abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Tuesday, May 17, 2005
Nagpipigil akong bilangin ang mga araw; sa tantsa ko, mahigit tatlong linggo na akong hindi umaapak sa Luzon. 'Tong biyaheng 'to, tangina, gaya siguro ng lahat ng biyahe, e may sarili niyang mga lambak at rurok. Hindi naman siguro maiiwasan 'yun.

Pero hindi ko rin inasahan. Ang gusto ko, dapat, sa barko pa lang, space-out na. Hanggang makauwi. Bakasyon lang, ganu'n, makinig sa mga tao-tao tungkol sa tula, matuto na rin siguro kung may matututunan. Marami naman.

Isa du'n sa maraming 'yun, nabanggit ko na sa isang tula dati, pero parang ngayon ko lang naintindihan.

May mga pananahang hindi kayang lunasan ng pag-uwi.

***

Hindi pa ako sumasablay. Basta't tuwing takipsilim, beer sa Coco Amigo's. Minsan mag-isa, minsan hindi. At kung mayroon mang kasama, sabay naming pinapanood ang ang dagat, ang kalsada, mga tao, ang lahat; sabay kaming umaalala at gumagawa ng mga bagong alaala.

***

Ang mga nami-miss ko sa Maynila, in no particular order:

1. Pamilya ko. Oo, 'no, may puso naman ako, kahit papaano. 'Yung mga pamangkin ko.

2. Ang banda. Buti na lang dumalaw dito si Carl.

3. Libreng pagkain. 'Yung babangon ka ng hatinggabi tapos bubuksan mo 'yung fridge tapos siguradong may tsibog du'n, 'yun, 'yun, nami-miss ko 'yun.

4. Kung sinu-sinong mga tropa. Marami kayo, e. Tapos pag naglista ako, baka may makalimutan ako, di ba, magtatampo pa. Basta lahat ng tropa.

5. 'Yung basketbol tuwing Biyernes sa Park 9.

6. Chess kasama si Erpats.

7. Marami pang iba.

***

Pag-uwi ko, magsusulat ako tungkol sa makasaysayang tag-araw na ito. Sa Tagalog ko isusulat 'yun.

***

Salamat nga pala sa lahat ng dapat pasalamatan. Kilala na ninyo kung sino kayo.
posted by mdlc @ 1:54 PM  
4 Comments:
  • At 9:19 PM, Blogger anjeline said…

    may update ako! di ako makatiis, he he. :)

    ang bilis mo naman makamiss ng buhay-bahay. :) enjoy the homecoming.

     
  • At 9:49 PM, Blogger mdlc said…

    jeline: sinilip ko na. sori kung hindi ako nakaka-email. medyo nagsimula nang maging busy, e.

    ngayon lang ako lumayo nang ganitong kalayo nang ganitong katagal, e. hehe, tuloy, iniisip ko, mas mahirap nga ang dinaanan mo nang una mong dating diyan.

    marie: 'yung entry na may "galimgim?" sulat 'yun, na kaysa i-email, ipinost ko dito. si jeline ang sinulatan ko noon.

     
  • At 2:55 AM, Blogger free migrant said…

    hi, kael! of course, you should link me. we should all be linked! weng and i were at xavier grill with carl, easy n joel a few nights ago. ok pala yung lugar. gothika ang dating. so tama na yang dumaguete dumaguete na yan. balik na kayo dito. inom na lang tayo. sobrang haba at tagal na ng biyahe mo. and speaking of biyahes and travels, i've a new story i'd like you guys to read. it's called travel time, while i still can't think of a better title. ;o)

     
  • At 8:15 AM, Blogger bullet said…

    kael!(feeling close e no?hehe) post naman ule. araw-araw akong dumaraan dito e kaso wala pang bago kaya nagbabasa na lang muna ako ng old postings mo.

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto