May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
ngiyaw. ngiyaw.
Wednesday, November 09, 2005
Tangina parusang magrebisa.
***
Tanging Pananalig
"Hindi dugo ang tutubos sa kahirapan kundi pag-ibig na puspos." - Cirilo F. Bautista, mula sa Panangis ng Huling Tao sa Daigdig
Ngunit may silbi pa ba ang pag-ibig na hindi tinubog sa dugo? Dakilang makata, dito ko sa loob ng simbahan binabasa ang iyong tula, habang naaagnas ang lungsod at ang Diyos ay nasa langit lamang. Matagal na akong nagsawa sa paniniwalang kumikirot din ang Kanyang dambuhalang dibdib sa tuwing may batang inaangkin ng lansangan, sa bawat dalanging binibitbit ng alangaang, sa bawat tulang humahamon sa Kanyang kadakilaan. Ngunit ano ang lugar kong magmaktol gayong ang pasan nating tungkulin ay singbigat lamang ng kalawanging pakong nakaturok sa Kanyang mga palad? Dakilang makata, kailangang may magsabi sa Kanyang kailangan na Niya muling bumaba, ngunit may kutob akong hindi rin Siya nagbabasa ng tula. Gusto ko sanang kumatha ng panalangin ngunit naghahanap pa rin ako ng hiling na kayang buhatin ng hangin. Kung hiwain ko itong aking palad— may mabago pa kaya ang sangsang ng dugong papatak sa naghihingalong salita? Saan pupulot ng tinik na isisilid sa mga titik gayong ang tangi kong alam na pag-aaklas ay ang laban sa pananahimik? Gayong hawak mo na ngayon ang tangi kong paraan ng pananalig?
***
Galing kina Naya at Jeline: ang aking imagined literary family:
Father: Stephen Dunn o Pablo Neruda Mother: Mary Oliver Grandfather: Jorge Luis Borges o Graham Greene Grandmother: Wislawa Szymborska Brothers: Chuck Palahniuk, Dave Eggers, at Kurt Vonnegut. Tangina masaya ang inuman nito. Sisters: Anna Akhmatova Cousins: Neil Gaiman, T.C. Boyle, Anne Sexton Aunts and Uncles: Robert Hass, Ted Hughes, Yusef Komunyakaa, Ai, Sharon Olds.