms of its esthetic alone—

    but Neruda left that extravagance behind, and moved toward a plainer, more colloquial style— perhaps influenced by Nicanor Parra.

    Eluard did the same. Brecht's poetry, after a spell or two of youthful Rimbaudian experimentalism, did the same.

    Mayakovsky spelled it out: "I set my heel on the throat of my own song."

    All these poets moved toward and believed in a poetry of direct statement, a poetry intended to reach as wide an audience as possible.

    Forget the Theory, and look at the Practice. Look at what socialist poets all over the world finally chose to write:

    consider they came to believe in the poem as a medium, not as an end in itself.

     
  • At 11:43 AM, Blogger mdlc said…

    @marlon: sa tingin ko ang tinutukoy mo e kung "magbabago pa ba ang pinagkakaangklahan ng panulaan mo?" simple lang, di ba: habang nagbabago ang karanasan, nagbabago rin siyempre ang mga life-views. hangga't buhay ka, there's a constant renegotiation between the work and the experience it reflects, or whose boundaries it extends, or attempts to transcend. At hindi ko gets kung ano ang kinalaman ng excerpt ng entry ni Bill Knot sa tanong mo; wala namang hirit du'n tungkol sa pagbabagu-bago pag-uugatan ng sinusulat ng makata. Ipinapaliwanag lang niya ang praxis ng isang partikular na poetika para sa mga taong nasiguro na ito ang gusto nilang paniwalaan. And even then, having also immersed myself in Neruda and Brecht's poetry, I'm sure that knott uses the term "direct statement" here pretty liberally-- parang ang point niya e transparency, as against the opacity of the language poets.

    And one more thing: I think brecht and neruda might be turning in their graves because of the way Knott so carelessly cast a dichotomy between "theory" and "practice" here. there is no such dichotomy, and if there were, it would surely go beyond the mere practice of poetry for these poets; it would encompass all of their actions-- and it did.

     
  • At 12:12 PM, Anonymous Anonymous said…

    Iniisip ko kasi kung ano yung angkla ni Neruda noong isinusulat niya yung mga tula Residencia at ano na yung angkla niya noong isinusulat na niya yung mga sinasabing "more accessible poetry." Siguro yung mas gusto kong i-explore na tanong eh kung ma-discover o mapag-desisyunan mo na yung angkla mo, kailan ka magde-desisyon na magi-stay ka dun sa angkla na yun at kailan mo malalaman na kailangan ka nang maghanap ng bagong angkla. May nabanggit ka tungkol sa damdamin: "Kapag nararamdaman mo ‘yung linaw at igting ng damdamin ng nagwiwika sa isang akda, nga naman, di ba, mas madaling tamaan dito?" Halimbawa, maaari kong iangkla ang panulaan ko sa ganitong konsepto, yung igting ng damdamin. Pero alam naman nating lahat na hindi permanent ang pakiramdam. Maaring sa isang punto ng buhay mo, malakas ang isang tula pagkatapos kinabukasan, pagkabasa mo, parang ang jologs na. Siguro nakuha lang rin ang atensyon ko ng irony ng tinatawag nating "angkla" o ugat ng poetiko ng isang makata habang yung ugat na yun eh nakabase sa sa mga subjective na konsepto o mga konsepto na mahirap ipaliwanag (ika nga ni Pascal: The heart has reasons that reason cannot comprehend).

     
  • At 10:34 PM, Anonymous Anonymous said…

    Naniniwala ako kay Saussure nang sabihin niyang nakaangkla ang mga parole natin sa langue, pero ano ba ang langue kundi ang pagtatalaban ng mga parole natin? Hindi posible ang parole kung walang langue, walang langue kung walang gagawa ng parole. Ang ibig kong sabihin, kapag sinabi kong "Ako", may "Ikaw", may "Tayo", may "Sila"; may "Doon", "Dito" at "Diyan." We speak therefore we are spoken, we speak therefore we exist. Kung titigil tayo sa pagsasalita, kung hahayaan nating iba ang magsalita para sa atin, yari tayo, yari tayong lahat.

    Sa ganitong lohika, nagiging imbisibol ba tayo kapag hindi nagsasalita? Hindi. Marami pang ibang paraan para mangusap. Tumingin, lumuhod, huminga. Sabi ni Mikael, makiramdam. Kung susundin niyo ang kanyang payo, siguruhin niyong siya ang sinusunod ninyo - hindi si Hallmark o si Hollywood o si Twilight o si Cushe o si Sarah Geronimo.

     
  • At 2:21 AM, Anonymous Anonymous said…

    Kung may pambili at makabibili, mainam makakuha ng nakabibilib na librong ito ni Charles Altieri: "The Particulars of Rapture: An Aesthetics of the Affects"

    Kung hindi naman, pagtiyagaan ang ilang pahina dito:
    http://books.google.com/books?id=o8yd3uo7JeEC&dq=Charles+Altieri&printsec=frontcover&source=an&hl=en&ei=PdrDSeroCZz47APQkvHQBw&sa=X&oi=book_result&resnum=4&ct=result#PPA4,M1

     
  • At 2:52 PM, Blogger mdlc said…

    uy bolix, galing nito, a, salamat! meron ba nito sa pilipinas, o kailangan kong orderin online o ipabili sa kaibigan abroad?

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto