abo sa dila

May iniisip ka? Oo. Ano? Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.

 
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
O, ha, Plurk, o, ha!
Radyo? Radyo?
Libreng humirit

Mag-exercise tayo tuwing umaga
Tambay ka muna
Lokal Kolor
Ano'ng hanap mo?
Basa lang nang basa
Tropa ko

    na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito

Sunday, December 05, 2004
Huwag ninyo akong tatanungin kung ano na ang nangyayari sa buhay ko dahil hindi ko kayo masasagot, dahil wala akong maisasagot, dahil "wala" ang tanging maisasagot ko. Dahil malamang sa hindi, kasinungalingan lang din ang maihahain kong tugon sa pangungumusta ninyo. Wala akong problema, ewan, mayroon siguro, o wala pero gusto kong isiping mayroon, o mayroon, pero gusto kong sabihing wala.

At kung tatangkain kong pahabain 'to-- hindi, hindi ko tatangkaing pahabain pa 'to, hindi mahabang-mahaba. Marami akong gustong isulat, pero hanggang gusto lang, hanggang gusto na lang muna. Hindi ko tatangkaing pasayahin 'to.

May lulungkot pa ba sa-- saan? Sa alin?

Hindi ako nalulungkot. Tingnan n'yo nga't nakangiti ako.

Ito ang tanging pagmamay-ari ko, ang tanging pagmamatapangan kong angkinin: kalahating kaha ng basang sigarilyo, at itong madaling-araw na manhid, manhid, manhid, manhid.

Hindi raw ako marunong magsinungaling. Madali akong mahalata. Parati akong ngumingiti kapag may sinasabi akong kasinungalingan.

Ngumingiti para ikubli ang pait na naglulunoy sa ibabaw ng aking dila.


posted by mdlc @ 4:08 AM  
3 Comments:
  • At 11:13 AM, Blogger jeanie de la rama said…

    hindi ito pangangamusta...gusto ko lang sabihin na i's knows whats yous means.nuninuninu...

     
  • At 1:10 AM, Blogger anjeline said…

    hindi ito pangungulit, gusto ko lang sabihin na sana masaya ang buhay mo ngayon. kung hindi, e di hindi. :) masarap isipin na siguro sabay tayong nagyoyosi sa magkabilang dulo ng mundo.

     
  • At 11:25 AM, Anonymous Anonymous said…

    Maari ba kitang idagdag? Huwag ka nang umangal naidag-dag na kita. :)

    http://kudlit.blog-city.com

     
Post a Comment
<< Home
 
Nito-nito lang
Minsan
Da Bayaw Kolektib
Template by

Free Blogger Templates

BLOGGER

Salamat sa pagrereto