May iniisip ka?
Oo.
Ano?
Ayaw kong sabihin. Baka magkatotoo.
Dahil makulit ka
Kilala kita. Oo, ikaw 'yun: Nagkasalubong na tayo minsan, sa LRT, sa Gotohan, sa kanto ng Aurora at Katipunan. Nagkatinginan tayo. Hindi mo ako kinausap, pero alam ko, nakilala mo rin ako. Kaya ka narito, di ba? Para sabihing, Oo, oo, ikaw nga 'yun. Naaalala kita.
na, mula noong 24 Enero, 2006, ang nakitambay dito
Thursday, November 04, 2004
Mabilis lang 'to
Una: buhay pa pala siya. Totoo nga sigurong may mga nagkalat lang ng balita tungkol sa kaniya. 'Yung bading na tinutukoy ko sa huling post - 'yung sinasabi kong binira ng isang serial gay killer, e buhay pa. Nakita raw ni Gelo noong isang linggo lang, kaya't imposibleng patay na siya.
Teka, teka: paano kung multo pala 'yung nakita't nakausap ni Gelo?
Kagabi: "Tangna magiging ama na ko kamote! Me Ishikawa na namang susubok pumunit sa hibla ng mundo!"
Matagal-tagal na rin iyon, dito rin sa blog na 'to, nang batiin ko ang dalawang kaibigan sa kasal nila. Ngayon, muli, binabati ko sina Ken at Anna Ishikawa sa pagsilang ng anak nila.
tsong hindi ka naman dumaan e. palagi kang tinatanong ni javie sa akin. narinig minsan ni mam beni yung tanungan. sabi ni mam sayang naman daw at hindi mo natapos yung semestre. kamusta ka na daw, at anong plano mo. yun.
kael!!!
may utang ka pang tula sa akin. :( hinigi ko kay joel yung cellphone number mo nung isang gabi ngunit hindi ka naman sumagot sa text ko.
nagmamakaawa,
isea7@yahoo.com
salamat