May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Thursday, June 09, 2005
Ang teorya ko, lahat naman ng tao may saltik, may topak, may kani-kaniyang kabaliwan, kahit papaano. Naalala ko, noong college, mayroon akong sobrang terror na teacher sa Botany. Nasa laboratory kami noon, sa harap ako nakaupo, tapos siya 'yung tipo ng teacher na umiikot-ikot habang naglelektyur. May hawak akong scalpel noon, at talagang nilaro ko pa sa utak ko 'yung scenario: sa mismong iglap na lumagpas siya sa akin sa paglalakad niya, tatayo ako, pupunta sa likod niya, at ibabaon ang scalpel sa ilalim ng kaliwang tainga niya, at dahan-dahang kakaladkarin 'yun papunta sa ilalim ng kanang tainga. Tapos maglalakad ako papalabas ng kuwarto nang parang walang nangyari, habang dumuduwal at nag-iiyakan at nakanganga ang lahat ng kaklase ko sa diri at sa pagkabigla. Tapos hindi na ako magpapakita sa kahit sino, habambuhay.
Minsan naman habang namimili lang sa palengke o nagbabayad ng pamasahe. May mga pukenangina lang talagang di makausap nang matino, 'yung puwede namang sabihin nang maayos ang dapat sabihin e kailangan pang pasigaw o pagalit. 'Yun 'yung mga gusto kong i-armbar, i-stone-cold stunner, o mas mainam, dukutin ang mga mata nang gamit ang kalawanging kutsara.
Pero, 'yun nga, di ko naman ginagawa. Ang iniisip ko, siguro, lahat tayo, umaabot sa puntong high-blood, 'yung puntong gusto mo na lang manakit o magpakabaliw, ipagwalang-bahala ang lipunang ginagalawan mo. At kung lahat tayo, naiisip 'yun, pero hindi lahat tayo, ginagawa, tangina, ang weirdo ko kung magpapakita ako ng saltik ko, 'no. Madaling mag-isip ng mga bagay-bagay, madaling mangarap, o magsakonsepto. Kapag itatawid mo na ang noumenal patungo sa phenomenal realm, du'n nagkakatalo. Kasi mamumulat ka sa katotohanang hindi ka nag-iisa sa mundo.
Pasok siguro dito 'yung autonomy na tinatawag, siguro, 'yung tunay na self-legislation. Kung tama ang pagkakaalala ko, may binanggit na si Kant tungkol dito. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ayaw mong gawin ng kapwa mo. At ang bawat gagawin mo, isipin mo muna kung okey lang sa 'yo kung ang kapwa mo naman ang gumawa nito. Medyo ganu'n yata 'yung categorical imperative niya. Sa totoo lang, simple lang 'yun-- may Intsik na rin 'atang nakaisip nu'n, dating-dati pa.
At kung naisip na 'yun ni Kant ilandaang taon na ang nakakalipas, kung naisip na ng isang Intsik libong taon na rin ang nakaraan, ang labong hindi pa maintindihan 'yun ng ibang tao, ngayong itinuturing na tayong lahat na astig at sibilisado.
May mga kakilala akong ganu'n, e, may mga naririnig ring kuwento, mga kakilala ng kakilala, kung sinu-sino. Putangina, mehn; sabi nga ng isang kaibigan: sa totoo lang, alam nila 'yung ginagawa nila, 'tong mga topak na 'to. Pinaplano 'yun, hinahabi nang parang kuwento. Para makuha nila ang maximum amount ng pansin na makukuha nila. Pero, sa huli, sila lang din ang nagmumukhang tanga. 'Yun yata ang di nila gets.
Parang may sariling quality-assurance ang lipunan. Manners lang 'yan. Decorum. Hindi ka maglalakad nang nakahubo't hubad sa kalsada, dahil makaka-offend ka ng sensibilidad ng kapwa mo, na kabilang sa lipunang ginagalawan mo, na may sariling nakasanayan, may sariling norm. Kung susundin mo lang nang susundin ang gusto mo, nang walang pakialam sa sensibilidad ng kapwa mo, self-centered ka, maramot. Hindi ka rebelde; simpleng bastos ka lang. Ang punto ko siguro: sabi ko nga, lahat naman tayo may saltik. Iba-iba lang ang hangganan ng hiya para sa atin, 'yun bang civility; may mga mas sensitibo sa pag-offend sa kapwa nila. May mga hindi.
Minsan pinagbibigyan natin ang sarili natin, kapag pakiramdam natin may utang sa atin ang mundo, na lilipas at lilipas din kapag nanumbalik na tayo sa kalmadong pag-iisip, kapag steady na ulit matapos ang isang matinding emotional extreme. Minsan naglalakad ako sa abandonadong kalye matapos ang sobrang bad trip na araw, sisigaw ako, "Tang-ina mo, world!" O kaya kapag lasing, tapos di maganda ang timpla ng mga pangyayari sa buhay, papasok ako sa banyo at susuntukin nang susuntukin ang pader hanggang sa mamaga ang mga kamao ko.
Pero, matapos nu'n, pag steady na? Iniisip ko, siyet, sana walang nakakita. Siyet, nakakahiya. Kasi okey lang naman talaga ako, e.
At, ang nakakatawa? 'Yung mga topak na nabanggit ko, ganu'n din. Matapos nang matitindi nilang pagwawala, sasabihin nila, Sorry. Hindi tama. Pasensiya na.
Ako naman, bilang (kahit papaano'y) nakakaintindi, sasabihin ko, okey lang, okey lang.
Kasi 'yun ang gusto nilang marinig.
Na, matapos nang lahat, tatanggapin uli sila ng lipunan na wala naman talagang magagawa kundi tanggapin sila.
Kung susundin mo lang nang susundin ang gusto mo, nang walang pakialam sa sensibilidad ng kapwa mo, self-centered ka, maramot. Hindi ka rebelde; simpleng bastos ka lang. ===>>> Hahaha. Tama. Matagal ko na ring naiisip 'to, lalo na pag sumasakay ako ng MRT.
puwede. martir din? o nga, 'no? kung seryosong tanong 'to, puwede kong sabihin, siguro, na bilang bahagi nu'ng lipunan, hinuhubog mo rin 'yung takdang hanggan ng hiya. puwede.
Na-guilty naman ako, Kael, sa entry na 'to, dahil madalas ko rin pagbigyan ang ilan sa mga kabaliwan ko. 'Yun nga lang, sa tuwing may magagalit o masasaktan, walang sisihan: alam kong toyo ko ang may pakana ng lahat, kaya balik din sa sarili ang sisi.
At para sa akin, hindi rin rebelde ang tawag do'n, ngunit hindi rin bastos, kundi engot.
Kung susundin mo lang nang susundin ang gusto mo, nang walang pakialam sa sensibilidad ng kapwa mo, self-centered ka, maramot. Hindi ka rebelde; simpleng bastos ka lang. ===>>> Hahaha. Tama. Matagal ko na ring naiisip 'to, lalo na pag sumasakay ako ng MRT.