abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Halata ba
Tuesday, August 09, 2005
...na anumang pilit ko e wala talaga akong makabuluhang maikuwento rito? Tangina, parang takot akong magkuwento, dahil pag inusal ko ang anumang gusto kong ikuwento e magiging korni 'yun, magiging baduy, magiging peke. O baka talagang tinatamad lang akong magsulat, kasi ayaw ko namang magkuwento nang bitin, di ba?

***

Tangina, natapilok ako nu'ng Biyernes nang hatinggabi, sa basketbol. Masakit hanggang Sabado nang hapon. Tapos paika-ika akong nagpunta sa SM San Lazaro. Unang beses 'yun, kahit na alam kong noon pang July 15 nagbukas 'yun. Medyo natakot nga ako, kasi raw umuuga ang buong building, sa dami na rin ng tao. May mga nagsasabing dahil minadali ang paggawa, kaya hindi masyadong stable.

Ang galing ng mga ganito. Naaalala n'yo pa ba nu'ng dati, nu'ng bata(ng-bata) pa tayo, 'yung sinasabi nilang kapatid daw ni Robina na taong-ahas na kamukha ng Anak ni Zuma na nangangain ng mga tao sa elevator ng Robinson's Galleria? Parang ganu'n, e, parang ganu'n ang pakiramdam ko. Ano kaya ang mayroon sa SM San Lazaro? Huhulaan ko: mayroon kayang mga trabahador na naaksidente at hinayaan na lang matabunan ng semento, gaya nu'ng panahon ni Imelda, sa Manila Film Center? Mayroon kayang lumang sementeryo sa kinatatayuan ng SM? May sumpa kaya ang lupa? Gumagawa na tayo ng sari-sarili nating alamat, 'yung buong komunidad ng mga naniniwala, ang sambayanang bayaw, parang iniineksyunan ng kung anong klaseng enerhiya ng sampalataya ang San Lazaro....

Halata bang pinipilit kong lagyan ng kung-anong reading itong pagyanig ng San Lazaro? Halata bang kababasa ko lang ng American Gods?

***

Hindi pa ako nagsisimulang maging card-holding member ng bayang karerista nang ilipat ang karerahan ng San Lazaro sa Carmona. Baka minumulto lang ng mga kabayo 'yung bagong-tayong SM.

***

Hindi ko na inabot 'yung mala-alamat na kabayong sina Thundervic at Real Top. Hindi ko rin inabot ang building ng Jai Alai sa Taft. Hindi ko rin inabot ang marami pang ibang bagay. Napansin kong sa mga luma kong entry, ang pinakamatitino e 'yung may nakasilid na katagang "Putangina, ano na ba'ng nangyayari sa buhay ko." Kung ano ang kinalaman ng mga binanggit kong 'yan sa "organicity" ng entry na 'to, hindi ko alam. Putangina ano na ba'ng nangyayari sa buhay ko.

Nga pala, nakakalakad na ako ng diretso ngayon, pero hindi ko pa rin kayang tumakbo.
posted by mdlc @ 7:45 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto