abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Tuesday, July 05, 2005
Wala lang, inayos ko lang ang template nito. Dahil nga sumpungin. Meron pala akong mga tanong; huwag kayong mahiyang sagutin kung alam ninyo ang sagot.

1. Magiging impact player kaya si Andrew Bogut para sa Milwaukee Bucks?

2. Mag-champion kaya ang Ateneo sa basketbol ng UAAP? Kainin kaya nang buhay ni Jap Aguilar ang lahat ng iharang sa harap niya?

3. Bakit kaya ang pangit ng laro ni Bata Reyes sa Worl Pool Championships? Dahil ba hinigpitan ang mga butas ng mesa?

4. Kailan kaya darating ang suweldo namin?

5. Sa iyo ko ba ipinahiram ang kopya ko ng "Kundi Akala" ni Allan Popa? Ipinahiram ko ba, o sadyang hindi ko lang matagpuan?

6. Kailan kaya magkakadireksyon ang buhay ko, 'yung direksyon na gusto ko?

7. Nagagandahan ka rin ba sa susunod na tula?

Candles
Carl Dennis

If on your grandmother's birthday you burn a candle
To honor her memory, you might think of burning an extra
To honor the memory of someone who never met her,
A man who may have come to the town she lived in
Looking for work and never found it.
Picture him taking a stroll one morning,
After a month of grief with the want ads,
To refresh himself in the park before moving on.
Suppose he notices on the gravel path the shards
Of a green glass bottle that your grandmother,
Then still a girl, will be destined to step on
When she wanders barefoot away from her school picnic
If he doesn't stoop down and scoop the mess up
With the want-ad section and carry it to a trash can.

For you to burn a candle for him
You needn't suppose the cut would be a deep one,
Just deep enough to keep her at home
The night of the hay ride when she meets Helen,
Who is soon to become her dearest friend,
Whose brother George, thirty years later,
Helps your grandfather with a loan so his shoe store
Doesn't go under in the Great Depression
And his son, your father, is able to stay in school
Where his love of learning is fanned into flames,
A love he labors, later, to kindle in you.

How grateful you are for your father's efforts
Is shown by the candles you've burned for him.
But today, for a change, why not a candle
For the man whose name is unknown to you?
Take a moment to wonder whether he died at home
With friends and family or alone on the road,
On the look-out for no one to sit at his bedside
And hold his hand, the very hand
It's time for you to imagine holding.

8. E kay Angel Aquino, nagagandahan ka ba?

9. Wala lang. Alam ba ninyong sinabi rin ni Carl Dennis ito?

"About language poets, I appreciate their concern to point out the way in which common language is constantly being corrupted by the discourse of political and commercial manipulation. I disagree with them to the extent they conclude that the only way to resist this corruption is by creating an opaque surface that forces the reader to labor in deciphering. As I write in my book "Poetry as Persuasion," "In its suspicion of clarity, language poetry tends to limit its task to the undermining of conventional discourse rather than trying to reclaim ordinary speech for truth-telling. We may ask why the intelligence that is exhibited in the clear-eyed cataloguing of linguistic abuses might not be used to help purify more directly the language of the tribe, resisting demotic speech by trying to say as clearly as possible what the poet believes to be important."

10. Naaawa ka na rin ba kay Allen Iverson? Kailan kaya siya manghihingi ng trade sa 76ers management na mukhang walang kainte-interes na manalo ng kampeonato?

11. Kumain na kaya ng hapunan ang mga tao dito sa internet shop? Tangina, ang ingay, e.

12. Napulot mo ba 'yung kopya ko ng Tropic of Cancer ni Henry Miller na naiwan ko dati sa Kitten's, sa may Dapitan?

13. Naniniwala ka bang malas ang numerong trese?

14. Ikaw, kumain ka na ba ng hapunan?

15. Kailan kaya ako sisipaging gumawa ng matinong blog entry?

16. Kapag kaya nakita ko nang personal ang mga buwakananginang nananarantado sa tag-board ko, makilala ko kaya sila, at mapigilan ko kaya ang sarili kong tusukin ng bolpen ang mga tainga nila, hagurin ng tinidor ang mga dibdib nila at saka sabuyan ng gasolina?

17. Kung mapaaway ako, dadamayan mo ba ako? Hindi ka ba matatakot masaktan?

18. Magloko kaya ulit itong template ng blog ko?

19. Kumusta?
posted by mdlc @ 9:19 PM  
6 Comments:
  • At 7:48 PM, Blogger dreyers said…

    Mikael, and ganda ng tulang pinost mo. Pati na rin si Angel Aquino. Tapos, ngayon ko rin lang napansin, ang ganda pala ng pangalan mo. Ang sarap banggitin at masarap din sa tenga. Di pa sigurado kelan ako makakauwi. Ikaw, kumusta?

     
  • At 4:07 PM, Blogger mdlc said…

    ako, steady lang. maraming abalahin at isipin. pero steady lang. hehe, siguro kaya ayaw mong umuwi e nakakilala ka ng guwapong hapones, 'no?

     
  • At 5:27 PM, Anonymous Anonymous said…

    hello mikael. kamusta? :) mas gusto ko pa rin yung privilege of being ni robert hass. salamat sa pag-post nun, ha. :) ingat.

     
  • At 1:16 PM, Anonymous Anonymous said…

    wla lng, gusto ko lng sabihin na ung agency ko ang ha-handle ng UAAP opening event bukas.. ako ang writer ng event script pero, leche, di ko mpapanood ng live, hanggang TV na lng ako.. priorities..

     
  • At 4:45 PM, Blogger the city reader said…

    gustong-gusto ko yung quote from carl dennis. reclaim ordinary speech for truth-telling!

     
  • At 6:21 PM, Anonymous Anonymous said…

    Wala, e. Bwisit kasi si Norman Black, inalis si Jap tapos pinalitan ni Ford. Dapat si Rabeh na lang, asteeg pa ang afro, parekoy.

    (Bakit nga pala wala nang outside shooting ang Ateneo?)

    Ano, hinihingian ka na rin ba ng talumpati? Malapit na ang Linggo (Buwan?) ng Wika. Bwahahaha.

    Tsaka, oo nga pala, malapit na ang 30 years ng Mata.

    Conspi kami ni Aaron mamaya. Sama ka?

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto