abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Friday, December 17, 2004
Patawad

kung patuloy ang pagliit ng espasyong sinasakop ninyo
sa aking mga tula. Natuklas ko nang hindi kakasya
ang lawak ng inyong pagdurusa sa loob ng iilang salita.
Natutunan ko nang ilapit ang pahina sa aking bibig
at bulungan ito gamit ang inyong tinig
upang ang mga butil ng abong iniwan ninyo sa aking dila
ay sumiksik sa pagitan ng mga taludtod
at saka pumuwing sa sino mang babasa.



posted by mdlc @ 9:08 AM  
6 Comments:
  • At 1:55 PM, Anonymous Anonymous said…

    pre, nag-iiba na a. ika nga nila: "cheng cheng cheeeng, change is gooood."

    -ej

     
  • At 1:55 PM, Anonymous Anonymous said…

    pre, nag-iiba na a. ika nga nila: "cheng cheng cheeeng, change is gooood."

    -ej

     
  • At 4:43 PM, Anonymous Anonymous said…

    pogi!
    happy new year!naghihintay pa rin ako ng paanyaya sa susunod na inuman session. :)

     
  • At 7:23 PM, Anonymous Anonymous said…

    napadpad lang. nagustuhan ko yang Patawad. :)

    -xee

     
  • At 10:10 PM, Blogger anjeline said…

    huuy ba't walang updates? ba't walang sulat? ba't walang mikael?

     
  • At 3:06 PM, Blogger fanboy420 said…

    Astig, pare. Napakaganda.

    Waps

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto